Chapter 19

3K 60 4
                                    


*Aly's POV*

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa locker ko. Hindi ko pa rin makalimutan yung kahapon, ewan! nadissapoint ako? ee! assuming kasi ako masyado eh =_=

nabigla naman ako sa pagtap ni Mae sa noo ko kaya napahinto ako sa paglalakad, sakto naman na nasa tapat na pala ako ng locker ko.

"para ka nanamang zombie!" sabi niya. tinaasan ko naman siya ng kilay. pasensya naman! may iniisip ako yeh.

"oh basta! wag na maarte ha? eto na to. umayos ka!" sabi niya na lalong ikinataas ng kilay ko. tatanungin ko pa lang kung ano ang pinagsasabi niya pero bigla nalang siyang umalis.

"tss. weirdo" nasabi ko nalang at binuksan na ang locker ko at kinuha na yung mga notes ko. 

pero bago ko isara yung locker ko tiningnan ko ulit ang itaas nito. Namamagasang makakakita ulit nung cupcake, pero wala nanaman. hayyy. namimiss ko na yun kahit papano. :3

isasara ko na sana yung locker ko ng may kumalabit sa akin kaya napaharap ako. Si Jia.

"oh?" tanong ko. pero ngumiti lang siya at itinaas ang kamay niya na ikinakunot ng noo ko. inabot ko naman yung hawak hawak niya.

"t-teka ikaw??" tanong ko pero umalis lang siya. hahabulin ko sana siya pero napansin ko yung nakadikit na note sa cupcake na binigay niya sakin. teka?! si Jia ang nagbibigay ng cupcake sa akin?!

pero bakit?! binasa ko naman ang note na nakalagay dito na mas lalong ikinakunot ng noo ko.

"Tae Ka Ba??"

Ano ba to ha??! nagpalinga linga ako para hanapin si Jia pero mas lalong ikinabigla ko ng marealize ko na ako nlang pala ang tao dito sa corridor..ng may kumalabit ulit sa akin agad akong tumingin sa kanya. Si Mich.

tatanungin ko na sana siya kung may alam siya dito pero pinigilan niya ako.

"ops!" sabi niya at itinaas ulit ang kamay niya na may hawak na cupcake. wala naman akong nagawa kaya kinuha ko nalang ito agad namang umalis si Mich sa harap ko. Ano bang nangyayari dito?! ngayon si Mich naman?!

binasa ko ulit ang notes sa cupcake na bigay niya.

"kasee,,,
.
.
.
.
.
I Love You :)"

ano daw?! anong connect nun?! ano ba kasi ang nangyayari?! aalis na sana ako ng may kumalabit nanaman sa akin. Si Marge at may hawak din siyang cupcake, nginitian niya lng ako at umalis na.

dahil sa ako nanaman mag isa dito binasa ko nalang ung note.

"Kulangot ka ba??"

what?! seriously?! walanjong Marge yun! nakita ko naman na padating ulit si Mae.

"ibang klase talaga trip niya" nakangiting sabi niya at agad ng umalis. niya??! sinong siya?! and as usual binasa ko ulit yung note.

"kase,,,
.
.
.
.
.
Saranghae:)"

O        K??! hindi na to nakakatuwa! pinagttripan ba nila ako?!

dumating nnaman si Fille na may hawak ulit ng cupcake.

"Ok Fille ano to??" tanong ko pero hindi siya sumagot instead inabot niya lng yung cupcake at bineso ako tapos ay umalis na.

"Aso ka ba??"

bwisit!mukha ba akong aso?! at eto padating nanaman si Gretch. sasapakin ko na sana pero agad niyang iniabot yung cupcake at agad ng umalis.

"kase,,,
.
.
.
.
.
Je t'aime :)"

My Fan Girl (alyden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon