Chapter 5

4K 54 0
                                    

*Dennise POV*

nandito ako ngayon nakatayo sa tabi ng kotse ko.. kakaalis lang ni alyssa. hanngang ngayon nakangiti pa din ako . hindi ko maipaliwanag yung sayang nararamdaman ko.. hindi ko akalain na sa araw na ito matutupad ang pangarap ko.. na kahit sandali lang makausap ko siya na kahit sandali lang makasama ko siya..

akala ko nga ay isa ito sa mga normal na araw ko.. yung lagi akong nandon nakaupo naghihintay na dumaan siya ...  pero nabigla ako nang may babaeng umupo sa bench na inuupuan ko din ..

*flashback*

nang tingnan ko siya nagulat ako nang makita ko si Alysaa. umiiyak.. pero hindi niya ata napansin na may katabi siya.. dahil sa hindi ko alam ang gagawin ko itinago ko ulit yung mukha ko sa hawak kong libro na kunwari ay nagbabasa ako ..

bakit??bakit siya umiiyak?? ano na? ano na gagawin ko? yung babaeng iniidolo ko . umiiyak ngayon sa harap ko..

hala! Den! ano na?! teka! panyo! asan na ba yung panyo ko?! nang makapa ko ito inabot ko naman sa kanya yung kamay ko na may hawak na panyo pero hindi ko parin inaalis yung libro na binabasa ko..

"panyo?" tanong ko.. hala! nakakahiya naman.. akala ko hindi niya kukunin pero nagulat ako ng maramdaman kong hinawakan niya..

"t-thanks" sabi niya at ipinangpunas ito sa mga luha niya.. natahimik siya.sandali pero maya maya lang naramdaman ko na humihikbi nanaman siya at ipinapalo ang kamay niya sa upuan namin..

"nakakayamot!" sigaw niya. nabigla nama ako kasi pinalo niya na ng malakas yung bench..

"ang tanga tanga ko kasi!" dagdag pa niya at patuloy parin sia sa pagpalo..

hindi ko na alam gagawin ko.. halata naman na nasasaktan na siya . nakita ko naman na nagkanda gasgas na yung palad niya at dumudugo na! ayst! hindi ko na matake kaya hinawakan ko na yung kamay niya para pigilan sa pagpalo ulit..

"tama na" worried na sabi ko tapos ay ibinaba ko na yung librong hawak ko.. napatingin naman siya sa akin. syeet! nakakahiya ! ano na? ano na sasabihin ko? hindi ko naman kasi alam kung bakit siya umiiyak . nako! pag nalaman ko kung sino gumawa sakanya nito! masasapak ko talaga yun!

"huwag mo ng saktan sarili mo .. hindi ko man alam kung bakit ka nagkakaganyan. pero tama na" yan nalang ang nasabi ko at tumayo na . hinila ko naman siya papunta sa parking lot. hindi naman siya nagtanong at sumunod lang sa akin.. syett!! hawak hawak ko ngayon ang kamay niya!. hindi ko akalain na mangyayari to!

nang makadating na kami sa kotse ko binitawan ko na ang kamay niya at pumasok sa loob.. grabe! pinagpapawisan ako! hinanap ko na yung med kit ko at lumabas ulit para papasukin siya.. gagamutin ko sana yung mga sugat niya sa palad eh..

kaso nang tingnan ko ulit ang loob nang kotse ko . nagulat ako dahil naalala ko yung mga pillow ko sa likod na.may mukha niya.tsaka.yung mga figurine na ipinagawa ko pa tlaga na kamukha niya at nakajersey # 2.. O///O

agad agad ko naman siyang pinigilan .. nagtataka naman siya pero hinila ko nalang siya sa isang upuan sa may side ..

ang awkward talaga! ang tahimik lang namin . inilabas ko na yung mga gamot para sa kanya . nang matapos tiningnan ko na siya.

"akin na kamaya mo" mahinang sabi ko.. nagtaka naman siya at itinago pa ang kamay niya sa likuran niya..

haha.. ano ba akala nito? puputulin ko kamay niya?

"ayst. akin na nga" sabi ko at hinila ko yung kamay niya na nasa likod at ipinakita ko sa kanya yung mga sugat..

"hindi mo ba nararamdaman yan?" tanong ko ulit habang pinapakita ang palad niya sa kanya.. hindi naman siya sumagot kaya sinimulan ko na ang paggamot..

natutuwa ako kasi hinahayaan niya akong gawin sa kanya to. ginagamot ko lang siya habang hawak hawak ko ang kamay niya . syet! ang sarap hawakan ang lambot! yung totoo ? volleyball player ba to? e bat parang hindi man nagagamit ang kamay niya..

nang matapos ko nang gamutin ang kamay niya tumingin ako sa kanya. sakto naman na nakatitig siya sa akin.. nahiya naman ako at napayuko..

"e-eto na. tapos na" sabi ko sakanya haang inanabot ang kanay niya at binitawan ko na..

"thanks" sabi niya at tumayo na..

"sige na. umuwi ka na. ingat ha??" sabi ko.

"ah s-sige . thanks ulit" sabi niya at tumalikod na .. pero bago siya makapaglakad pinigilan ko siya.

"wait" humarap naman siya sa akin..

"smile :)" pagkasabi ko non ngumiti ako sakanya. nakita ko naman na napangiti din siya kaya tumalikod na din ako at naglakad papunta sa car ko.. hinintay ko naman siyang makaalis bago ako aalis..

*end of flashback*

masaya ako ngayon dahil kahit papano ako ang dahilan ng pag ngiti niya . sana.

sumakay na ako sa kotse ko at nagdrive na pauwi...

My Fan Girl (alyden)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ