CHAPTER FIVE

3.5K 81 1
                                    

NOTE:

Hello everyone! From this chapter hanggang sa mga susunod, ang mababasa po ninyo ay Unedited. Humihingi na ako ng pasensiya ngayon pa lang kung makakabasa kayo ng grammatical errors or typo. May sakit kasi ang inyong abang lingkod kahapon pa, kaya hindi mag-function ng maayos ang utak ko. I hope you understand. Anywa, happy reading! :) 


NAPASIMANGOT si Lai matapos niyang makita ang questionaires na ginawa ni John Lee. Hindi lang iyon basta tanong kung hindi mahihirap na tanong.

"Yung totoo? Galit ka ba sa akin?" tanong niya sabay lapag ng papel sa ibabaw ng mesa.

"Bakit?" pa-inosenteng tanong nito.

"Ang hirap naman ng mga tanong na sinulat mo eh! Dinaig mo professor ko eh!" protesta niya.

"Sinunod ko lang ang mga nakaraang lessons mo. Iyan ang napapala ng hindi pumapasok," sermon na naman nito.

"Kainis!"

"Sagutan mo na!"

"Oo na nga po," napilitan niyang sagot.

Iyon ang ikatlong araw nila sa pagre-review. Dahil hindi siya pumapasok kaya nanghiram siya ng notes kay Bea. Matapos nilang mag-review ng dalawang araw. Binigyan siya nito ngayon ng exam para malaman kung may natutunan siya sa mga ni-review nila.

Tinuon na niya ang buong atensyon sa pagsagot sa questionaires. Habang si John Lee ay nakaharap sa computer nito at pinagpapatuloy ang pagko-compose ng kanta, siya naman ay nag-concentrate na rin sa ginagawa niya. Kailangan niyang makapasa sa exam. Kailangan niyang manalo sa deal para matuloy ang romantic date nila, or else, magdurusa siya ng isang linggo na hindi ito makikita o makausap man lang. Ayaw niyang mangyari iyon kaya mag-aaral siya ng mabuti.

Nasa kalagitnaan na siya ng pagsasagot ng mapansin niyang nakakunot noo si John Lee. Nakahawak ito sa sentido nito, bakas sa mukha nito ang pagod. Kaya sandali niyang iniwan ang sinasagutan at lumabas ng silid nito. Dumiretso siya ng kusina at ginawa niya ito ng citrus tea. Dinala niya iyon kanina pagdating doon.

Pagbalik niya ng silid ay abala pa rin ito sa ginagawa nito.

Napatingin ito ng ilapag niya sa harap nito ang isang mug na may laman ng citrus tea. Ngumiti siya. "Drink it, I made it for you. Iyan 'yung dala ko kanina," sabi pa niya.

Gumanti ito ng ngiti sa kanya. "Thank you, baby girl," anitong tila naglalambing.

Nahihiyang napakamot siya ng batok. Isa sa mga kahinaan niya ay kapag nakikita niyang nakangiti ito at naglalambing. "Mukhang pagod ka na kasi," sabi pa niya.

Humugot ito ng malalim na hininga. "I am tired. I'm working on this song. Pero nahihirapan akong lagyan ng lyrics."

Tumayo siya sa likod nito at minasahe niya ang magkabilang balikat nito. "Magpahinga ka na muna. Mas lalo kang hindi makakapag-isip n'yan."

Pabalik na siya sa ginagawa nang pigilan siya ni John Lee, nahigit niya ang hininga dahil bigla nitong hinawakan ang kamay niya. Bahagya pa siyang hinila nito pabalik sa likod nito. Kumabog ang puso niya ng hilahin nito ang braso niya kaya napayakap siya dito.

"Oppa."

Tumingala ito sa kanya at ngumiti. "You really know how to make me feel better," sabi pa nito.

Napakamot na naman siya ng batok. Biglang nag-init ang dalawang pisngi niya. Kinikilig kasi siya sa sinabi nito. Nagulat pa siya ng biglang humagalpak ng tawa si John saka tumayo at humarap sa kanya. Pinakatitigan siya nito. Naiilang na bahagya siyang umatras pero nahawakan siya nito sa kamay at hinila siya palapit dito. Lalong naghurumentado ang puso ni Lai.

Seasons of Love Series Book 1: Blame It On The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon