Chapter 47: Inner Thoughts & Feelings

449 26 89
                                    

More comments please!


Yoona's POV

"Hindi ba tayo nawawala? Ilang oras na kaya tayong naglalakad pero hindi pa rin tayo nakakarating ng bahay nila Seohyun."-walang lakas na sabi ni Chen


"Anong nawawala? ni hindi pa nga tayo nangangalahati sa lalakarin natin"-poker face na sabat ni Kyungsoo sa kanya


"What!?"-reaction ng napakamaarteng babae sa balat ng lupa..-"OMG!"


"Wag kang ano jan! nasa tuktok pa ng bundok ang bahay nila Seo kaya dalawang araw pa tayo maglalakad bago makarating dun!"-singhal ni Sooyoung sa kanya. 'Di na ata nakatiis at yan na lumabas sa bibig nya. Kasi naman pagod na ang lahat dadagdag pa sya.


"Jusko po! limang oras na tayong naglalakad pero malayo pa rin pala! saka ano!? may dalawang araw pa bago makarating sa bahay nila Seohyun!?"


"Bingi ka ba Baek? kakasabi nga lang ni Yoona 'di ba?"-irap ni Taeyeon sa kanya


"Now I know bakit hindi pa sya nakakababa ng bundok. Hindi lang sa sobrang layo kundi pati na rin sa pasikot sikot na gubat na ito."-out of the blue na sabi ni Lay. Nasa katinuan nya ata sya ngayon..-"Ay teka! nasaan na si Hyo!?"-biglang panic nya..-"Ba't di ko sya makita!?"


"Bakit? nakikita ba nya pagmamahal mo sa kanya?"-hugot na naman ni Chen na syang ikinakunot noo ko.


"Nangangahoy lang yun sa kung saan hyung."-baling ni Chanyeol sa irog ng reyna ng kalsada


"Baka mawala sya mamaya nyan!"-muling panic nya


"Mawala? sus! taong gubat yun kaya hindi yun dito mawawala."-sagot ng isang teddy bear mula sa pinakalikuran.


Muling napatigil ang lahat sa paglalakad. Pero yung teddy bear ay sige pa din sa pagtahak ng daanan hanggang sa mabunggo nya si Kris kaya natumba ito.


"WAAAAH!!"-nagpagulong gulong ito hanggang sa tumama sa kahoy. Dalidali kaming pumunta sa kanya para malaman kung sino nga ba ito..-"Aray ko.. ang sakit ng tuhod ko."-rinig naming sabi nya.


At dahil nakaharap sya sa kahoy ay pinaharap sya ni Luhan samin.


"Sunny!?"-sabi ng lahat


"Huhuhu..."


"Ba't nasa loob ka ng malaking teddy bear?"-tanong ni Sooyoung


"What are you doing there?"-isa pang tanong ni Jessica


"I thought you're holding a brown teddy, but now why inside the purple teddy bear?"-dugtong din ni Yuri


Agad naman syang pinaypayan ni Seohyun..-"Hindi ka ba naiinitan ate?"


"Grabe kinaya mo ang bigat?"-kunot noong tanong ni Tao


Agad syang tinulungan ni Kyungsoo para makabangon ito..-"Ano ba tong mga pinanggagawa mo Sunny! Hindi ka na bata para maglaro. Nasa gitna tayo ng gubat!"


Halata namang nalungkot yung isip bata. Pero himala di ata sya umiyak


Lumapit si Kai sa kanya at tiningnang maigi ang human size teddy. Mejo nagulat sya at hinawakan pa ito..-"Grabe! reversible pala yung teddy bear na dala nya! saka pwede ngang makapasok ang maliit na tao dito!"


At dahil sa sinabi nya ay na-intriga ang iba at tiningnan din ang kakaibang gamit ni Sunny.


At parang totoo nga ang sinabi ni Kai dahil parang gulat nga sila pero bakit parang hindi masaya ang bata? sa pagkakaalam ko kapag pinupuri yan may masasabi talaga sya, masaya man o galit sya. Anong nangyayari sa kanya?


Forced Wedding (COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu