CHAPTER SIX

3.6K 91 2
                                    

GUSTONG madismaya ni Lai ng sabihin ni John Lee na casual lang daw ang isuot niya. Ang inaasahan pa naman niya sa "Romantic Date" nila ay iyong naka-kuntodo dress siya at nakasuot naman ito ng magarang suit. Pagkatapos ay kakain sila sa isang maganda at romantic din na restaurant.

"Date ba tawag dito? Eh mukhang magmo-malling lang tayo eh," reklamo pa niya.

"Ayaw mo? Sige, huwag na lang natin ituloy 'to," sabi nito.

"Uy teka, hindi! Joke lang! ito naman hindi na mabiro!" biglang bawi niya sabay hawak sa braso nito. Natawa ito sa naging reaksiyon niya.

"Oppa, saan ba tayo pupunta?" tanong pa niya.

Kunwa'y nag-isip ito ng malalim. "Diyan lang. Sa usual na pinupuntahan ng mga nagde-date," sagot nito.

Napangiti siya. Alam na niya ang ibig sabihin nito. "Alam ko na. You want to experience the ordinary way of dating."

Tumango ito.

"Dahil diyan, dinala ko 'to!" sabi niya, sabay labas ng baseball cap mula sa bag niya. Sinuot niya ito dito. "Pagkatapos isuot mo mamaya 'yong sunglass mo." Sabi pa niya.

"Sa tingin mo hindi na ako makikilala ng mga tao?" tanong nito.

"Hindi na 'yan! Akong bahala sa'yo," sagot niya.

"So, ano? Let's go?" tanong nito sa kanya.

"Tara!" excited na sagot niya.

"Lolo, alis na po kami," baling ni John Lee dito. Alas-diyes ng umaga nang sunduin siya nito doon sa bahay nila. Nagulat pa siya ng bigla itong dumating at sabihin na ngayon na nito ibibigay ang date na napag-usapan nila. Tanging ang Lolo lang niya ang naabutan nito.

"O sige, mag-iingat kayo," bilin pa ng Lolo niya.

Habang nagmamaneho ay naisip niyang ibigay dito ang pagkakataon na iyon para gawin ang matagal na nitong nais na hindi nito nagagawa ngayon na sikat na ito.

"Oppa, saan mo gusto unang pumunta?" tanong pa niya dito.

Napasulyap ito sa kanya. "Ikaw ang magdecide, ikaw ang babae," sagot nito.

"Eh Oppa, naisip ko kasi. Ako, kaya kong pumunta saan kahit kailan ko gusto. Malay ba ng mga taong may isang gaya ko na nag-e-exist dito sa mundo. Eh ikaw? Madali kang makilala. Bukod doon sobrang busy ng schedule mo. Kaya naisip ko, kung saan mo gustong pumunta doon tayo," paliwanag niya.

Lumiwanag ang mukha ni John Lee matapos marinig ang paliwanag niya. Kumabog ang dibdib niya ng bigla nitong hawakan ang isang kamay niya, pinisil pa nito iyon.

"Bakit mo ginagawa ito sa akin, Lai? You always make me feel so special. I started to felt guilty. Kumpara sa mga nagawa mo para sa akin, parang wala pa sa kalahati ng mga nagagawa ko para sa'yo," sabi pa nito.

Sa pagkakataon na ito, siya naman ang humawak sa kamay nitong nakahawak sa kamay niya.

"Ano ka ba? Hindi mo dapat binibilang ang mga ginawa mo para sa akin. Kung ano man ang ginawa ko para sa'yo. It's because I like to do it for you. Masaya akong napapasaya kita. Masaya akong nakikita kang nakangiti. Doon pa lang okay na ako," paliwanag niya.

Hindi ito kumibo, bagkus ay napabuntong hininga ito sabay ngiiti sa kanya. "Promise, we will enjoy this day," sabi pa nito. Tumango siya. 

Seasons of Love Series Book 1: Blame It On The Rainजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें