CHAPTER SEVEN

3.1K 72 0
                                    

HINDI MAPAKALI si Lai habang sakay ng taxi. Hindi siya puwedeng ma-late sa mini-concert na iyon ng One Day. Agad siyang pumara ng taxi paglabas niya. Habang nasa taxi ay tinatawagan niya si John Lee pero hindi nito sinasagot iyon.

"Manong, puwede pong pakibilisan? Male-late na po ako eh," sabi pa niya sa driver.

Galing siya sa school nila nang araw na iyon para kunin ang classcards niya at tingnan ang schedule ng enrollment para sa susunod na semester. Nakita niya doon si Bea at Claud kaya nakipag-chikahan muna siya sa mga ito. Hanggang sa hindi na niya namalayan ang oras. Nang makita niyang male-late na siya sa concert ng One Day ay agad siyang umalis at iniwan ang dalawa. Ngayon pa naman na wala siyang kotse. Habang nasa biyahe ay paulit-ulit niyang tinatawagan si John Lee.

"Oh, Oppa!" bungad niya dito.

"Hello, nasaan ka na? Ang sabi ko sa'yo manood ka ng Mini Concert namin eh," sabi pa nito.

"Papunta na ako diyan! Sorry, galing ako sa school eh. Kinuha ko pa mga class cards ko." Paliwanag niya.

"Makakaabot ka?"

"Oo!" sagot agad niya.

"Okay, hihintayin kita!" anito.

"Sige,"

"Okay, bye." Paalam nito.

"Wait, Oppa!"

"O? may sasabihin ka pa?" tanong pa nito.

"Uh, after the concert. Can we talk?" sabi pa niya.

"Okay," sagot nito.

Pagkatapos nilang mag-usap ay bahagyang napanatag ang kalooban niya. Bigla niyang naisip kung ano nga ba talaga ang estado ng relasyon nila pagkatapos siyang halikan nito. Nararamdaman ni Lai na hindi lang kaibigan ang turing sa kanya ni John kabaligtaran ng pilit nitong ginigiit. Alam niya, sinasabi ng puso niya, mahal din siya nito. Pero ayaw pa rin niyang manangan sa kutob niya. Kaya kailangan niya itong makausap at tanungin ng harapan. Kung totoo ang nararamdaman niya, gusto niyang marinig mula dito na mahal din siya nito.

Makalipas ang mahigit dalawampung minuto ay nasa daan pa rin siya. And what's worst, she's stuck in traffic. Naiiyak na siya. Kapag nagkataon ay ngayon lang siya mawawala sa concert ng One Day. Simula noon makilala niya ang grupong iyon hanggang sa makilala niya ng personal si John Lee ay wala siyang pinalampas na concert ng mga ito. Kung sakali, ngayon lang. Pero hindi niya mapapayagan iyon. Kailangan niyang makapunta kahit late pa siya.

Nang umandar ang mga sasakyan ay laking pasalamat niya. Ngunit muli na naman silang na-stuck sa traffic sa sumunod na kanto. Sa pagkakataon na ito. May banggaan sa mismong gitna ng highway kaya hindi makausad ang mga sasakyan. Sa pagkakataon na ito ay hindi na niya kayang maghintay pa, pasado alas-kuwatro na ng hapon at siguradong nag-uumpisa na iyon. Agad niyang inabot ang bayad sa taxi driver saka siya mabilis na bumaba. Hindi na siya nag-dalawang isip. Tumakbo siya ng mabilis papunta sa venue ng mini concert.

Tila nakalimutan ni Lai kung ano ang ibig sabihin ng salitang "pagod". Dahil sa loob ng mahigit sampung minuto ay narating niya ang open space public park kung saan ginaganap ang free Mini Concert ng One Day. Habol pa rin ang hininga dahil sa malayo niyang tinakbo. Lakas loob siyang sumiksik sa karamihan ng mga fans na nanonood para makarating sa pinakaunahan malapit sa stage.

"Ay ano ba 'yan, Miss! Huwag ka naman sumingit!" reklamo ng mga nadadaanan niya.

"Sorry po! Kailangan ko lang talagang makalapit sa stage! Buhay ko nakasalalay dito!" hinging paumanhin niya. Nagpatuloy siya sa pagsiksik sa maraming nanonood.

Seasons of Love Series Book 1: Blame It On The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon