CHAPTER NINE

3.7K 90 1
                                    

HINDI alam ni Lai kung kailan siya magkakaroon ng gana na tumayo sa kama na hinihigaan niya para bumaba at kumain. It's been five days since her confrontation with John Lee. At sa loob ng ilang araw na iyon, walang sandali na hindi niya maalala na hindi siya umiyak. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala niya ang masakit na katotohanan na sumampal sa kanya.

Padapa siyang nakahiga sa kama at yakap ang unan. Tumulo ang luha niya ng dumako ang mga mata niya sa larawan nila ni John Lee na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Napakasaya nilang dalawa sa larawan na iyon. Ngunit ngayon ay isang alaala na lamang iyon. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang panibagong buhay na wala ito. Paano nga ba? Kaya ba niyang ngumiti kung sa pagbukas niya ng telebisyon ay makikita niya ang mukha nitong masaya sa piling ng ibang babae? Kaya ba niyang makinig ng radyo kung sa pagbukas niyon ay tinig nito ang kanyang maririnig? Kaya ba niyang mag-surf sa internet kung balita naman tungkol dito ang mababasa niya? At kaya ba niyang lumabas kung sa bawat madadaanan niya ay bukambibig ng mga tao ang pangalan na John Lee? Paano niya magagawang kalimutan ito kung ang buong paligid niya ay nagpapaalala dito?

Agad niyang pinahid ang luha ng biglang bumukas ang pinto ng kuwarto niya.

"Lai, hindi ka ba kakain?" tanong ng Mommy niya.

"Mamaya na lang po," matamlay niyang sagot.

Humugot ito ng malalim na hininga.

"Hanggang kailan ka magkakaganyan, ha Rosilee?" galit na tanong nito.

"I'm fine, Mom."

"You're not fine! Hindi ka halos kumakain! Hindi ka pumapasok sa school! Hindi ka lumalabas dito ng kuwarto mo! Wala kang ginawa kung hindi ang umiyak ng dahil lang sa John Lee na 'yan!" sermon sa kanya nito.

"Mom, please."

"Noon ko pa sinabi sa'yo na iwasan mo na siya at kalimutan," dugtong nito.

"I'll be alright," matipid niyang sagot.

"Kailan ang sinasabi mong magiging maayos ka?"

"Hindi ko po alam," matapat niyang sagot.

Naupo ito sa gilid ng kama. "Anak, marami pang lalaking diyan. Kahit sino, huwag lang siya. Layuan mo na siya. Kalimutan mo na siya," giit nito.

Tumingin siya sa Mommy niya. "Why do you hate him so much? Anong ginawa niya sa inyo?" prangkang tanong niya dito.

Hindi ito agad nakaimik. "Ayoko sa kanya para sa'yo. Simula ng makilala mo ang John Lee na iyan, umikot na sa kanya ang mundo mo. Wala ka ng ibang kilala kung hindi siya. Kahit saan sinusundan mo siya. Kahit na anong bagay na may kaugnayan sa kanya binibili mo. Kulang na lang ay tumira ka kasama niya. Ako ang Mommy mo, pero pakiramdam ko ay nakikihati pa ako sa kanya ng oras mo. Anak, gusto kong malayo ang marating mo. Bilang Mommy mo, I want to see you successful. Iyong ikaw lang, pero hindi mo magagawa iyon kung palagi kang nasa anino niya. Live your own life, anak. You have to live on your own," mahabang paliwanag nito.

Doon tuluyang bumagsak ang luha niya. "But I don't know how, Mom. He is my life. I love him so much. Wala akong ibang pangarap kung hindi ang makasama siya," umiiyak na sagot niya.

Ginagap nito ang magkabilang pisngi niya. "Hindi pa ito ang katapusan ng mundo mo, Rosilee. Kailangan mong tumayo sa sarili mong paa, para kahit na magkahiwalay kayo ngayon. Pagdating ng araw at magkita kayong muli, kaya mong ipagmalaki sa kanya na naging matagumpay ka dahil sa sarili mong pagsisikap. Kalimutan mo na siya."

Seasons of Love Series Book 1: Blame It On The RainWhere stories live. Discover now