CHAPTER ONE

7K 141 7
                                    

          "EXCUSE me! Excuse me!" malakas na sabi ni Lai sa mga taong nakaharang sa daraanan niya.

"Ay, ano ba 'yan? Miss, nauna kami dito sa pila! Huwag kang sumingit!" agad na reklamo ng mga babaeng nakapila sa tapat ng Music Store.

"Kagabi pa ako dito! Nag-CR lang ako!" tungayaw niya.

"Miss, huwag ka naman ganyan!" reklamo naman ng iba.

Hindi siya sumagot, bagkus ay inismiran lang niya ito saka binaling ang paningin sa loob ng Music Store, partikular na sa isang shelf na nasa gitna. Hinanda niya ang sarili ng lumapit na ang guwardiya sa nakasarado pang entrance door. Nagsimula na rin siyang gitgitin ng mga babae sa likod niya.

Ready ka na, Lai? Kapag binuksan na ang pinto, takbo agad sabay sungab ng CD! Hindi ka puwedeng maunahan ng iba! Pagkausap niya sa sarili. "Fighting!"

Nagsisimula pa lang bumukas ang pinto ay malakas na nagtilian na ang mga babae sa likod niya. Muntikan pa siyang sumubsob sa sahig ng magkatulakan na ang mga ito pero hindi siya natinag. Agad siyang tumakbo papunta sa shelf pagbukas ng pinto kung saan nakalagay ang bagong labas na album ng One Day. Mabilis siyang sumungab ng dalawang kopya sabay yakap sa CD.

"Miss! Ang daya mo! Isa lang ang kunin mo!" protesta ng ilang babaeng nakakita sa kanya.

"Nangingialam kayo!" pagsusuplada niya dito sabay talikod.

Nagmadali siyang pumunta sa counter at saka agad na binayaran ang CD.

Nang mahawakan na niya ang resibo ay agad niyang hinalikan ang CD partikular na ang picture ni John Lee.

"Ang gwapo ng asawa ko!" malakas na tili niya paglabas ng Music Store.

Rosilee Sevilla ang buong pangalan niya. Lai is her nickname. But to John Lee, she is Bulai. Iyon ang tawag nito sa kanya noon pa, tinuturing na lang niya itong term of endearment kahit ayaw niyang tinatawag siya nito niyon. Hindi niya alam kung saan nadampot nito ang pangalan na iyon basta ang sabi nito ay kasing-cute niya ang pangalan na "Bulai", okay na rin at least sinabihan siya ng cute. She's only eighteen but her heart belongs to John Lee alone. She's taking up Bachelor of Arts in Journalism and she's on her second year. Pangarap niyang maging isang Writer at maisulat ang love story ng pinakamamahal niyang si John Lee. Naging magkaibigan sila at naging malapit sa isa't isa. Kaya simula noon ay sinusundan na niya ito kahit saan man ito pumunta. Hayagan din niyang sinabi dito ang tunay niyang damdamin para dito, ngunit tinawanan lang siya nito. Sabay sabi na parang kapatid lang daw ang turing nito sa kanya. Talo agad ang baraha niya. Wala pa man din sa one fourth ang effort niya, basted agad.

Pero sabi nga no guts, no glory. Kaya heto siya, three years later at wala pa rin pinagbago sa damdamin niya para kay John Lee. Sa nakalipas na mga taon, palagi pa rin siyang nakasunod dito. Kahit na kapatid lang ang turing nito sa kanya, hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na balang araw ay mamahalin din siya nito.


"ROSILEE!" tawag sa kanya ng mga kaibigan niya.

"O, bakit?" tanong niya sa mga ito.

"Saan ka pupunta? Mall tayo!" Yaya ng mga ito sa kanya.

Ngumiti siya sa mga ito. "Sorry girls, pero hindi ako puwede ngayon," sabi niya sa mga ito.

"Saan ka na naman pupunta?"

Ngumisi siya sabay hawi ng buhok niya. "Oppa came back, at pupuntahan ko siya!" masayang sagot niya. Ang "Oppa" ay isang Korean word na karaniwang ibig sabihin ay nakakatandang kapatid na lalaki kung ikaw ay babae o kaya naman ay ginagamit na pantawag ng mga babae sa boyfriend nila.

Seasons of Love Series Book 1: Blame It On The RainWhere stories live. Discover now