CHAPTER TEN

6.8K 195 28
                                    


NAPANGITI si John Lee nang mabasa niya ang email sa kanya ng kaibigan niyang si Janine. Ayon dito, lumabas na sa market ang latest book na naisulat ni Lai. Binalita din nito ang nalalapit na graduation nito. Sumulyap siya sa larawan nilang dalawa na nasa isang picture frame. Humugot siya ng malalim na hininga sabay kuha sa picture nila. Pinakatitigan niyang maigi ang nakangiting mukha ni Lai.

It's been three long years, and he missed her a lot. Sa nakaraang tatlong taon na iyon, sinubukan niyang maging maayos ang buhay niya. Kahit na sa loob niya ay labis siyang nahihirapan sa pagkalayo sa babaeng minamahal. Ilang beses niyang sinubukan tawagan ito, ngunit hindi niya tinutuloy. Natatakot kasi siya sa magiging reaksiyon niya kapag narinig ang boses nito. Isa pa, kailangan niyang tuparin ang pinangako niya sa Mommy nito. Agad na bumalik sa alaala niya ang naging pag-uusap nila noong araw nag-date sila at hinatid niya ito sa bahay. Noong mga panahon na iyon ay kakapasok lang ni Lai sa loob ng bahay habang siya ay paalis na, eksakto naman na dumating ang Mommy nito.

"I have nothing against you, John. Alam kong mabuting tao ka at responsable. Pero ayokong palagi kang lumalapit sa anak ko," prangkang sabi nito.

"Tita, wala po akong masamang intensiyon kay Rosilee," magalang niyang sagot.

"She's only eighteen years old. Sige, sabihin na natin na siya ang palaging lumalapit sa'yo, sinusundan ka kung saan ka man pumunta. Pero hindi ba puwedeng ikaw na mismo ang umiwas sa kanya?"

Napatungo si John sabay buntong-hininga. Inipon niya ang lahat ng lakas ng loob. "Tita, I can't do that," pag-amin niya dito.

"Anong sabi mo?"

"Aaminin ko po. Mahal na mahal ko po si Rosilee, and I will do anything to make her happy. Nakahanda po akong maghintay sa kanya kahit na gaano katagal. I love her so much, please give me a chance to prove my sincerity to your daughter," pag-amin niya.

Mataman siya nitong tiningnan. "Don't get me wrong with this, John. But I want you to stay away from my daughter. Dahil hindi ka nagiging magandang impluwensiya sa kanya," sa halip ay sagot nito.

"Ano po ang ibig ninyong sabihin?" gulat niyang tanong.

"Walang problema sa akin kung totoo kayong nagmamahalan. Pero si Rosilee, sa'yo na lang umiikot ang mundo niya. Wala siyang ibang ginawa kung hindi sundan ka. Wala siyang ibang inisip kung hindi ikaw. Nakakalimutan na niya ang sarili niyang buhay, ang sarili niyang pangarap ng dahil sa iyo. I want my daughter to be successful in her life. Pero hindi niya magagawa ang lahat ng iyon kung nariyan ka. Wala ng ibang nasa isip niya kung hindi ikaw. She's becoming too dependent on you. Don't you think it's not healthy anymore?" mahabang paliwanag nito.

"John, you have a career of your own. Marami ka ng napatunayan sa buhay mo. Marami ka ng na-achieve. Successful ka na sa ginagawa mo, at lahat ng iyon ay dahil sa pagsisikap mo. Hindi ba't masarap sa pakiramdam kapag nakikita mo na ang lahat ng nasa paligid mo ay bunga ng pagsisikap mo? Then, I want my daughter to be like that as well. Gusto kong maging successful siya sa larangan na gusto niyang tahakin. Hindi ba't iyon din ang gusto mo para sa kanya?"

Nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Saka binalikan ang nakalipas na mga taon simula ng magkakilala sila ni Lai. Tama ang Mommy nito, simula noon naging masyadong dependent na si Lai sa kanya. At sa loob ng mga taon na iyon ay mas lumalim ang pagmamahal niya sa dalaga.

"You're spoiling her too much, John. And I don't like it. She's way too much in love with you. Ayokong masira ang magandang pangarap ko para sa kanya ng dahil sa pagmamahal na 'yan. May tamang panahon para sa inyong dalawa. At hindi ngayon 'yon. She's only eighteen years old. Please, stay away from her," Pakiusap pa nito.

Seasons of Love Series Book 1: Blame It On The RainWhere stories live. Discover now