Chapter 9

3.7K 67 7
                                    

*Alyssa's POV*

"Help! something's wrong with my eyes! - I just can't take them off of you ;-)"

-Smile :) have a great day!

yiee! kakilig naman yun. haha. ididikit ko na sana sa loob ng locker ko nang mapansin ko na may nakasulat pa sa likod.

-You know me already :)

huh??kilala ko siya? parang di naman! sino kaya yun? bat naman kasi pamystery pa eh! hindi naman siguro ang ALE to diba? hindi naman nila ako siguro pagttripan diba? nako! pag nalaman kong sila to . hayst! masasapak ko talaga sila isa isa!

idinikit ko nalang ulit yung note sa loob ng locker ko tapos ay naglakad na ako papuntang room. nadatnan ko naman sila Ella at Fille na nagaagawan ng kung ano dun kaya nilapitan ko na sila para makita kung ano yun.

"Hoy! ano yan?" tanong ko sakanila at tiningnan yunh pinagaagawan nila.

"h-ha?w-wla!" sabi ni Fille at inagaw kay Ella yung hawak niya.

"anong wala ka jan! bakit ikaw may cupcake ako wala?!" patampong sabi ni Ella at nagcross arms pa.

"cupcake?? patingin nga!" sabi ko at inagaw kay Fille yung hawak nia. nagulat ako dahil kamukha ito nung cupcake na ibinibigay sa akin. bakit meron siya nito? mas lalong napakunot naman ang noo ko ng makita yung note na nakadikit.

"thanks? for what?" nagtatakang tanong ko . yung nakasulat lang kasing note eh thanks. napakamot na lang ng ulo si Fille.

"a-aba malay ko" sabi niya at itinaas pa ang mga kamay niya . bakit naman niya bigla biglang bibigyan si Fille?

hmp.! ang daya naman eh. kala ko naman ako lang yung binibigyan may iba rin pala. hindi naman sa pagiging selfish pero ewan! gusto ko ako lang yung bibigyan niya.

napaupo nalang ako dahil dumating na din yung prof namin at ibinigay nalang ulit yung cupcake kay Fille.

"huwag ka ng mainis." bulong ni Fille sa akin. napabuntong hininga nalang ako at nagsmile sakanya.

"basta nakakainis! bat ako di niya binigyan ng cupcake?" pagtatampo pa rin ni Ella tapos ay nagsalumbaba pa. hahaha

"ayaw mo nun? hindi ka niya gustong lasunin.haha" pangaasar ko sa kanya.

"oo nga siguro magaganda lang ang mga nilalason niya!" dagdag pa ni Fille.

"So you mean hindi ako maganda??!" asar na sabi ni Ella.

napatawa nalang kami sa reaksyon niya..

"Hahahaha. ikaw nagsabi niyan" napasimagot nalang si Ella. haha. asar talo din to eh. pero nakakatampo pa din yung pagbigay niya ng cupcake kay Fille.

naalala ko naman si Denden. teka diba kaklase daw namin siya?? nagpalinga linga naman ako para hanapin kung saan siya nakapwesto at ayun kaklase nga namin siya. paano ko ba naman siya makikita eh nasa dulo pala siya! loner talaga to!

"pst!Den?" sigaw ko pero mahina lang. pero hindi niya narinig .

"Hoy Den!" sigaw ko ulit pero hindi pa rin humaharap. hayst! ang bingi naman neto.

pumunit ako ng isang papel sa notebook ko at crinample ito tapos ay ibinato ko sakanya. then 3 points! wahh! natamaan siya sa ulo! napatingin naman siya banda sa akin na galit ang itsura .

"hehehe. peace \/" sabi ko at nagpeace sign. hehe. aba hindi ko naman alam na sa ulo tatama eh! kumuha naman siya ng papel. hala! babaruhin din ata ako?! wahh! pero mali! haha. kumuha din siya ng marker at sumulat sa papel tapos ay iniharap sa akin ito . binasa ko naman yung nakalagay sa papel.

BAKIT??? :)

kumuha din ako ng papel at sumulat dito tapos ay itinapat sa kanya.

Wala lang. hehe. HI??

pagkabasa niya ay nagwave siya sa akin habang sinasabing Hi din ..

hahaha. natatawa naman ako. para kaming mga baliw dito. bigla naman nagsalita yung prof namin.

"by the way class we will be having a fieldtrip tomorrow! " masayang sabi niya. naghiyawan naman kami syempre libot yun!

"YEHEY! Saan po sir?" tanong ni Ella. aba! kanina lang kung makapagmukmok wagas!

"Sa Subic lang for 3 days. kaya magpaalam na kayo sa mga parents niyo" sabi ni Sir.

"ok na dun sir! waah! FREEDOM!" sigaw ni Ella. nagtawanan naman yung mga kaklase namin.. haha. for 3 days? masaya yun!

------------------------------------------

*Fille's POV*

"bakit ba kasi may cupcake ka din?" inis na sabi ni Gretch. hayy nako kanina pa siya nagaalboroto diyan tungkol dito sa cupcake. si Ella naman kasi eh sinumbong pa na may nagbigay sa akin .malay ko ba na bibigyan niya talaga ako ng cupcake? e niloloko ko lang naman siya kahapon..

hindi ko nalang siya sinagot at isusubo na sana yung cupcake mukha kasing masarap eh pero pinigilan ni Gretch yung kamay ko.

"wag mo mga kainin yan! baka may lason pa yan at ikamatay mo pa" sabi niya at kinuha yung cupcake na hawak ko.

"hayst! akin na nga yan!alam mo pareho na kayo ni Ella! kung malalason ako edi sana nauna na si Alyssa." sabi ko at kinuha ulit yung cupcake at isinubo na ito. infairness! masarap nga ha.

"HMP!" sabi niya at sumimangot..

maya maya lang may bumati sa kanya.

"Hi Gretchie!" bati nung isang babaeng dumaan teka si mika reyes to ah??

"Hi din" sabi niya at nagwink pa. abat! ang landi talaga!

"sino yun?!" mataray na tanong ko tsaka ko hinila yung buhok niya.. may pa gretchie gretchie pang nalaaman.

"aray naman! wala lang chicks ko!!" sabi niya.  at talagang sinabi pa niyang chicks niya! naiinis na ako! nanahimik nalang ako at hindi siya pinansin .

"hala ka! " pang aasar ni Alyssa kay Gretch.

"uy baby ko. joke lang naman yun. kausapin mo na ako o" pagmamakaawa niya pero di ko parin pinansin.. joke niya mukha niya!

"bebe ko. sorry na po" pagmamakaawa pa niya at nagpuppy eyes pa..

"ewan ko sayo!"

------------------

sorry guys kung eto lang. :-( promise babawi nlang ako next chap! dont forget to leave a comment po ha? and vote na din..  thank you! :)

My Fan Girl (alyden)Where stories live. Discover now