Chapter 26

2.5K 53 11
                                    

*Den's POV*

Lilipat na kami ngayon sa Dorm, dala dala ko na yung mga gamit ko. Yiiee! bago ako pumasok tiningnan ko muna ang labas ng Dorm. Finally! makakapasok na din ako dito, at finally! kasama na ako sa team. oh god? why are you so good to me? halos natupad na lahat ng pangarap ko. Una, pinangarap ko lang na kahit man lang maging kaibigan ko si Aly ok na, pero may bonus pa! Girlfriend ko na po siya ngayon ^_^ pangalawa, pinangarap kong mapabilang sa team, at eto ako ngayon naglilipat kasama ang mga Lady Eagles. Ow! isa na din pala akong Lady Eagle. hihi.

bigla naman akong nalungkot ng makita ko si Aly, psh. galit siya sakin =_= sinundo niya nga ako samin ngayon pero di naman niya ako kinakausap. tss, si LA kasi eh! nadatnan niya si LA sa tapat ng bahay namin na may dalang bulaklak tapos may napagusapan ata sila, ayaw naman niyang sabihin sakin kung ano yun! -,-

nagsimula na akong maglakad papasok sa Dorm kaso nahihirapan ako dahil sa bigat ng dala ko. nagulat naman ako ng biglang may umagaw nito sa akin. Si Aly pala, pero hindi man lang siya nagsalita at nagdirediretso na papasok. napangiti naman ako. yiie, kahit na ganyan yan concern pa rin talaga siya sakin. sumunod nalang din ako sakanya papasok.

hmm. parang may mali, ang tahimik. masyadong tahimik. Nakakabingi ang katahimikan. tanging ingay lang ng mga yabag namin at ng nga gamit ang naririnig namin. Sila Ella at Mich na laging nagbabangayan ang tatahimik ngayon, pati na din sila Gretch at Fille, Dzi at A, at kami ni Aly :3 hala! anyare sa kanila? pati nga sila Mae at Marge e. lately nga napapansin ko na nagiging close sila sa isa't isa. Basta pag nakita mo silang magkasama, parang may something. hmm, pero ang alam ko straight yang si Marge e! crush na crush pa nga nyan si Daniel Padilla eh. Asa naman siya na papansinin siya nun! pero sabagay, ako nga napansin ni Aly e. Pero ang alam ko nakwento sakin ni Aly na mahal ni Ella si Mae eh, tapos alam daw ni Aly na mahal din ni Mich si Ella. Owmay! ang gulo ng love story nila.  Love Square? isama pa si Daniel Padilla. haha. nako nako! bakit kaya ganon?? yung mahal natin laging may mahal na iba? tapos yung nagmamahal sa atin hindi naman natin nakikita o mahal? well, except samin ni Aly dahil alam ko mahal namin ang isa't isa. hayy, bakit ba ang gulo ng love??

tinanong ko naman si Jem.

"bat ang tahimik mo??" bulong ko sa kanya.

"e ang tahimik din nila e,nakikigaya lang.hihi" sagot niya.

-,-"

"napano ba sila??" tanong ko.

"aba malay, LQ ata sila" sagot niya at umupo sa couch.

"oh?galing naman,sabay sabay pa talaga" sabi ko at umupo na din.

"at talagang nagalingan ka pa ha!" -Jem,

nagpaalam na ako sakanya at sinundan si Aly sa itaas sa kwarto namin.Nadatnan ko naman siya na inaayos yung mga gamit namin habang nakatalikod. Hindi ko mapigilan hindi ngumiti sa ginagawa niya, lumapit ako sa kanya at niyakap siya habang nakatalikod. hmm. ang bango talaga nito! hihi

"Im sorry" mahinang sabi ko.

*Aly's POV*

umakyat na ako para ayusin ang mga gamit namin ni Den, kanina pa ako lutang dito habang inaayos ang mga gamit namin. Iniisip ko kasi yung sinabi ni LA.

*FlashBack*

nagpark ako sa tapat ng bahay ni Den, dahil sa maglilipat kami ngayon kaya sinundo ko siya. Nadatnan ko naman si LA na naghihintay sa tapat ng gate nila at may dala pang bulaklak. tss, makita ko pa lang siya nagiinit na ang dugo ko sakanya! at ano nanamang balak nito dito? tinaasan ko siya ng kilay.

"anong ginagawa mo dito??" mataray kong tanong sa kanya, ngumisi lang siya at naglakad palapit sa akin.

"kukunin ang dapat akin" seryosong sabi niya at huminto sa tapat ko. Ang dapat sa kanya? kapal din naman ng mukha nito!

My Fan Girl (alyden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon