Chapter 14

3.6K 64 9
                                    


*Denden's POV*

"huh??" tanong ko pero hindi siya sumagot at naglakad na palayo.. hayst! tumingin naman ako kila Fille at tiningnan sila ng "napano siya look" pero nagkibit balikat lang sila.. no choice sinundan ko nalang siya.

"uy Aly ano ba pinagsasabi mo jan??" tanong ko pero hindi pa rin talaga sumasagot.. ano ba kasi yung jan ka na lang kay Myco mo?! napahinto ako sa paglalakad.. teka!!

"huwag mong sabihin na nagseselos ka kay Myco??" tanong ko na nagpahinto din sa kanya sa paglalakad... I guess Im right!! hahah.. humarap naman siya sa akin..

"selos?ASA! kapal ha! at bakit naman ako magseselos?!" mataray na sabi niya.. haha. hindi ko mapigilang mapangiti sa inaakto niya. ang cute naman niya magselos!

"aba malay ko sayo kung bakit ka nagseselos! teka bakit nga ba??" pang aasar na tanong ko habang tinataas baba pa ang mga kilay ko..

"ewan ko sayo! tigilan mo ko! hindi ako nagseselos!" sagot naman niya..

"sus. e bakit ka nagkakaganyan??alam mo amin amin din pag may time." sabi ko naman .

*Alyssa's POV*

bakit ba nga kasi ako nagkakaganito?! arghh! eto naman si Den todo pa kung magasar!

"Asa ka! jan ka na nga! magsama kayo ni Myco! huwag mo akong susundan!" sabi ko at tumalikod na pero bigla nalang siyang sumigaw.

"aaaahh!" napaharap naman ako sa kanya. nkahawak siya sa ulo niya habang nakapikit na parang sobrang nasasaktan..hala! napano siya?? lumapit naman ako sakanya.

"uy Denden. napano ka?? anong nangyayari sayo??" alalang tanong ko pero hindi siya sumasagot at nakahawak pa rin sa ulo niya.  maya maya lang unti unti niyang dinilat ang mata niya.

"aminin mo na kasi.." sabi niya at binigyan ako ng nangaasar na ngiti. nagddrama lang pala siya!

"argghh!!" sigaw ko at pinalo ang kamay niya tapos tumalikod na ako at naglakad palayo. bwiset!! nangaasar talaga! akala ko naman kung napano na! bahala siya jan! wala akong aaminin!

tss. hindi man lang ako sinundan non! hindi man lang nagaala na baka kung mapano ako! ayst! diba nga sabi ko huwag niya akong susundan?! hayy nako ang gulo gulo na talaga ng isip ko.! hindi naman kasi dapat ako nagkakaganito diba?

magddilim na din ng naisipan ko ng umuwi.. wala naman akong ginawa naglibot libot lang para magpakalma . pumasok na ako ng resthouse nila Marge nadatnan ko naman sila na nasa sala nagkkwentuhan..

"oh andyan ka na pala Ly.. si Den??" tanong ni Fille na nagpakunot naman ng noo ko..

"huh?? hindi niyo ba kasama??" tanong ko sakanila..

"malamang! kaya nga tinatanong namin sayo eh!" sagot ni Ella.. sabi ko nga!.pero nasaan naman kaya yun??

"hala!baka napano na yun!sabi niya kasi hahabapin ka niya eh" sabi naman ni Gretch..

"ayaw nga namin payagan kasi masakit daw ulo niya eh pero ang kulit pa din!" dagdag pa ni Marge.. ibig sabihin talagang sumakit yung ulo niya kanina?! hala!

dali dali akong lumabas para hanapin siya kung saan saan na ako pumasok pero wala siya! kainis ka naman Den eh! nasaan ka na ba?! kasalanan ko to eh! naiiyak na tuloy ako. bakit ba kasi nainis pa ako kanina! arghh! nasaan ka na ba??!

kinabahan ako ng may makita akong isang babaeng nakadapa agad agad akong tumakbo papunta sa kanya.

"shit! Den! what happened!? Den please wake up!" sigaw ko habang niyuyugyog siya.tuluyan na akong naiyak! hindi ko na alam ang gagawin ko!

"Den naman eh! please gumising ka na jan! oo na aaminin ko na nagseselos na ako!please lang Den gumising ka!" sigaw ko pero hindi pa rin siya nagigising. todo iyak na ako dito. naghanap ako ng mga tao sa paligid para humingi ng tulong pero wala! ng tumingin ako ulit sa kanya nakamulat na ang mga mata niya.

"DEN!!!" sigaw ko at niyakap ko siya habang patuloy na umiiyak.

"a-akala ko wala ka na.a-akala ko i-iniwan mo na ako! akala k-ko" sabi ko at todo iyak na ako.. pero bigla nalang siyang tumawa..

"haha. o edi inamin mo din na nagseselos ka!" sabi niya. napahinto naman ako sa pagiyak at humiwalay sa yakap niya! ibig dabihin ba nito nagddrama nanaman siya?!

"hindi ka nakakatuwa!!" sigaw ko tapos ay pinalo ko siya at tumayo na para maglakad na paalis.. kainis!! hindi na nakakatuwa yung ginawa niya!

bigla naman niyang hinawakan yung kamay ko kaya napahinto ako.

"uy Aly sorry na po..huwag ka ng magalit sorry na" nagmamakaawa niyang sinabi...

"ewan ko sayo!! bakit mo kasi ginawa yun! nakakainis ka!" sigaw ko habang pinapalo siya sa braso .

"paano kung totoo yun?! paano kung!" napayakap na ako sakanya at tuluyan ng umiyak...

"shh.. s-sorry sorry. sorry Aly.. hindi ko na uulitin.sorry talaga" mahinang sabi niya habang pinapatahan ako.

My Fan Girl (alyden)Where stories live. Discover now