72.

547 33 0
                                    

INCOMING CALL
BAE JINYOUNG

ACCEPT | DECLINE | IGNORE

Call connecting. . .

CALL CONNECTED

"Noona, ano daw po sabi?"

"So alam mo din pala na nagbubulakbol si Jihoon. Pero what did you do?"

"Po?"

"Bakit hindi ka man lang gumawa ng paraan para mapatigil siya sa pag-iinom niya?"

"Huh?"

"Jinyoung, kaibigan mo si Jihoon. You care for him right? Bakit hindi mo siya tinulungan?"

"Wait lang po, noona. . .ano daw po ba sabi?"

"Isa ang pag-iinom niya sa dahilan kung bakit siya nahimatay at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising. Chances are baka gising siya ngayon pero hindi niya lang kayang idilat ang mga mata niya. If icocompare sa percents, ten percent lang ang gising sa diwa niya dahil sa sobrang pagod niya."

"Noona. . ."

"Now tell me, bakit hindi mo siya tinulungan?"

"Noona, I did my best po."

"Best? So ayan. . . eto siya ngayon."

"Ellie noona, hindi mo po alam kung gaano kagrabe ang pangangaral ko sa kaniya at namin dahil lang sa pag-iinom niya at sa pagka-cutting. Lahat kami pinagsasabihan siya, dahil ayaw naming mawala siya sa first rank. Alam mo 'yan noona, kapag ikaw ang rank one, ikaw ang leader. Ikaw ang presidente."

". . ."

"And hyung is a good leader to us. Kahit na hindi siya ang pinakamatanda sa buong school, masaya ang lahat sa pamamahala niya. Tapos tinutulungan pa siya ni Daniel hyung dati, it was really good. Pero nung nawala si Daniel hyung, nawala din si Jihoon hyung, sino na ang namamahala sa amin ngayon?"

". . ."

"Isang walang kwentang presidente, noona."

". . ."

"Hindi lang sa dahil sa leadership niya kaya namin siya tinutulungan, dahil din sa kaibigan namin siya. We are his friends so we're going to help him. Hindi naman po ibig sabihin na kapag hindi niya nagawang makinig sa amin ay nagkulang na agad kami sa pangangaral sa kaniya."

". . ."

"Sorry po noona. Pero I really did my best po as his friend. Sana po ma-appreciate mo nalang 'yun."

"Sorry, Jinyoung."

"Okay lang po. Pagdasal nalang po natin na sana gumising na siya."

"Thank you and sorry ulit. Nadala lang talaga ako sa feelings ko lalo na at nasa ganito pang kalagayan si Jihoon. I'm really sorry."

"Noona, do him a favor."

"Ano?"

"Once na gumising siya, sagutin mo na siya."

". . ."

"Sige po aalis na po ako, may klase pa din ako. Thank you noona."

CALL DISCONNECTED

❝room 101❞ ➤ park jihoon {✔}Where stories live. Discover now