Chapter 11: Mr. Lay

1.9K 45 883
                                    

Lay's POV

Asan na ba kasi yun? nakakainis naman oh.. tsk.

Napasandig na lamang ako sa pintuan ng movie room. Halos lahat na ata ng kwarto sa 2nd at ground floor napuntahan ko na pero bakit hindi ko pa rin mahanap ang hinahanap ko. Teka? ano nga ba ang hinahanap ko? patay nakalimutan ko na ata.

Hay Zhang Yixing. Tumatanda ka na nga siguro.

Pababa na sana ako ng 2nd floor ng may makita akong isang malaking painting. Sobrang ganda nito, promise! flower painting sya. Hindi ko napigilan ang sarili ko at hinawakan ito at hinaplos haplos. Pero bigla akong napa-atras nung umakto itong parang mahuhulog. OH MY GHAD! ito na ba ang sinasabi nilang ingatan ang mga paintings dito sa bahay dahil galing pa to sa ano nga bang dynasty? nakalimutan ko na.

Bumaliktad ang painting pero hindi nahulog. Sa halip ay bumukas ang dingding at isang hagdanan pataas ang nakita ko. Tumingin ako sa paligid at wala namang katao-tao dito maliban sakin. Out of curiosity ay pumasok nga ako sa loob at umakyat sa hagdan. Ano kaya ang nasa dulo nito? rainbow ba? o kaharian ng giant sa Jack and the Beanstalk? hmmm.

Nakita ko ang isang pintuan sa dulo, hinay hinay ko itong pinihit at pagbukas ko ay isang napakalawak na lugar ang nakita ko.

Wow! ang ganda ng lugar dito. Jinja this place is amazing. As expected, Rooftop is the best spot of a house.

The area has some awesome plants that beautifies the place itself. Pwede ring mag-party sa sobrang laki at lawak nito.

Naglakad ako papunta sa may railings at nakita ang napakagandang view ng ibaba. Kita dito si D.O na nagdidilig ng mga halaman. Ang ganda naman tingnan ng garden mula dito. Idagdag mo pa ang view ng pool. Kita din sila Kai at Yuji na nag-uusap habang nagduduyan.

Muli kong inilibot ang paningin ko at hindi ko na talaga napigilang mapangiti dahil sa ganda ng lugar na to. Sarap pektusan ng mga magulang namin sa totoo lang. Makakaya din pala nilang ibigay sa amin ang ganitong klaseng karangyaan, ba't di pa nila ibinigay noon. Sus! nahiya pa sila sa amin!

Naglakad pa ako hanggang sa dulo ng lugar since I want to look at every corner of this pretty place. Pero sa pinakadulo, napansin ko ang isang bench na may nakahiga dito. Hinay-hinay akong lumapit sa nakahigang tao. Tulog ata?

Sino kaya to?

Mas lalo pa akong lumapit sa kanya. At nung nasa harap na nga ako ng natutulog na lalaki habang naka-cross-arm ay hindi ko naman makita ang hitsura nya since nakatungtong sa mukha nya ang isang blue cap.. 

Sino nga ba to?

Baba lang ang kita ko eh. Isang mahaba at matulis na baba. Nakalagay rin sa napaka-laking black t-shirt nya ang It's not my style na sentence. Hindi kaya si Kris hyung to?

Muli ay hinay-hinay akong tumalikod at lumayo sa kanya. Kung si Yifan hyung nga yun.. hindi ko yun pwedeng magising dahil naku! maaalala ko na ang lahat lahat ng mga pangyayari sa buhay ko.

Naglakad nalang ako sa oppositte side ng bench. Ano kaya ang meron dito?

Kumunot ang noo ko ng makita ang isang white yoga mat. Meron ring nakahiga. Babaeng natutulog ata? Hinay-hinay rin akong lumapit sa kanya.. pero nung makalapit na ako ay hindi ko rin makita ang buong mukha. Naka-black eye mask sya. Hmm.. sino kaya ito? basta isa lang ang nakaka-agaw pansin sa mukha nya. Mahaba at matulis rin ang kanyang baba gaya ng kay hyung. Saka sobrang puti nya. Teka? eto ata yung barbie doll!? yung nakakatakot na babae na palaging kasama ni Hyuna! si Jessybel! OH MY GHAD! I need to get out of here.

Hinay-hinay rin akong tumalikod sa kanya at bumalik  sa pintuan at binuksan na ito para makabalik na ng 3rd floor. Sinigurado ko ring naibalik ko sa dati ang position ng painting.

Forced Wedding (COMPLETED)Where stories live. Discover now