Chapter 54: Tough Talk

281 22 25
                                    

Seohyun's POV

"Oh my ghad. Can't believe after a decade we're finally home again!"-sabay salampak ni ate Tiffany sa sofa saka kinuha ang maliit na pink na unan katabi nya at hinalikan ito..-"Gosh! I thought I wouldn't see you ever again."-at niyakap ito ng wagas

Tumabi naman si kuya Lay sa kanya..-"Bakit parang ang over mo naman?"-inosenteng tanong nito.

"Can't you hear yourself Yixing? being in the mountain is a nightmare! Tsk! tingnan mo nga oh, parang umitim na ako"-sabay pakita nito ng kamay nya kay kuya

Nagkamot naman ito ng batok nya..-"Hehe di nga namomroblema sila Kai at Yuri eh."

Tumabi si ate Yuri sa kanya saka ngumiti.

"Hay naku! landian time na naman. Kakarating pa nga lang natin sa bahay."-pagkatapos sabihin iyon ni ate Hyoyeon ay tumayo na ito umakyat sa pangalawang palapag.

Muling nagkamot si kuya Lay ng batok nya habang nakatingin kay ate Hyo..-"Wala pa nga akong sinabi. Bakit na-bad trip yun?"

"Is she mad at me? but we've never talked before."-inosente ding tanong ni ate Yuri sa amin ni ate Tiffany.

Nagkatinginan kami ni ate at sabay na napakibit ng balikat.

Kakarating lang namin dito sa bahay at naging busy na silang lahat. Kami lang nila ate Tiffany, ate Yuri at kuya Lay ang napaupo dito sa sala. At yun nga si ate Hyo. Ano kayang nangyare sa kanya?

Hindi na din namin makita yung iba. Si Chanyeol naman ay dumiretso sa kanyang kwarto. May kausap ata sa cellphone nya.

"Jusko! akala ko talaga magiging taong bundok na ako forever!"-sabay kaming napatingin kay kuya Chen na pababa sa hagdan, kasama si kuya DO na may hawak na dulos.

"Anong gagawin nyo?"-tanong ni kuya Lay sa kanila

"Magsu-swimming ako. Sa paninirahan natin sa bundok, bigla kong nami-miss makakita ng malawak na tubig."-sabat ni kuya Chen saka itinaas ang twalya nyang hawak..-"Magbababad muna ako sa pool."

Kumunot naman ang noo ni ate Tiffany..-"Eh ikaw naman Kyungsoo. What would you do with that--"

Hindi na natapos ni ate yung sinasabi nya ng itaas ni kuya ang kanyang dulos..-"Ah eto? magdadamo ako."

"What? agad agad? bakit hindi ka nagdamo dun sa bundok? eh napakaraming damo dun!"-gulat na sabi ni kuya Chen

"Ah hehe.. naiwan ko yung dulos ko eh. Hue hue. Saka ang haba nung dulos nila Seo kaya hindi ko alam kung pano iyon gamitin. Mamaya masugatan pa ako, eh di hindi na ako makakapagdamo dito sa bahay nun"

"Eh bakit ka nga magdadamo?"-muling tanong ni ate Tiffany

"Na-inspire kasi ako dun sa mga halamang ligaw at mga matataas na damo kela Seo kaya titingnan ko kung may damo din tayong kagaya nung sa kanila hehe. Sige guys!"-nakangiti nitong sabi saka masayang naglakad papunta sa pintuan.

Napailing nalang ang iba sa kanya.

"Why is he so obsessed with damo? isn't it a little bit weird guys?"- naguguluhang tanong ni ate Yuri sa amin. Hindi din naman namin alam ang sagot.

Huminga ako ng malalim.

Isa lang ang masasabi ko. Walang may gustong manirahan sa bundok. Ayaw nila sa bundok. Palagi ko silang nakikitang nahihirapan. Yung iba harap harapan kung magreklamo. Pero kahit nasasaktan man ako ay naiintindihan ko pa rin, kasi iba naman yung kinagawian nila eh. Lalong lalo na sila ate Tiffany at ate Jessica.

Kahit maraming nangyari sa bundok. May away man, may kumprontahan, may mga galit sa iba.. masasabi ko pa ring masaya kami. Kahit yung mga puro nagrereklamo ay alam kong nag-enjoy din. Saka isa pa, nakikita ko din na inaalagaan nila ako kahit wala si itay, at nagpapasalamat din sila sa akin dahil sa mga bagay bagay na doon palang nila nasubukan.

Forced Wedding (COMPLETED)Where stories live. Discover now