Chapter 13: The Swimming Dead

1.9K 61 8
                                    

Chapter 13: The Swimming Dead

Arya's POV

Believe it or not, mabilis nakamove on ang mga kasama ko sa aksidente. Napagdesisiyonan nina Lynch at kuya Nero na hindi na lamang sabihin sa mga magulang nila ang nangyari at pinauwi na lamang ang mga kaibigan nila. However, Marky and I stayed in their mansion and will be joining them at Hannah's Beach Resort.

Nagising ako sa tunog na parang ritual na nagyayaya ng bagyo. Pero seryoso, may kumakanta ng out of tune at napakalas na Chandelier. Kahit na medyo sound proof ang kuarto dito at nasa dulo pa ako ng bahay, dinig na dinig ko ang nakakairitang tunog. Hindi ko na kaya kaya lumabas ako sa kuarto na hawak hawak ang tsinelas ko.

"I'M GONNA SWIIING FROM THE CHAND-"

"LETSE! TUMIGIL KA KUNG AYAW MONG PASUBSUBAN KITA NG TSINELAS KO!" Ibinanta ko na ang tsinelas ko sa isang Marky na sumasayaw sa kusina. Bakit ba hindi pinatigil nina Lynch itong letseng neto?

Oh, that's when I remembered. Pumunta pala sina Lynch sa bus station para sunduin ang parents at lola nila. Bukas kasi kami pupunta sa lugar na Hannah's Beach Resort na nasa Pagudpud.

Saktong ititira ko na sana ang tsinelas ko nang narinig ko ang tunog ng koste na pinatay ang engine. Shit! Nandito na sila. I stayed still, anticipating the rest of his family's arrival.

"Arya? Marky?" Narinig namin ang boses ni Lynch kaya sumagot ako na nandoon kami. Behind him stood a woman, about my height, who was sporting a short hair and she looked like the feminine version of Lynch, she looked really pretty. There was also a man beside her, who I am assuming is his father. He, too, looked like Lynch except for the hairstyle and mustache.

"Hi po, ako si Arya Ramirez." Nagwave ako sa kanila habang si Marky na paepal ay pumunta at pinaghahalik ang pisngi ni tita at nakishake hands kay tito, "Tita, namiss kita. Ang ganda mo ngayon. Tito, kamusta? Gwapo natin ah?"

The scene was really hilarious. I managed a small chuckle as Lynch rolled his eyes, coming over to my side. "Mahimbing ba tulog mo?"

"Mahimbing ang tulog pero nasira nang pagkagising ko..." Sumimangot naman ako dahil sa sakit ng ulo na ibinigay ni Marky sa akin.

Ngumisi naman siya, "Dahil wala ako?" Na dahilan kung bakit ko siya pinalo sa ulo, "Loko! Dahil yung boyfriend mo nayayaya ng bagyo." Itinuro ko si Marky na hanggang ngayon ay nakikisyoso sa mga magulang ni Lynch.

"Psh, namiss mo lang talaga ako." Sabi niya habang pinisil ang mga pisngi ko. Bigla naman kaming tumigil nang umubo ng malakas ang isang matandang babae. Nagblush ako, well, kaming dalawa, dahil hindi namin alam na pinapanood pala kami nilang lahat, except kay Kuya Nero dahil wala siya dito. "Magandang dalaga ang napili ni Lynch, ikaw na ba ang mapapangasawa ng apo ko?" Tumawa naman silang lahat.

"Meemo! Hindi ko siya girlfriend!"

"Naku! Hindi ko po siya boyfriend!" Sabay naming sinabi ni Lynch, naikinatawa na naman nilang lahat. Si Marky nga ay muntik nang mamatay sa kakatawa.

"Magandang umaga nga po pala, lola. Ako si Arya Ramirez." Nagmano ako sa kanya nang matapos na silang lahat ipahiya kami ni Lynch. Hinila niya ako papalayo,  "Nonsense! Call me Meemo, magiging grandmother-in-law mo rin ako sa kalaunan." Damn these cheeks! Uminit na naman ang mga pisngi ko, buti na lamang ay inialis niya ako mula sa kanila at pagkatapos niyang makita ang reaksyon ko, iniwan niya ako sa malawak na sala.

"Cute pajamas." Narinig ko ang boses ni Kuya Nero kaya lumingon ako sa kinatatayuan niya. Oo nga pala! Nakalimutan ko na hindi ako nagbihis kanina bago ako bumaba. For the third time today, I blushed in embarrasment. "Sorry, hindi kasi ako nakabihis kanina bago ako inistorbo ni Marky."

Decrypting Ciphers Volume I (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon