Chapter 22

2.3K 41 2
                                    

*Denden's POV*

Natanaw ko siyang nakaupo habang nakatingala sa langit, lalim naman ata ng iniisip ng lalaking to.

napangiti naman ako habang naglalakad palapit sa kanya, tumakbo na ako at hinug siya sa likod. hihi, namiss ko tong mokong na to ah! halata namang nagulat siya pero ngumiti din..

"miss mo ko no??" tanong niya. hinampas ko naman siya sa braso at umupo sa tabi niya tapos tumingala din ako gaya niya.

"kapal ah," sabi ko pero hindi na siya sumagot. tiningnan ko siya, seryoso lang siya habang pinagmamasdan ang mga bituin. mukhang may problema to ah. di kaya yung babaeng sinasabi niya?

"alam mo best, pwede ka naman magshare sa akin eh. ano bang nangyari??" concern na tanong ko tapos humarap na ako sa kanya,narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya.

"ano ba dapat kong gawin?? mahal ko siya Den, mahal na mahal. Bumalik ako para sa kanya, bumalik ako para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko pero hindi ko inaasahan na pagbalik ko, Masaya na siya sa iba, may mahal na siyang iba. Tangna! ang sakit pala Den." sabi niya tapos ay yumuko siya at napasabunot nalang sa buhok niya. kita mo sa mukha niya,sa mga mata niya na nasasaktan siya, ngayon ko lang siya nakitang ganyan. na malungkot at lumuluha. Ang LA na kilala ko, yung matrip!mapangasar!at palaging nakangiti. pero ngayon, nasa harap ko siya at lumuluha.. ano ba dapat niyang gawin??hindi ko din alam e. wala ako sa posisyon niya.

"LA" sabi ko at hinimas ang likod niya.

"susuko ka nalang ba?" tanong ko. naalala ko tinanong din ito dati ni Aly sakin nung nasa garden kami.

"Hindi ko alam Den, ayokong masira ang pagkakaibigan namin.natatakot ako" sagot niya. mali ako, napunta din ako sa ganyang sitwasyon dati katulad niya. natatakot akong masira ang pagkakaibigan namin ni Aly, pero pinaglaban ko siya, at eto ako ngayon nililigawan ko na ang babaeng mahal ko. may mga bagay talaga na worth it ipaglaban.

"hayy. ang drama ko! nakakabakla! haha. tama na nga to. tara na uwi na tayo" sabi niya at tumayo na. I guess ayaw niya ng pagusapan. kung sino man yung babaeng yun ang swerte niya kay LA, tumayo na ako at naglakad na kami papunta sa kotse ko.

tiningnan ko siya, tahimik lang siya habang nakatungo. hayy, problemado yung bestfriend ko. nasa tapat na kani ng kotse ko ng may maalala ako.

"hoy! ano pala bibigay mo sakin ha??pasalubong?" tanong ko at pinalo siya sa braso. ngumiti naman siya at may kinuha sa bulsa niya. tumingin siya ng seryoso sakin. ewan ko pero parang may meaning ang mga tingin niyang yun. biglang naging seryoso ang atmosphere.

"Den" nabigla ako ng yakapin niya ako. I can feel his sadness, his in pain.

"D-Den, m-mahal kita" mas ikinabigla ko ang mga sinabi niya. Ano?! kumalas ako sa yakap at tiningnan siya.

"ano ba pinagsasabi mo LA?!" tanong ko pero tumulo lang ang mga luha niya. naguguluhan ako!

"Den, diba sabi mo ipaalam ko? diba sabi mo ipaglaban ko? diba sabi mo wag kong sukuan?? Den, mahal na mahal kita,dati pa. Ipaglalaban kita kahit na alam ko masaya ka na kay Alyssa. Den mahal kita,mahal na mahal" sabi niya at niyakap ako ulit.A-ako??! ako yung babaeng yun? m-mahal niya ko?? pero hindi pwede. mahal ko si Aly at kaibigan lang ang turing ko kay LA.  bakit? bakit kailangan maging ganito kacomplicated ang mga pangyayari? bakit ako pa LA?!

kumalas ako sa pagkayakap niya sakin.

"Im sorry," sabi ko, napatungo nalang siya. uggh! ayoko siyang saktan. pero mahal ko si Aly. napaluha na din ako.

"LA Im sorry, h-hindi ko alam na ako. Im sorry, Im sorry" sasakay na sana ako sa kotse ko ng hawakan niya yung kqmay ko. Humarap na aako sa kanya.

"D-den, wag naman ganito o. please Den, mahal na ma--" pinutol ko na ang sasabihin niya at hinila ang kamay ko sa kanya.

"LA sorry, alam mong mahal ko si Aly. mahal na mahal ko siya. Sorry" sabi ko at tumalikod pero hinawakan niya ang braso ko at iniharap ako sa kanya.

nabigla ako ng halikan niya ako pagharap ko.. O_O pilit ko siyang inilalayo pero ang lakas niya nakahawak siya sa dalawang braso ko, pilit pa rin niya akong hinahalikan. Shit! itinulak ko siya ng malakas at sinampal siya.

"D-den im sorry, D-Den" dina ako sumagot at tuluyan n sumakay sa kotse ko at agad na pinaandar ito. hindi ko alam, shock pa ako sa mga nalaman ko! at sa ginawa niya! bakit ba kasi ako pa LA?? hindi ko kayang makitang nasasaktan si LA ng dahil sa akin pero mahal ko si Aly.

hindi talaga pwede..

*Alyssa's POV*

pagkahatid sa akin ni Den agad na akong pumasok sa kwarto at naligo tapos humiga na ako. whoo! ang saya ko lang. ^_^ hihi.  alam niyo yun, yung parang walang humahadlang sa inyo. Yung todo support pa sila sa inyo. yiieh!

matutulog na sana ako ng magvibrate yung phone ko.

From: Ella liit :)

.besh? nakita mo na?

huh?? nireplyan ko naman agad.

nakita ang alin??

mayamaya pang nagreply na siya agad.

From: Ella liit :)

.oh gosh! tingnan mo sa official fanpage mo, FB.

ano ba yun?! dahil sa nacurious ako agad kong binuksan ang laptop ko at tiningnan na yung page.

ano pa bang bago?? bukod sa mga stolen pics ko? ng magload na yung page nagulat ako sa bumungad sa akin. WTF?! kelan to? napansin ko naman yung damit. kanina lang to binasa ko yung caption.

Confirmed! its LA Revilla and Dennise Lazaro! arggh! niloloko niya si Aly! >_<

at ayun nga picture nila Den at LA na magkayakap. ano to?! ewan pero maluha luha na ako dito! iniscroll down ko naman na mas lalong ikinagulat ko.May mas lalala pa pala dun. </3 Si LA.. hinahalikan si Den ! tumulo na ang mga luha ko. ano ibig sabihin nito?! d-diba sabi niya bestfriend lang niya yun?! ok lang sana yung yakap eh. Pero bakit may halikan?! iba na yun eh! sa sobrang galit ko ibinalibag ko yung laptop ko sa pader.

kakasabi ko lang kanina na walang humahadlang! kakasabi ko llang kanina na ang saya saya ko! bakit ang bilis naman binawi nun?! ang sakit pala! hindi pa nga kami niloloko niya na ako. sabi na eh! may iba sa mga tingin ni LA kay Den. Pero di ko akalain na magagawa sakin ni Den to!

--------

My Fan Girl (alyden)Where stories live. Discover now