Chapter 21

2.7K 46 1
                                    


*Aly's POV*

at eto na nga, pababa na kami. bawat hakbang na gawin ko e lumalakas ang kabog ng dibdib ko. eto naman kasing si Den eh! natatakot na tuloy ako!

at eto na last step nalang sa hagdan nila. nakakapit lang ako kay Den at naglakad na kami papunta sa kitchen nila..

pero nakakailang hakbang pa lang kamie tumigil siya at humarap sa akin.

"Hey, wag ka nang kabahan. Mabait yun. ngiti ka na jan" sabi niya. ano ba talaga?! kanina nakakatakot siya sabi niya tapos ngayon mabait naman? hayy. ngumiti nalang ako ng pilit.

hinila niya ako at niyakap pero kumalas din siya agad at hinalikan ako sa noo. hayy. I guess yun lang ang kailangan ko para lumakas ang loob.

naglakad na kami papunta sa kitchen. nadatnan namin ang mama niya na naghahapag ng pagkain,ngumiti naman agad ito samin. may dalawang lalaki din na nakatalikod din samin. oh shocks! eto na to.

"Hi pa!" bati ni Den, humarap naman agad yung papa niya. ewan ko pero nawala yung kaba ko,hindi naman siya mukhang masungit eh. ngumiti na din ako sa kanila. humarap na din yung isa pang lalaking nakatalikod.

"L.A??!" gulat na reaksyon ni Den pagkaharap nung lalaki. ah ??

ngumiti naman yung lalaki "L.A" daw at tumango tango pa.

nabigla ako ng yakapin ni Den yung LA na para bang sabik na sabik.

"huwaaa!! e bat hindi mo sinabing dadating ka? kelan ka pa?! andaya mo naman eh!" sabi ni Den at kumalas na sa yakap tsaka pinalo niya yung braso nung LA. 

"hahah. surprise?" sagot naman niya. humarap naman si Den sa akin.

"Che!haha.ahm.Papa si Aly po.umm. alam niyo na" sabi niya at ngumiti habang itinataas baba pa yung mga kilay niya.

"ah h-hi po?" bati ko. ngumiti yung papa niya. teka hindi basta ngiti lang. napakalapad na ngiti!

"oh?talaga? si Alyssa na ba to?. yung babaeng kinababaliwan mo? buti naman at nadala mo na siya dito sa wakas?!" sabi niya at tumawa pa.. ee?? hehe. bakit ba ang pakilala lahat nila sa akin e yung babaeng kinababaliwan niya? hahaha.

"papa naman eh! haha. nililigawan ko na po siya! ^_^" masayang bati niya. napapangiti talaga ako sa mga sinasabi ni Den. super proud talaga siya na nililigawan na niya ko at kasama niya ako ngayon.

"oh? that's good! Aly iha? anong panggagayuma ang ginawa niya sayo ha?" natawa naman ako sa tanong nung papa niya. haha. hindi naman pala nakakatakot eh! makulit nga din katulad nung mama niya. ang cute talaga! hihi.

"hay nako si papa talaga. Hindi ko ginayuma yan no! sadyang naakit lang siya sa kagandahan ko!" sagot naman niya. huwaw ha! bilib din naman ako sa confidence neto. haha. pero sabagay, hindi naman ako nagayuma. naakit lang talaga ako sa kanya. hihihi.

"ayan tayo e Den. haha. hindi mo ba ako ipapakilala sa kanya??" sabat naman nung LA.

"Che!ayoko nga :P halika upo ka na My Lhabs" sabi niya at hinila ang upuan para makaupo ako.

waah!tinatawag niya akong My lhabs sa harap ng parents niya. hihi. wala lang. sweet. ang sarap magmahal ng taong hindi ka kinakahiya.

"Grabe ka! Hi Aly! ^_^  Oy Michy ang tagal natin di nagkita tapos ginaganyan mo lang ako." sabi niya. ngumiti naman ako sa kanya. Michy?? ewan parang may something sa kanya. hindi ko lang mapoint out.hayaan na nga.

"arrgh. I told you,dont ever call me that!" asar na sagot ni Denden pero tinawanan lang siya ni LA. so Michy pala tawag niya kay Den. Kay. teka?magkaano ano ba sila??

My Fan Girl (alyden)Where stories live. Discover now