Chapter 4: Good Morning

1.5K 46 116
                                    

Baekhyun's POV

"Good morning guys!"-bati ko sa mga taong nasa 2nd floor.

"What's good in the morning?"-sabay na bati sakin nina Kris hyung at Jessica saka sabay din silang nag-irapan. I wonder ano bang problema nitong dalawa. Umagang umaga nagyeyelo ang hallway dahil sa kanila.

Napakamot naman si Lay hyung sa ulo nya..-"Teka? parang narinig ko na yan ah? nakalimutan ko na rin kung kelan eh"

Napailing na lang din ako at bumaba na ng sala..-"Good morning!"-muling bati ko sa mga nakaupo sa sofa..-"Wala lang.. nagbabasakali lang na maging maganda ang umaga ko kahit puro kamalasan na ang nangyayari sa paligid hihi"-sabi ko rin saka tumabi kay Suho hyung at Umin hyung na nagbi-brain storming ata..-"Kelan ang quiz bee?"

Inirapan lang ako ni Umin hyung. Alam nyo ang suplado nito.. umagang umaga.

"Baekhyun Paquito Salazar Byun Jr. umagang umaga, please lang wag kang maghasik ng lagim dito. Saka kapag sasabak kami sa patalinuhan, wala ata kaming panama sa isang yun.."-sabay turo ni Suho hyung kay Taeyeon sa kabilang table na may hawak na magnifying glass at tutok na tutok sa isang napaka-kapal na libro.

"Anong Baekhyun Paquito Salazar Byun Jr. hyung? yaks! kadiri naman! nakahithit ka ba ng tinta ng bolpen hyung? saka ano bang problema nung babaeng yun at lahat na ata ng galit nya sa mundo ay ibinuhos na sa libro?"-tanong ko naman

"Wag mo ng alamin, wala ka lang mapapala."-sabat naman ni Umin hyung

"Hindi ko talaga kakayanin kung yang babaeng yan ang magiging asawa ko. Naku! di pwede! no! no! ano nalang ang magiging pangalan ng anak namin Biology? Geography? History? no!"

"Hindi.. Good Manners and Right Conduct magiging pangalan ng anak nyo tapos GMRC magiging palayaw nya.."-ngisi ni Chen sakin saka sila umupo ni Luhan hyung sa tabi ko.

"ANDWAE!"-biglang sigaw ko. Ini-imagine ko pa nga lang, hindi ko na makaya.. eh pano kung magkatotoo pa kaya? waahh!

"P*ta ang ingay please lang.."-singkit matang sabi ni Hyoyeon sakin saka dumiretso ng kusina. Aba! nagmura sya.. sakin? nakakalalaki na yun ah!

"Upo nga!"-hinigit ako ni Luhan hyung paupo..-"Ano bang problema mo Suho hyung? specifically?"-saka sya seryosong tumingin kay hyung

Napakamot muna sya sa noo bago magsalita..-"Bakit hindi pa natin alam kung sino ang mga fiancee natin? kung hindi pa pala mabubuo ang doseng brides, eh bakit pinauna nila dito ang siyam? ano ba talaga ang binabalak ng mga magulang natin? tapos bakit hindi din alam ng mga babae kung sino sino ang pakakasalan nila? ano kaya sinabi ng mga magulang nila para pumayag sila dito?"

"Basta! ayokong maging asawa yung Tiffany, grabe! hindi ko ma-take ang pagiging maarte!"-biglang reklamo ni Chen.

"Wag kang mag-alala sigurado naman akong hindi ka din pakakasalan nun."-tapik-tapik naman ni Umin hyung sa balikat nya. Kino-comfort ba to ni hyung o talagang nananadya sya? hihi.. ang saya naman.

Bigla namang napatayo si Suho hyung..-"Anong nangyari sa inyo?"

Kumunot ang noo namin ng makitang dumudugo ang ilong ng mga maknae.

"Kinausap kami nung Yuri.."-sabi ni Jongin saka umupo sa tabi ni Chen

"Totoo nga ata yung sinabi mo hyung.. araw-araw nga ata dudugo ilong ko sa kanya. Nadamay pa si Kai"-sumbong naman ni  Sehun sakin saka tumabi kay Umin hyung.

"Bakit ano daw sinabi?"-tanong ni Luhan hyung sa kanilang dalawa.

"O... o... o.. asdfghhjkl.. mas..."-sabay tingin ni Kai kay Sehun.

Forced Wedding (COMPLETED)Where stories live. Discover now