Chapter 2: Slowly Converging

1.5K 46 94
                                    

Tao's POV

"Uy ang bongga!"-di mapigilang mapanganga ni Baek hyung sa harap nya ngayon.

"Impressive!"-dugtong naman ni Luhan hyung sa kanya

"Hindi ko na hate si Mommy, love na love ko na pala sya hihi"-para namang bulateng sabi ni Kai

"Eh kung bumaba na kaya kayo ng sasakyan para makapasok na tayo ng bahay 'di ba?"-sabat ni Suho hyung saka nauna ng lumabas ng sasakyan at dumiretso na sa napakalaking gate. Agad naman kaming nagsibabaan at sumunod na sa kanya.

"Ano namang gagawin natin dito?"-kunot noong tanong ni Lay hyung

Napakamot naman si Sehun ng ulo saka tumingin kay hyung..-"Paulit-ulit ka nalang Zhang Yixing eh. Pasalamat ka't idol kita.."-saka sya huminga ng malalim bago muling magsalita..-"Kasi po dito na po tayo titira.."

"Oh talaga? wow ang galing naman"

Napa-iling nalang ako..-"Ganyan din yung sinabi nya kagabi bago tayo natulog.."

"Teka ba't may ribbon?"-tanong ni Chanyeol hyung samin.

"Panigurado si Tita Jangdi ang may pakana nyan. Gusto atang mag-cutting of ribbons muna tayo bago pumasok at tumira sa bahay."-sagot ni Kai sa kanya

"Eto talagang nanay ko, loka-loka."

"No wonder nagmana ka nga talaga sa kanya.."-sabay ngisi ni Baek hyung kay Chen hyung

Binuksan na ni Kris hyung ang gate saka pinutol naman ni Suho hyung ang napakahabang ribbon na humaharang sa main door. Binuksan naman ito ni Umin hyung.

"Whoah!"-Sehun

"Daebak!"-Baek hyung

"Seriously?!"-Chen hyung

Hindi naman kasi sa mahirap kami nung una at ganito kami maka-react ngayon. Hmm siguro dahil napaka-simple lang ng bahay namin kumpara sa mansion na ito. At isa pa siguro puro kami mga lalaki kaya nakuntento na kami sa lumang bahay namin. Alam nyo naman ang mga lalaki kumpara sa mga babae 'di ba?

Ayaw din kaming bigyan ng karangyaan ng mga magulang namin kaya ayun pagka-graduate namin nagsikap kaming maghanap ng trabaho saka nagpundar ng iba't-ibang business. Sa awa ng Diyos naging successful naman kami. Pasalamat nga kami at sobrang yaman ni Suho hyung, hindi nya kami pinabayaan. Yun nga lang ewan, ayaw ata kaming patahimikin ng mga magulang namin at eto na naman sila bini-bwisit kami!

Pumanik ako sa 2nd floor at si Lay hyung naman sa 3rd floor. Yung iba naman ay nilibot din ang buong bahay.

Mabilis akong tumakbo sa hallway. Grabe guys! ang ganda nga dito!

Kumunot ang noo ko nung mapansin ang mga rooms.. teka? what!?

Sakto namang pababa si Lay hyung kaya sumunod na rin ako sa kanya papuntang sala.

"Anong meron sa 3rd floor hyung?"-tanong ko sa kanya

"Ah! mga makita ko dun? mga ano.. teka ano nga ba? nakalimutan ko na ata hehe.. pasensya na Tao."

Wala akong nagawa kundi ang mapa-iling na naman sa kanya..-"Okay lang hyung at least natatandaan mo pa rin ang pangalan ko."

Napatingin ang lahat sa kakapasok lang na si Kai..-"Grabe guys! may infinity pool nga!"

"Okay mamaya na yan. Let's all gather around here first.."-pag-a.anounce ni Suho hyung kaya nagtipon ang lahat sa napakalaking sala..-"Umin hyung saw a note on the piano."-saka nya ipinakita ang color pink na sobre sa'min

"Oh talaga? ano daw sabi?"-tanong ni Chanyeol sabay upo nito sa sofa

Binuksan naman nya ang sulat saka kumunot ang noo nito..-"It say's we need to follow three rules in order to survive.."

Forced Wedding (COMPLETED)Where stories live. Discover now