Chapter 37: Yoona's Realization and the Plan

646 31 67
                                    


Yoona's POV

"Akala mo ha! huh! limang tao sakin! sayo tatlo lang!"-panalo na naman si Chen.. nakangisi lang syang piningot ang tenga ni Sunny.

"Waah! aray ko!"-hinagpis nitong sabi sabay himas sa tenga nyang namumula kanina pa.. parang iiyak na syang nilagyan nya ng ekis yung mga tao sa libro..-"Humanda ka sakin! makakabawi din ako sayo!"

Tumawa muna ng malakas si Chen..-"Nyahaha! No way!"

Sabay nilang inilipat ang pahina ng libro at nag-concentrate ng maigi sa pagbibilang ng mga tao sa libro. 

Kung sino daw kasi ang may mas maraming tao sa bawat pahina ng magka-ibang libro ay sya ang panalo.. Actually I don't understand what they're playing. But I'm sure it's pretty lame.

"Ahahaha! wala kana Sunny! bumalik ka na kung saan kaman nanggaling! haha!"-masaya na namang sabi ni Chen saka tumingin sa kalaro nya..-"Meron akong sampung tao! ahaha! magtago ka na sa kaldero ni Kyungsoo!"

Biglang ngumisi si Sunny ng napaka-creepy.. saka nya nilagyan ng check ang panghuling taong bilang nya..-"Humanda ka sakin ngayon CHENchasu! meron akong bente-unong tao!"-saka open arms itong humalakhak..-"Patay ka  ngayon sakin."

Habang unti-unting lumalapit si Sunny sa isa ay sya namang panginginig nito.. First time atang manalo ni Sunny..

"Chen Pangit."-biglang bulong ni Sunny kay Chen na syang rinig ko naman.. at walang ano-ano'y buong lakas nyang sinunggaban ang tenga ni Chen.. kinagat lang naman nya ito ng FULL FORCE.

"WAAAAAAH! TAMA NAH!"-hinagpis naman ng isa ngayon habang si Sunny ay concentrate pa rin sa pagkagat ng kawawang tenga nya.

Nandito naman ako sa harapan nilang dalawa. Walang ganang nanonood sa kanila. Mga tao nga namang walang magawa sa mga buhay nila oh, kahit ano nalang ginagawa. Wala ata silang dalawang pakialam sa mga nangyayari dito sa bahay.

At dahil sa wala din naman akong magawa ay silang dalawa nalang ang pinag-aksayahan ko ng mga napakahalagang oras ko kahit hindi naman silang dalawa worth it!

Isa pa wala din namang mga kwenta ang mga tao dito sa bahay. Simula kahapon nung nag-away away kami ay wala ng pakialaman.. di na rin lumalabas yung ibang mga tao sa mga kwarto nila, Ayoko ding tumabay sa kwarto dahil nandun yung KSP-ing si Tiffany. Nakakapang-gigil na kasi sya.. di nya alam kung kailan ba sya dapat pumasok sa eksena, yung sa kanya yung mapansin lang talaga sya.

Ewan ko din sa dalawang to kung bakit puro kagaguhan yung mga pinanggagawa nila ngayon.

Di kaya sila mapatay ni Taeyeon kung malaman nyang ang mga libro nya ay pinagtripan nitong dalawa? Sabagay, gusto ko rin syang makitang magalit.. masyado kasi ata syang mabait. Pano nga ba sya magalit?

Bored akong nangalumbaba habang pinapanood silang dalawa.

"Wala hiya ka talagang tyanak ka! gusto mo bang mawala na tenga ko! And for your information. HIN.DI A.KO PA.NGIT!"-halatang gusto na talaga nyang suntukin si Sunny dahil sa ginawa nya pero dahil babae ito ay nagpipigil pa rin sya.

GentlePangit pa rin pala sya.

"Ihihihihihihi! Catch Me If You Can."-saka nya ito kinindatan.

Sabay na naman nilang inlipat ang libro.

"Patay ka na naman pangit! haha! meron akong walong tao!"-excited na sabi ni Sunny

"Naku! pito lang yun sakin!"

"Ihihihihihihi!"-saka sya nag-unat ng mga kamay at leeg na para bang naghahanda na sa mga susunod nyang gagawin kay Chen..

Forced Wedding (COMPLETED)Where stories live. Discover now