CHAPTER FOUR

3.4K 93 0
                                    

MALUNGKOT na nakapangalumbaba siya sabay buntong-hininga habang hawak niya ang test paper niya sa isang major subject na may seventy percent na score. Dalawa ang problema niya ngayon, ang bagsak niyang exam at ang tampuhan nila ni John Lee. It's been three days simula ng mag-away sila nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nag-uusap. Sinubukan naman siyang tawagan nito noong mismong araw na nagtalo sila. Pero talagang inaatake siya ng matinding selos ng araw na iyon kaya hindi rin niya pinansin ang tawag nito. Pagkatapos niyon ay hindi na nito sinubukan pang tawagan siya ulit.

"Nag-away kayo?" tanong ni Bea.

Tumango siya. "Baliw 'yung lalaking 'yon! Ang galing makipagharutan! Hindi ako pinansin for the first time dahil sa Janine na 'yon!" sagot niya.

"Ayun naman pala eh, selos," ani Claud.

"Nakakainis eh," maktol niya.

"Iyon siguro ang dahilan kung bakit ka bumagsak sa exam natin, tama?" tanong naman ni Bea.

Hindi siya nakakibo.

"Remember, ang sabi ni Prof kapag hindi mo naipasa ang exam mo. Bagsak ka na talaga," paalala ni Bea sa kanya.

"At kapag nangyari 'yon, lagot ka sa Mommy mo at sa Lolo mo. Mas lalong lagot ka kay John Lee," pananakot naman ni Claud sa kanya.

Napasimangot siya. "Kasalanan n'ya 'to eh!" Paninisi pa niya dito.

Muli siyang napabuntong-hininga sabay iling. Naputol ang pag-uusap nila ng biglang bumuhos ang ulan. Agad silang tumakbo sa loob ng campus para makisilong. Hindi na siya puwedeng magpakabasa ng ulan dahil kakagaling lang niya sa sakit. Habang nagpapatila ng ulan, pinagpatuloy ng dalawa ang pag-iinterogate sa kanya.

"So, anong plano mong gawin ngayon?" tanong ni Claud sa kanya.

"Claud, maganda ba ako?" bigla niyang tanong.

"Oo naman. Maganda ang mga mata mo, maputi ka. You have a long shiny black hair. Okay din naman ang ilong mo, tama lang hindi matangos hindi rin pango. Sabi ng mga kakilala ko na may crush sa'yo kissable lips ka. And personally, I think you really looked cute when you smile," sagot nito.

"I agree, isa pa. Ang cute mo kayang pumorma, lakas mong maka-Korean Fashion eh no? Nagagawa nga naman ng pagmamahal mo kay John Lee," sang-ayon naman ni Claud.

Tiningnan niya ang sariling repleksiyon mula sa pocket size mirror na dala niya. Tama ang mga ito. Ang sabi pa nga ng Mommy niya ay nagmana daw siya sa Daddy niya na kamukhang-kamukha niya. Pero bakit hindi naging sapat ang ganda na iyon para mahalin siya ni John Lee? Ano pa ang kulang sa kanya para makuha pa nitong tumingin sa iba? Hanggang kailan ba niya kayang tiisin na kapatid lang ang turing nito sa kanya?

Tinuon na lang niya ang atensiyon sa malakas na buhos ng ulan. Inangat niya ang isang kamay at hinayaan niya iyong mabasa ng ulan. Biglang bumalik sa kanyang isipan ang araw kung saan nakumpirma niya ang damdamin para kay John Lee. Umuulan din iyon. Naglalakad na siya pauwi galing ng school, wala siyang payong niyon kaya nabasa siya ng ulan. Napahinto siya sa paglalakad dahil sa unahan niya ay ang papalapit na si John Lee.

May dala itong payong at naglalakad palapit sa kanya. Sa gitna ng malakas na buhos ng ulan, tila nagliwanag ang buong paligid ng ngumiti ito sa kanya. Sinalubong siya nito at pinasukob sa payong nito.

"Where have you been? I'm waiting for you all this time," wika nito sa kanya habang nakangiti.

Wala siyang naisagot sa tanong nito. Basta nanatili lang siyang nakatitig dito

Seasons of Love Series Book 1: Blame It On The RainWhere stories live. Discover now