Chapter 1: The Meeting

7.8K 150 58
                                    

Chapter 1: The Meeting

Arya's POV

"Fuck!" Napasigaw ako habang napahawak sa aking bewang at humugot ng malalim na hininga. Papalapit na sila sa akin. Muli akong lumingon sa likod ko upang tiyakin na malayo pa sila.

Nalagpasan ko pa ang ilang mga kanto bago ako lumiko sa kaliwa upang isidetrack ang mga humahabol sa akin. What a big mistake it was!

Isa itong madilim na alley na mukhang wala nang mapupuntahang iba. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko at kinabahan. Hindi, kaya ko pa silang takbohan. Pero tila ba may galit talaga ang Panginoon sa akin dahil noong naisip ko yun ay ang tatlong lalaking may takip sa mukha maliban sa mata. Diyos ko, huwag niyo po akong patayin na hindi ko pa naaabot ang aking mga pangarap.

"Hindi ka na muling makakatakas sa amin." Sabi ng isa sa kanila na feeling ko ay nakangising nagsasalita, tila ba tinatakot ako.

Dahan dahan silang lumapit sa akin kagaya ng mga nakikita sa movies na kinocorner na charcters. I tried to look cool, calm, and collected. I readied myself para sa isang laban. Kahit na hindi steady ang mga paa ko, I tried to tone down my aching feet and fear.

Umabante sila sa akin, buti na lamang ay may alam ako sa self-defence. Nag somersault ako sa isa at sinuntok ang kanyang tiyan, bigla siyang natumba. Sumugod naman biglaan ang ikalawa pero buti na lang ay naiwasan ko ang kanyang atake, yumuko ako. Itinaas ko ang aking paa and kneaded his groin para mabaog na ang gago. Nahilo ako at biglang nadapa palikod.

Pero sa kasamaang palad, hindi namalayan na binanatan na pala ako ng ikatlong lalaki. Dumapo ang kamao niya sa aking matulis na ilong, doon na nagsimula ang pagdaloy ng dugo ko. Tila bang yung mga taong nagienglish na nagnonosebleed.

I tried to come back to my senses pero ang sakit talaga kaya tinakpan ko ang ilong ko at sinubukang patilain ang pagagos ng dugo.

Darkness was slowly flooding my vision pero noong oras na iyon, nakita ko pa ang isang lalaking humawak sa balikat ng umatake sa akin. I tried to look at his figure, tall, lean and slender but physically fit, pointed nose, his lips were pressed in a thin line, magulo ang kanyang buhok pero he was still ruggedly handsome. His eyes were piercing and his aura evoked authority. Yung expression niya ay cold at nakapokerface.

Nakita ko pa siyang pinagbubugbog ang mga lalaki bago dumako sa aking piyesto at sinuri ang aking estado. "Who are you?" bulong ko sa kanya ngunit hindi siya sumagot. Ang huling namalayan ko na lamang ang kanyang malalakas na kamay na binuhat ako at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Hindi na lang sana ako nagpakatangang mageavesdrop kanina sa conversation nila pero hindi ko ito napigilan dahil sa nalaman kong kagagawan nila...


Nagising ako nang biglang may stick na naipalo sa lamesang nakasandalan ng ulo. "Fuck!" I cursed habang tumalon sa impact ng stick. "Ano ba ang problema mo?!" Tanong ko sa kung sinuman ang taong umistorbo sa tulog ko. Minsan na nga lang matulog ang tao eh.

Pinunasan ko ang gilid ng bibig ko na may laway at inimulat ang mga mata ko. Pagtingin ko sa tabi ko ay si Mrs. Pastor na librarian ng skuwelahan namin. "Ms. Arya Ramirez! Do you know what time it is? Umuwi ka na dahil magsasara pa ako." Napakunot ako ng noo, ibig sabihin tatlong oras na ako nandito?

Napabuntong hininga na lamang ako nang narealize ko na hindi ako nakaattend ng third at fourth period ko. Dahil ayaw ko nang mapagalitan pa lalo kay masungit na guro, binilisan kong ayusin ang mga gamit ko at libro ni Dan Brown at dumeretso sa pintuan.

Decrypting Ciphers Volume I (COMPLETED)Where stories live. Discover now