Chapter 3: The Real Killer
Arya's POV
Nang sinabi ko yun ay biglaang may napasigaw na babae sa cafeteria. Nabigla naman kaming lahat tumingin sa pangyayari.
Nagrarambulan ang dalawang lalaki na nakilala ko si Lucas at yung isa naman at hindi ko nakilala. Walang lumapit sa kanila para tumulong lamang, tila bang natatakot silang masangkot sa nangyayari. Pero si Lynch, nang tingnan ko ay wala na sa upuan niya.
Nabalik ang aking atensyon sa dalawang nagaaway na ngayon ay tatlo na. Nagulat na lamang ako nang makita si Marky ay nasa gitna na nila na pilit patigilin ang dalawa. Nainis ang isang lalaki at pinagbantaan siya, lumingon si Marky pababa para iwasan ang suntok na dadapo sa kanyang mukha. Akala ko talaga ay hindi siya madadapuhan ng kamao pero ibang direction ang dapat niyang pinuntahan. Dahil sa kanyang tangkad at sa kanyang pagbaba ay maslalo pa siyang nasuntok, deretso sa kanyang ilong na pango. Kawawa naman, pango na nga, pinapatag pa.
Napatumba si Marky papalikod. Dahil wala nang tao sa daan ng lalake ay nagpatuloy siyang umatake kay Lucas na mukhang pagod na. Pero lahat kami ay napapigil ng paghinga ng biglaang may palad ng kamay na sumalo sa kamao nito. "Stop this or you will regret it." Deretso siyang nakatitig sa lalaki na walng emosyon, nakakabahan na ako para kay Lynch. May inilabas na ballpen ang lalaki sa kanyang likod na bulsa, binuksan at itinuro kay Lynch.
Napanganga ang mga tao dahil ballpen ang armas niya pero alam ko na may kakaiba doon. At alam ko na alam ni Lynch yon, kaya umiwas siya sa mga banta niya bago niya sinipa ang kamay ng lalake na nabitawan ang ballpen at napatango sa direksyon na kinatatayuam ko.
"Arya, kunin mo!" Sigaw ni Lynch, agad agad akong tumakbo papalayo nang makuha ko ito dahil naging target na ako ng lalaki. Imbes na pagtuonan niya ng pansin si Lynch ay ako ang sinundan niya ng tingin kaya niya napabagsak siya. Nang mawalan na ng malay ang lalaki, linapitan niya si Lucas na nasa gilid. Pumunta naman ako doon hawak ang ballpen.
"Ayos ka lang?" Tanong ko kay Lynch. "Yeah..." lamang ang nakuha kong sagot mula sa kanya. Bigla niyang inilahad ang kanyang palad sa harap ko at inilagay ko doon ang ballpen, "I think it's poison. The ballpoint is literally a sharp point and the supposed ink is flowing freely unlike ink. I can conclude that this is cyanide base on the smell."
We heard Lucas groan on the floor beside us, "Someone's trying to kill me, too. First, Melly. Now, me?"
Nakapagtataka nga dahil si Lucas ang isinulat ni Melissa sa code niya pero bakit may nagbabanta sa buhay niya. Napakunot ang aking noo sa ko sentrasyon ng bigla kong napansin na nakatitig si Lynch sa kin pero mabilis na umiwas at kumuha ng ziploc sa kanyang bulsa na pinaglagyan ng ebidensya.
"Lucas, can I ask questions about Melissa? We're investigating the case so we need to gather as much information as we can get."
He nodded and sighed. "Where were you on the night Melissa went missing?"
"Home. I couldn't go anywhere, my car just broke down."
"Ano ang alam mo tungkol sa relasyon nina Melissa at Christian?" Nginitngit niya ang kanyang ngipin ng marinig niya ang pangalan ni Christian.
"Yung tarantadong yun! Noong una, parang napakamabuti siyang jowa ngunit last week, I saw a mark on Melissa's wrist, may pasa ito and I asked her where she got them but she never wanted to tell me who it was. But I know, I just feel it in my veins na si Christian ang may kagagawan nito. Ayaw niya akong masaktan kaya ayaw niya akong idamay dahil she knew what Christian was capable of." He was fuming. Either he was a really good actor or just plainly telling the truth.

YOU ARE READING
Decrypting Ciphers Volume I (COMPLETED)
Mystery / ThrillerBOOK 1 OF THE DC SERIES Codes. Messages. Secrets. Mysteries. Crimes. Romance. Two high school detectives join forces to solve crimes and discover hidden truths. Join Arya and Lynch as they unveil mysteries, crimes, and murders. ~Tagalog Highest Sto...