Chapter 12

3.5K 57 5
                                    

*Denden's POV*

"Sige na Myco. bye!" sabi ko at nagwave sakanya..pinilit na niya kasi akong ihatid dito kasi nagdidilim na din daw .

pagkabukas ko naman ng pinto nabigla ako kasi nakaabang lahat sila doon at nakacross arms pa. problema ng mga to?

"bakit ngayon ka lang??" tanong ni Gretch at tinaasan ako ng kilay.

"ah k--"

"bakit hinatid ka niya dito??" tanong ni Fille. huh? ahh. si Myco ba?

"ah kasi---"

"kayo na ba??" tanong ni Ella na nagpakunot ng noo ko.

"huh?si---"

"at bakit magkaakbay pa kayo??" tanong naman ni Fille.

"ah magka---"

"at bakit---"

"waaah!! e kung patapusin niyo muna kaya ang sinasabi ko no?? tanong kayo ng tanong hindi niyo naman ako hinahayaang makasagot!" gulong gulo kong sabi sakanila. nagkatinginan naman sila tapos ay nagsitabi sa daanan.

"pasok na" mataray na sabi ni Mich. ano ba nangyayari sa kanila?!

pumasok naman ako at naglakad na papunta sa sala sinundan naman nila ako tapos ay nagsiupo na. at dahil umupo sila at ang wweird nila syemre umupo na din ako.

"ok ok. ano ba nangyayari?? si Myco ba??" tanong ko sa kanila. nagsitanguan naman sila.

"sus! si Myco lang pala eh. nagusap lang kami" sabi ko sakanila mukha namang hindi sila satisfied sa sagot ko dahil tinaasan lang ako ng kilay. ano ba problema nila kay Myco at bakit nila kilala yun?? napatingin naman ako kay Marge na nakatayo sa bandang gilid nagpeace sign lang siya sa akin. mukhang gets ko na to! waaah! lagot ka talaga sa akin Marge! kahit kelan ang daldal mo! tiningnan ko lang siya ng masama.

"Then???ano pa??" usisa nila.. napabuntong hininga nalang ako. mukhang alam na nila eh may magagawa pa ba ako.

"wala na. titigilan na niya daw ako at napagusapan namin na ganun pa rin kami sa dati. magkaibigan" sabi ko sa kanila at ngumiti. nagsingitian naman sila tapos nagulat naman ako ng bigla nila akong niyakap.

"Yiiieee!!! " sigaw nila. nagtawanan naman kami duon. ibig sabihin ba nito ok lang sa kanila?? napansin ko naman na wala si Aly.

"uyy asan si Aly??" tanong ko sa kanila.nagkatinginan naman sila tapos ay humarap sa akin..

"ewan nga namin eh. pagkaalis mo kasi bumalik na siya dito matutulog daw" sabi ni Jia. Ano? wala siya dito?

"huh? bat hindi niyo man lang hinanap?" sabi ko sa kanila at tumayo na.dumidilim na panaman.

"hayst. ako na nga maghahanap" sabi ko at tumakbo na palabas.

kanina pa ako palakad lakad dito nasaan na kasi yun? ano ba kasi naisipan non at lumabas pa! paano kung may mangyari sa kanya! hindi ko kakayanin! tinry kong hanapin sa mga parang bar dito pero wala.sa mga store pero wala pa rin. nasaan na ba kasi siya?!

naka hininga naman ako ng maayos ng makita ko siyang nakaupo sa buhanginan malapit sa dagat.. nakayakap lang siya sa tuhod niya at nakayuko. umiiyak nanaman ba siya??

inalis ko yung jacket na bigay ni Myco kanina at dahan dahang lumapit sa likuran niya tapos isinuot ko sa kanya yung jacket.. halata namang nagulat siya kasi tinaas niya yung ulo niya tsaka tumingin sa akin.

nakatingin lang ako sa dagat habang tahimik na umupo sa tabi niya. hindi pa rin ako tumitingin sa kanya pero alam ko nakatingin siya sa akin..

"bakit nandito ka pa??" mahinang tanong ko sa kanya.. hindi naman niya ako sinagot at tumingin nalang din sa dagat..

My Fan Girl (alyden)Where stories live. Discover now