Chapter 7

4K 56 1
                                    

*Denden's POV*

eto ako ngayon nakikipagshake hands sa taong sobrang iniidolo ko.. hindi ko akalain na darating ang panahon na makikilala niya ako at kakausapin.. hindi pa rin ako makapaniwala na eto siya ngayon nasa harap ko at nakikipagusap sa akin..

sobrang saya ko talaga! kaso hindi ko naman maipakita sa kanya. syempre nahihiya pa ako. ikaw ba naman makausap mo yung babaeng iniidolo mo. yung babaeng halos alam mo na kung ano ang bawat kilos at kung saan man siya pupunta sa kakasunod mo sa kanya e makakapagsalita ka ba ng maayos??.

"huy!" nagulat ako sa pagbigla niya sa akin.. nahiya naman ako kasi nakatitig na pala ako sa kanya..

"a-ano nga ulit yun?" sabi ko para ulitin niya yung sinabi niya..

napakamot nalang siya sa ulo niya..

"hayy. kala ko naman nakikinig ka" sabi niya.. ay nako! shunga ka Den! minsan ka na nga lang niya kausapin hindi ka pa nakikinig!

"uy sige na. pakiulit na. promise makikinig na ako" sabi ko sa kanya at itinaas pa ang kanang kamay ko habang gumagawa naman ng cross sign sa puso ko yung kaliwang kamay ko... hehehe.

natawa naman siya sa ginawa ko..

"hahaha.. ikaw talaga ! ang cute mo!" sabi niya tapos ay ginulo niya ang buhok ko.. syett!! Im sure namumula na ako. waaah!

"oh?may sakit ka ba? bat parang namumula ka?" tanong niya at kinapa kapa pa ang noo ko para malaman kung may sakit ako.. josme!nahihiya na talaga ako ..

"a-ah eh w-wala no . mainit lang kasi" palusot ko.. mukha namang nakontento siya sa dahilan ko..

"ahh. uy bakit pala lagi kang nandito?? lagi kasi kitang napapansin tuwing uwian. may hinihintay ka ba?" tanong niya.. nagulat naman ako. does she mean na napapansin niya ako lagi?? wow! 

"hinihintay??" tanong ko..

"oo ikaw" mahinang bulong ko yung sakto lang na ako lang yung makakarinig.. malamang! may malakas bang bulong??nyahaha.. pero parang napansin niya ata na may binulong ako .

"ha?ano yun?" tanong niya.. nako! kailangan ko ng palusot!

"ha?? ano sabi ko wala lang. gusto ko dito kasi tahimik lang" palusot ko ulit.. hayst! ilang beses na ba akong nagsinungaling sa kanya ngayon??

"a ganun ba. " mahinang sabi niya.. luh? bakit parang biglang nalungkot siya? siguro naalala niya yung kahapon. teka bakit ba kasi siya umiiyak kahapon?? tatanungin ko na sana kaso bigla siyang tumayo..

"uy. sige. uwi na ako ha?? nice meeting you ^_^" sabi niya at ngumiti.. bakit ba ang bilis niya magpalit ng mood? sino ba kasi yung gagong nanakit sa kanya?! arghh! naiinis ako!  nagsmile nalang ako sa kanya.

"ha sige. ingat ka ha? " sabi ko. she waved her hands tapos umalis na..

hayy.eto nanaman ako. sobrang saya nanaman.. napakaswerte ko talaga! hihi.. akalain mo yun! yiee! ahay. nababaliw na ako dito..

naglakad na ako papunta sa parking lot na patalon talon pa.. hihih.. wiiii!! napatigil naman ako ng makita ko sila Aly at Jovee na naguusap.. sinisigawan ni Aly si Jovee na halos mangiyak ngiyak na.

*Alyssa's POV*

papasok na sana ako sa car ko ng may tumawag sa akin..

"Ly" yung boses na yun. naiiyak nanaman ako.. napatigil ako sa pagbukas ko ng pinto pero hindi pa rin ako humaharap sa kanya.. please. huwag muna ngayon. hindi ko pa siya kayang harapin..

My Fan Girl (alyden)Where stories live. Discover now