Ikawalong Kabanata

338 87 20
                                    

Ikawalong Kabanata

Dumating ang araw ng Lunes at pinagtitinginan na naman ako ng mga tao sa school namin. Siyempre, sino ba namang hindi mapapalingon kung makikita nila ang isang Sydney Spelman na maganda?

Inaya ko kahapon sina Kimmy na magpunta sa bahay. Nagpaturo na rin ako sa kanila kung paano maglagay ng makeup na babagay sa akin, pati ang pag-aayos ng buhok. Inilibre ko na lang sila sa isang restaurant bilang pasasalamat. Thankful din ako sa mga babaeng 'yon dahil hindi nila ako pinabayaan noong gabi na nagpunta kami sa bar. Siguro nga, everyone deserves a second chance.

"Oh my gosh! Ikaw ba 'yan, Sydney?! Hindi kita agad nakilala!" sigaw ni Irene na halatang ipinaririnig sa mga estudyanteng nagdadaan.

"You're so ganda naman, girl!" sabi naman ni Louela saka hinawi nang kaunti ang buhok ko.

"That's one of the powers of money," nakangisi namang sabi ni Kimmy.

"Yah! Thanks to you, girls, hindi ko 'to magagawa kung hindi dahil sa inyo." Nagyakapan pa kaming apat.

Kung talaga ngang nagbago na 'tong tatlong 'to, then wishing to have them is one of the greatest decisions I ever made.

"Hep! Stop the drama. Let's go to our classroom na," konyong sabi ni Louela.

Sabay-sabay kaming naglakad papunta sa classroom namin at pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Pakiramdam ko tuloy nasa isang pageant kami at naglalakad sa stage. Ang sarap pala sa pakiramdam ng ganito, 'yong pinagtitinginan ka ng mga tao na akala mo ay napakataas mong nilalang. 'Yong tipong halos lahat ng lalaki ay napapalingon sa 'yo dahil ang ganda-ganda mo.

No wonder kung bakit galit na galit sa akin si Kimmy noon. Halos lahat ng lalaki at halos lahat ng gusto niya ay nakukuha niya—maliban kay Jairo.

Hindi ko naranasan ang ganito noon. Lagi akong nakayuko kapag naglalakad at halos ayaw kong ipakita sa iba ang mukha ko, lalo na sa school na 'to dahil karamihan ng nag-aaral dito ay mga guwapo at magaganda. Pero ngayon, taas-noo na akong naglalakad. Hindi ko na kailangang yumuko dahil alam kong maganda ako.

Alam kong maganda na ako.

Nang makarating kami sa classroom ay nakita namin sina Jairo at Jorina. Pumasok na ng classroom si Jorina, katabi lang naman kasi ng classroom namin ang kanila. Naglakad naman papalapit sa classroom namin si Jairo. Papasok na sana siya nang mapatingin siya sa akin.

Nagtama ang mga mata namin. Kanina, confident na confident ako sa paglalakad, alam ko sa sarili ko na maganda ako at walang mali sa itsura ko. Halata naman din 'yon sa mga taong nadadaanan ko. Pero bakit ngayong si Jairo na ang tumitingin sa akin ay parang nagdalawang-isip ako kung maganda ba talaga ako at hindi mukhang haggard?

Tiningnan ko nang mabuti ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Malamig pa rin ang mga 'yon. Naglakad na uli siya papasok sa classroom namin nang tawagin ko siya.

"Jairo!"

Natigilan siya at gano'n din ako. Napatingin ako sa babaeng kasabay kong tumawag kay Jairo.

"Ohhh . . . the who ang pipiliin ni Fafa Jairo?" rinig kong bulong ni Louela na kasalukuyang nasa likuran ko.

Napatingin naman ako sa best friend ko. Alam ko na ako ang pipiliin niyang kausapin. O 'di kaya'y sasabihin niya sa akin na sandali lang, uunahin niya lang si Jorina at pagkatapos ay mag-uusap na kami. Pero sigurado pa rin ako na ako ang uunahin niya.

Ilang segundo ang lumipas at pinili ni Jairo na humarap sa kaliwa—sa gawi ni Jorina.

"Ohhh . . . what happened sa best friend mo, Sydney? Bakit hindi ka niya pinansin?" bulong uli ni Louela pero sapat lang para marinig ko.

Rosa MagicaWhere stories live. Discover now