Prologue

3.2K 73 27
                                    

"Fiancée 'di ba? anyare?"-open up ni Baekhyun sa lahat.

"Fiancée nga.. tama naman.. kasi kapag fiancé, lalaki yun ulol!"-sabat ni Chen sa kanya

"Ang gago mo Jongdae! seryoso kasi ako"

"Bakit? ano bang mali sa kanila?"-tanong naman ni Lay na mukhang walang alam sa mga nangyayari sa paligid nya.

Napabuntong hininga si Sehun bago sumabat sa tanong nya..-"Hyung, wag ka ng dumagdag pa sa problema please lang. Tulungan mo nalang kaming problemahin sila."

"Bakit ba kasi sa lahat ng mga babae sa mundo eh.. puro mga out of this world pa ang mga ipapakasal satin!? akalain mo nun! isang nerd saka isang mataray!"-napatango naman ang lahat kay Luhan.

"Isama mo na rin ang isang isip bata! ano tayo mga yayo!? sa mukha nating to!?"-dugtong naman ni Chanyeol sa kanya

"Hindi lang yun! meron pang Haponesa? excuse me! wala tayong sushi dito."-poker face namang sabi ni Xiumin..

"Yung madaldal talaga ang nakakainis sa lahat eh! clumsy na nga matakaw pa! nauubos na kaya ang mga pagkain natin sa ref!"-reklamo naman ni Kyungsoo.

"Saka ano naman ang ginagawa ng isang taga-bundok dito? talaga bang fiancee din natin yun? muntik ko na ngang maitapon ang mga bayong nya. Ang sakit kasi sa mata.."-singkit matang sabi ni Baekhyun.

"Hwag mo ring kalimutan yung babaeng ugaling kalye! grabe maka-warak mga brad!"-pahayag naman ni Tao.

"Pero hindi ba kayo natatakot dun sa isa? ang astig kasi eh! tomboy ba yun?"-tanong din ni Kai sa lahat.

"Don't care! just get rid of the over-acting girl in my sight.."-blunt namang sabi ni Kris.

"Ba't wala atang matino sa kanila?"-napa-buntong hininga nalang ang lahat sa tanong ni Suho.


Currently writing Forced Wedding Book 2: We Are Getting Married

https://www.wattpad.com/931575543-we%27re-getting-married-we-are-getting-married

Forced Wedding (COMPLETED)Where stories live. Discover now