Ikalabing-isang Kabanata

398 85 13
                                    

Ikalabing-isang Kabanata

Nang gabing 'yon ay sabay-sabay kaming naghapunan ng mga magulang ko. Natuwa nga ako dahil muli na naman kaming nagkasalo-salo. Ibinalita ko na rin sa kanila na nanalo uli ako sa isang raffle promo.

"Anak, ang dami na nating pera. Ano ba'ng plano mong gawin sa mga iyon?" tanong sa akin ni Nanay.

"Itabi n'yo lang po muna, 'Nay. Baka magkaroon tayo ng emergency rito sa bahay, hindi natin masasabi kung ano'ng puwedeng mangyari."

"E, anak, ang dami na nating pera sa banko. Baka naman puwedeng makahingi ako. Gusto ko kasing subukan 'yong sinasabi sa akin ng ka-trabaho ko na casino," sabi ni Tatay.

"Puwede naman po kayong kumuha ng pera ni Nanay. Basta po huwag kayong sosobra sa paggamit. Kayo ang nagpapaalala sa akin dati na dapat, tama ang pagba-budget at paggamit sa pera kaya may tiwala po ako sa inyo na hindi n'yo basta-basta uubusin ang pera natin."

Tumango ang mga magulang ko saka ako niyakap. Sa kabila ng stress ko sa sarili at kay Jairo, mabuti na lang at nandito pa rin ang mga magulang ko para sa akin.

***

Lumipas ang mga araw at hindi pa rin kami nagpapansinan ni Jairo. Sina Kimmy, Irene, at Louela pa rin ang kasama ko. Kahit na magkatabi lang ang upuan namin ni Jairo ay para lang kaming bula sa isa't isa.

Madalas pa rin silang magkasama ni Jorina kahit na hindi natuloy ang JS Prom ngayong February. Marami pa raw kasing mas dapat asikasuhin sabi ng admin kaysa ro'n. Napagdesisyonan nila na Graduation Ball na lang ang gawin at magaganap 'yon two days after our graduation.

Patuloy pa rin ang pagdating ng pera sa buhay namin at tuwang-tuwa naman ang mga magulang ko. Napapansin ko nga lang na mas madalas na ang paglalaro nila ng mahjong at casino kaysa sa pag-i-stay nila sa bahay.

Madalas pa rin kaming gumimik nina Kimmy. Pumupunta pa rin kami sa bar, nagsha-shopping, at kumakain sa mga mamahaling restaurant.

Uwian na namin pero heto ako't papunta sa registrar's office, may kailangan daw i-discuss sa akin si Mrs. Torres tungkol sa scholarship ko.

"Ms. Spelman, nitong mga nakaraang buwan ay napabayaan mo yata ang pag-aaral mo? Halos lahat kasi ng grades mo ay bumaba. Dumalas din ang hindi mo pagpasok. Aware ka ba na wala ka nang scholarship?" sabi ni Mrs. Torres.

Tumango naman ako. Alam ko naman na napabayaan ko na talaga ang pag-aaral ko. Pero ewan ko ba, kahit na alam kong mawawala ang scholarship ko ay kampante pa rin ako na makakapasa ako. Siguro'y dahil naiisip ko na may pera ako. Kayang-kaya kong bayaran ang tuition fee ko at ang iba pang bayarin sa school.

"Aware ka rin ba na maaaring mawala ka na sa honors? Ms. Spelman, hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa 'yo pero sana'y huwag mong tuluyang pabayaan ang pag-aaral mo. Sayang ang tatlong taon na pakikipaglaban mo sa ranking. At kung kailan ka pa nasa huling taon ng senior high school ay saka ka magpapabaya? Ayusin mo ang sarili mo, Ms. Spelman," sermon ni Mrs. Torres.

Tumango lang ako sa lahat ng sinabi niya at pagkatapos ng ilan pang sermon ay pinalabas na niya ako ng opisina. Sa totoo lang ay hindi ko naman na talaga kailangan ng scholarship. Sa dami ng pera namin sa banko ay kaya kong makapagtapos ng high school. Kaya ko ring makapag-aral sa college kahit na hindi ako mag-apply ng scholarship. Kaya ko ring makapasok sa kursong gusto ko kahit na bumaba ang grades ko.

Kayang-kaya ko 'yon dahil may pera na ako. Bayaran ko lang ang mga dapat bayaran ay magagawa at makukuha ko na kung ano'ng gusto ko. Lahat ng tao, basta pera, kumakagat.

Rosa MagicaWhere stories live. Discover now