CHAPTER TWO

4.1K 93 2
                                    

"OH MY GOD! Is it really him?" kinikilig na tanong ng isang estudyante sa kasama nito.

"Oo nga! Siya 'yon! Sigurado ako!"

"Halika! Tingnan natin! Excited na ako!"

Napakunot-noo si Lai, kasunod niyon ay ang iba pang estudyante na tumatakbo palabas ng campus.

"Anong meron?" tanong niya sa sarili.

Mayamaya ay sinalubong siya ng tumatakbo na sina Bea at Claud, ang dalawa niyang kaibigan at kaklase.

"Ano pang ginagawa mo diyan? Bilisan mo!" salubong agad sa kanya ni Bea habang tila excited.

"Bakit? Anong nangyayari?" tanong niya.

Bago pa makasagot ang mga ito ay napatingin siya sa bandang likuran ni Claud. Parang niluwa ng liwanag ang isang pamilyar na bulto ng katawan ng isang lalaki. Naglalakad ito patungo sa kinatatayuan nila. Sa likod naman nito ay nakasunod ang iba pang estudyante na walang tigil sa pagkuha ng litrato dito.

Nang malapit na ito ay saka lang niya namukhaan ito. Mabilis ang naging reaksiyon ng puso niya at agad na bumilis ang pagpintig niyon. "John Lee," bulong niya sa pangalan nito.

Lalong kumabog ang dibdib niya ng gumuhit ang magandang ngiti nito at umabot iyon sa mga mata nito. "Hi Baby Girl," bati nito sabay kaway sa kanya ng makalapit nito.

"Oppa!" tili niya sabay sugod ng yakap dito.

Narinig niya ng tumawa ito at naramdaman din niya ng gumanti ito ng yakap sa kanya. "Tama na 'yan, maraming nakakakita sa atin. Baka kung anong isipin nila," sabi pa nito.

"Eh ano? You're my boyfriend," aniya.

Lumayo ito mula sa pagkakayakap niya saka siya nito pinitik sa noo. "Asa ka," usal nito.

"Aray ha?! Nakakarami ka na!" singhal niya dito sabay hawak sa noo niya.

Ngunit hindi siya nito inintindi bagkus ay tinawanan lang siya nito. "Halika na," yaya nito sa kanya.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya.

"Ikaw, saan mo ba gustong pumunta?" balik-tanong nito.

Natakpan niya ang bibig saka impit na tumili. Isipin pa lang niya na magde-date sila ay kinikilig na siya. "Ibig sabihin sinundo mo ako dito para mag-date tayo?" kinikilig na tanong niya.

"Ang dami mo naman sinasabi eh, halika na! Hindi ako puwedeng magpagabi, nangako ako kay Ate Janice na uuwi ako agad. Maaga pa ang schedule namin bukas," sa halip ay sagot nito.

Nahigit niya ang hininga ng bigla siya nitong hawakan sa kamay at hilahin siya palabas ng campus. Habang naglalakad palabas ay sinusundan pa rin sila ng ibang mga estudyante.

"John Lee!" sigaw ng mga ito.

"Pa-picture naman!" anang isa.

"Pa-kiss naman, John Lee!" sabi pa ng isa.

Huminto siya sa paglalakad saka napapikit at napailing. "O bakit?" tanong nito.

"Dapat pala hindi ka na lang pumunta dito eh," aniya.

Nagkunwari itong malungkot, lumabi pa ito. Napangiti siya sa ekspresyon ng mukha nito. "Ayaw mo? Ikaw na nga ang sinurpise eh," kunwa'y nagtatampo na wika nito.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Dapat sinabi mo na lang sa akin na pupunta ka para mag-aabang na lang ako. Ayoko ng pinagkakaguluhan ka ng ibang babae," nagseselos na wika niya.

Seasons of Love Series Book 1: Blame It On The RainWhere stories live. Discover now