Chapter 14: No Peace, No Rest

1.6K 54 4
                                    

Chapter 14: No Peace, No Rest

Arya's POV

"Sir, ano po ang relasyon ninyo kay Ms. Delos Santos?"

Kinamot niya ang kanyang panga bago sumagot, "Well, I'm her co-worker. Kasama niya akong waiter sa dining hall."

Base sa kaniyang mga paggagalaw, mukhang hindi niya masyadong close yung babaeng namatay. "And do you know other people na associated sa kanya?"

"Wala, hindi naman kasi siya friendly eh. Nagkakaproblema pa siya netong linggo, may babaeng pilit na nakikiusap sa kanya dito. But apart from that, wala na akong kilala."

"Anong pangalan nung isang babae?"

"Hindi ko alam, ang alam ko lang ay nagplaplano siyang tumakas sana! Kanina ka pa nagtatanong, may trabaho pa ako." This guy is absolutely useless and unnecessarily rude. Sumimangot ako at tumayo mula sa stool na kinauupuan ko pagkatapos ko inumin ang juice ko, it tasted weird but good.

Ibinaba ko ang ulo ko na nakakunot ang aking noo, I feel so tired. This was supposed to be our break, our vacation, I wanted to have fun and this is nit what I immagined. May nabangga naman akong pader habang lumalabas sa hall. At yung pader na yun ay isang nilalang pala na nagngangalang Lynch.

Damn, I feel so tired. Halos hindi ko na mabuhat ang bags sa ilalim nang mata ko, daig pa ang gamit kong bag sa campus.

Ano ba kasi ang ginawa nang babaeng ito at pinatay nila siya? Now, I can't even enjoy my short vacation. "Arya, I've got us some lead. Tara na!" Dagdag pang sakit sa ulo ang isang to, masyadong excited sa pagsolba ng mga riddles.

He led me to a room and took a key from his back pocket. I didn't even bother to ask how he got the key.

"So, ano naman ang nahanap mo?" Umupo ako sa kama, medyo natetempt pa akong matulog na lamang dito. "Well, I got the key from the receptionist and went here really early to search for clues. And I found these," May kinuha siya sa lamesa at inilagay sa bakanteng bahagi ng kama sa tabi ko.

Ang unang gamit ay kumpol kumpol na listahan ng mga utang na nakapaloob sa isnag ziploc, and ikalawa naman ay card, at ang ikatlo ay isang papel na basa. "Tapos, may nakita pa akong isang pangalan na familiar sa ating tatlo kaya isinama ko na rin siya sa listahan ng mga suspects ko."

"Ang unang papel na yan ay mga utang niya kay Rodrigo, ang boss niya. Hindi pala siya nagswesweldo para lamang mabayaran niya ang utang niya sa kanya. Tapos, yung ikalawa naman ay isang letter na nagmula sa isang Vince Ford, nagayaya ng date sa kanya, habang ang ikatlo ay isang death threat mula sa anonymous writer."

Pinulot ko yung papel,

Ibigay mo na sa akin ang hinihingi ko, kung hindi, isusunod kita.

Maghanda ka.

Tiningnan ko siya, "So, tatlo ang pangalan na nasa listahan mo ngayon? Sino yung ikatlo?" As soon as tinanong ko yon, may letrato na ipinakita niya sa akin. "The girl beside her, remember her?"

I thought for a second before remembering her face, "Shelby? Marky's Shelby?"

He nodded, "Hindi ko alam kung ano ang kaugnayan nila pero mukhang magkaibigan naman sila dito sa litrato. I asked Marky to call them all downstairs."

I yawned, the fatigue feeling was really catching up to me. "So why did you bring me here? Nandoon naman pala sila sa baba."

Kinamot niya ang buhok niya, as if wondering the same thing. "I-I really don't know why I did." He shrugged and sat down beside me, kinuha ko naman ang opirtunidad na ito para isandal ang ulo ko sa kaniyang balikat, "Can we go later? I'm really tired."

Decrypting Ciphers Volume I (COMPLETED)Where stories live. Discover now