Chapter 7: The Restart
Arya's POV
Pumunta kami sa bar na pinuntahan ni Marion in disguises. Nakakainis nga dahil kinailangan ko pa ang magsuot ng maikling bestida at heels. Ang usapan namin ay susunduin kami ni Lynch kaya nagantay ako sa labas ng dorm ko.
Biglaan namang dumating ang BMW na hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na kotse ni Lynch. Binusinaan na niya ako kaya binilisan ko ang pagpunta doon.
Hinawakan ko na ang handle ng pinto sa likod na nahagi nito ng biglang binuksan ni Lynch ang passenger seat. "Dito ka, Arya."
"Okay." Maikling sagot ko naman. Lumingon ako sa likod at nakita na nadoon na pala si Marky. Wow, those two made it here without anyone being murdered.
"Wow! Ganda natin ah!" sabi naman ni Marky. "Salamat." na lamang ang naisagot ko na sinabayan ang tawa niya.
Nang bumalik na ako sa piyesto ko, hindi ko maiwasang makita ang masamang titig ni Lynch sa daan. Ano na naman ba problema nito?
Hindi ko namalayan na nandito na pala kami. Lynch parked his car and turned on us. "I have your ID's here." He handed the cards before continuing, "You have to be careful, lalong lalo na sa iyo, Arya. Once we get inside, we need to disseminate but not too far so that we can watch each other."
So, pumunta kami sa pila at pagkatapat namin sa bouncer ay ipinakita ko ang ID ko at pumasok. It was weird, entering a bar for the first time. Rays of lights of different colors were everywhere, the music was blaring on the speakers, people were dancing everywhere.
May nalagpasan akong amoy na nakakasakit sa ulo. Anong klaseng pabango nyan, ate bes? My mind started spinning from the unfamiliarity. Sinubukan kong humawak sa isang bagay na stable pero wala...until may humawak sa aking kamay. "Is this your first time?" Nakangisi siyang nagtanong sa akin.
To be honest, medyo nadisappoint ako dahil si Marky ang unang nangasar sakin. Hanggang ngayon ay hindi parin umiimik si Lynch. "Uh! oh! Parating na siya." Binitawan naman niya agad ang aking kamay na palihim na tumawa.
Hindi ko naman naintindihan ang sinabi niya. "Hey! Are you alright?" Hinawakan ni Lynch ang aking mga balikat to keep me steady.
"Medyo nabigla lang siguro ako." He took my hand to his and guided me gently to a chair in the corner, "Is this your first time going into a bar?"
"Kind off." I answered sheepishly. "Here, take these." Nilunok ko namanang mga Advil na ibinigay niya sa akin. Biglaan namang napadako si Marky sa kinauupuan namin. "Guys, I think I just saw the manager walk out of the office. May isa pang guard na nagbabantay sa labas nito but I can distract him while you guys go in and get the footage." May inilabas naman siyang posporo mula sa kanyang bulsa at kinulog ito sa harap namin. Ano to? Girl Scout? Always ready, ganon?
"Let's go." Biglang nagseryoso si Lynch at inipresenta ang kamay niya na kinuha ko naman. I took a deep breath and prayed to God that I won't get arrested tonight.
Mayamaya ay nakarating kami sa gilid ng office sa may diding. Tiningnan ko si Marky na umoorder ng isang malaking baso ng vodka ata but accidentally spilled it. While the bartender went to get a rag, inilabas niya ang posporo at sinindihan ang alcohol. "Oh my God! Guards! Guards! The bar is on fire! Tulong! Tulong! Maria! Nasusunog ang bar!" Kinulog-kulog pa niya ang babae sa tabi niya. What is this guy? A freaking arsonist!?
But it worked. Tumakbo ang guard para tulungan sila sa apoy na lumalaki na, doon na kami pumasok sa opisina nito. It was small and casual, modernly designed but papers were scattered everywhere. Hindi na kami nagsayang ng oras, dumeretso si Lynch sa computer nito habang ako ay nagmasidmasid naman sa kanyang office.

YOU ARE READING
Decrypting Ciphers Volume I (COMPLETED)
Mystery / ThrillerBOOK 1 OF THE DC SERIES Codes. Messages. Secrets. Mysteries. Crimes. Romance. Two high school detectives join forces to solve crimes and discover hidden truths. Join Arya and Lynch as they unveil mysteries, crimes, and murders. ~Tagalog Highest Sto...