CHAPTER EIGHT

3.3K 84 7
                                    

ONE MONTH LATER...

Kakaumpisa lang ng second semester. Masaya man siya sa pagbabalik niya sa school, pero hindi naman lubos ang kaligayahan niya. Isang buwan na kasi niyang hindi nakikita si John Lee. Pagkatapos ng Mini Concert nito, dalawang araw lang ang lumipas ay umalis na ito kasama ang iba pang ka-grupo nito papunta ng South Korea upang i-promote doon ang bagong album ng One Day.

Sanay na siya na umaalis ito ng matagal, ngunit madalas naman ay open ang communication nila. Ngunit hindi sa pagkakataon na iyon. Simula ng umalis ito ay hindi siya nito tinawagan. Sinubukan niyang mag-email dito pero hindi nito sinagot iyon. Sinubukan na rin niyang tawagan ito ngunit hindi nito sinasagot ang tawag niya. Sa pagkakataon na iyon, wala siyang magawa kung hindi ang maghintay. Pilit tinataboy ni Lai sa kanyang isipan na lumalayo na si John Lee sa kanya. Gusto niyang panghawakan ang sinabi nito noon na hindi siya nito iiwan. Pinaniniwalaan niya ang binubulong ng puso niya na pareho sila ng damdamin sa isa't isa, na hindi lang siya ang nagmamahal kung hindi maging ito.

Naputol ang pag-iisip niya ng marinig niya ang usapan ng tatlong babae sa di kalayuan.

"OMG! It's true they're dating!" anang isang babae.

"Ewan ko, pero may mga kuha sila na magkasama! Tingnan mo so sweet!" sabi pa ng isa.

"Laslas na lang ang mga Hottests! May iniibig na si John Lee! Paano na lang tayo?" komento naman ng isa pang babae. Hottests ang pinangalan ng One Day sa mga fans nila.

"Ano nga ulit ang pangalan ng girl?" tanong ng ikalawang babae.

"Janine. Siya 'yong girl sa isang music video ng One Day," sagot naman nito.

"Look at this picture! They're kissing! No!" hiyaw pa ng isa.

Parang binagsakan ng limang hollow blocks ang dibdib niya dahil sa narinig.

"Uh Miss excuse me, ano nga ulit 'yong tungkol sa John Lee ng One Day?" sabad niya sa mga ito.

Nagtataka man sa biglaan niyang paglapit ay sinagot pa rin nito ang tanong niya.

"Uh, may balita kasi na nagde-date na si John Lee at Janine. Maraming nagsasabi na totoo daw iyon at walang halong tsismis kasi sa interview ni John Lee kanina lang hindi man lang daw nito dineny ang rumors. Basta sabi lang niya may special girl na daw siya," sagot nito.

Agad niyang napahid ang luha niya ng bigla iyong umagos sa pisngi niya. Daig pa niya ang sinaksak ng paulit ulit sa nalaman. Pinakita pa nito ang article na may pictures ni Janine at John Lee. Ang unang larawan ay naglalakad ang dalawa sa kalye at tila magkahawak pa ng kamay ang mga ito. Ang ikalawang larawan ay tanging ang buhok lang ni Janine ang kita sa camera, pero magkaharap ito at si John Lee. Tama ang mga babaeng ito, parang naghahalikan nga ang dalawa.

"Saan kuha ang pictures na 'to?" garalgal ang boses na tanong nito.

"Sa Ilsan," sagot ng isa.

"Nakakainis naman! Mukhang pinakilala agad ni John Lee sa parents niya ang babaeng 'yan. Hindi ba Ilsan, South Korea ang hometown niya?" dagdag pa ng isang babae. Ang Ilsan ay isang syudad sa South Korea.

Lalong nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha niya.

"Miss, okay ka lang ba?" tanong pa nito.

Tumango siya. "Oo."

"Okay lang 'yan, Miss. Hindi ka nag-iisa. Lahat ng Hottests ay nagluluksa sa balitang ito," anang isang babae sa kanya.

Seasons of Love Series Book 1: Blame It On The RainWhere stories live. Discover now