20.

878 48 1
                                    

KANG DANIEL

3:45 PM

Daniel: Uy? Umuuwi ka pa ba?

Ellie: Oo, binabantayan ko lang si Jihoon. Ang tigas kasi ng ulo, ayaw kumain.

Daniel: Gising na siya?!

Ellie: Oo, kanina lang din. Nagtaka pa nga bakit ako 'yung nagdala sa kaniya.

Ellie: He was so distant, ayaw niya nga akong kausapin.

Daniel: Ganiyan lang 'yan naninibago pa eh. Syempre kakamalay niya lang.

Daniel: Dadaan na lang ako diyan.

Ellie: H'wag na uy, mamaya may ginagawa ka pa.

Daniel: May dala akong notes.

Daniel: Dalawang araw mong namiss classes mo. Sayang naman matataas mong scores sa quizzes kung bagsak ka naman sa attendance.

Ellie: I have to stay eh. Ako ang may dahilan kung bakit siya nakaratay dito. Kahit na inis na inis ako sa lalaking 'to, hindi 'yun umaabot sa puntong ginugusto ko siyang mamatay.

Daniel: Sinabi ko na sa'yo na hindi ikaw ang may kasalanan ng nangyari sa kanya. It was his choice, kaya walang may kasalanan. Okay?

Ellie: Alam ko naman 'yun but hindi lang maalis sa isip ko na kung sana natulungan ko siya. . . kung nakumbinsi ko sana siya eh 'di sana hindi siya naghihirap ngayon.

Daniel: H'wag mo ng isipin 'yan okay? Papunta na ako diyan. Sabay nating babantayan si Jihoon.

Ellie: Okay then.

❝room 101❞ ➤ park jihoon {✔}Where stories live. Discover now