6 • falling petals

888 43 12
                                    

6 | FALLING PETALS

HER world completely flipped. Her ups became her down, and her downs became her up. 'Yung mga inakala niyang magpapasaya sa kaniya, 'yun pala ang naging sanhi ng kalungkutan niya. For example, Jihoon.

She never really expected na magiging malaki ang parte ng buhay niya si Jihoon. Since maalala niya si Jihoon, her feelings started to fill in. Lahat ng mga naramdaman niyang inis at kilig nung una silang magkakilala, para bang bigla na lamang nagsibalikan. She was too confused and kahit ang sarili niya, ay hindi alam ang tunay niyang nararamdaman.

Walking through the hallways, nadadaanan niya lahat ng mga pasyente at bumibisita. The aura of the place seemed light where in fact, it was really dark. If not grieving, people are emotionless. Giving up and holding on? In between. Wala na nga yata silang balak lumaban pa. But not all because there is Jihoon.

Si Jihoon na walang kaalam-alam. Si Jihoon na walang alam sa nangyayari. Si Jihoon na walang alam na may sakit siya. Si Jihoon na hindi alam na may posibilidad na magkataning ang buhay niya.

Habang naglalakad si Ellie, hindi niya maiwasang sundan ng tingin ang mga nakikita niyang katawan na nakahiga sa stretcher at dinadala sa kung saan-saan. Mga hindi makalakad o nanghihina at nakasakay sa wheelchair. O kaya naman ang mga pamilya na sabay-sabay na aalis at masaya na dahil nadischarge na.

Nang makarating siya sa may counter, she didn't even care kung may nauna sa kaniyang pumila. She insisted na sobrang kailangang-kailangan niya dahil saglit lang naman siya at may itatanong lang.

"Miss? Saan ang room ni Park Jihoon?" Tanong niya sa babaeng nakaputi, obviously, a nurse or a worker. Her aura is a bitchy one but she didn't care. Kahit na magmukha siyang mataray o makahanap siya ng away dahil sa itsura niya, wala na siyang pakialam. She's too focused on one person, "Miss. . . saan sabe ang room ni Park Jihoon?"

"Sandali lang Miss ha? Meron pa kasing nauna sa'yo. Might as well pumila ka nalang sa likod niya," Turo ng nurse sa isang babae na halos nasa likuran niya lang at hindi pa ganoong malayo, "And wait. H'wag kasing singit."

She didn't move an inch. Kahit na ang sama na ng tingin sa kaniya ng mga nasa likuran niya, hindi siya gumalaw. She have to know his room number. Kailangan niyang puntahan si Jihoon. Kailangan niyang makita si Jihoon. Kailangan niyang malaman kung okay lang si Jihoon.

"Miss, sinasabi ko na sa'yo. I have to know-" Naputol siya sa pagsasalita nang biglang may dumating. She thought magagalit lalo 'yung nurse but the nurse looked flushed. Namumula ito at para bang nakakita ng isang anghel.

"Sorry miss ah? Emergency kasi." Lumingon si Ellie sa nagsalita at nakita niya si Jinyoung at si Daehwi na magkasama. If it's a normal atmosphere and a normal moment, aasarin niya na panigurado ang kaibigan niya. Pero knowing na hindi dapat siya nagpapakasaya ngayon, she held herself. Masaya siya para kay Daehwi, but Jihoon's condition is not something she should be happy for, "Tara noona."

Hinila niya si Ellie at kahit hindi niya alam kung saan pupunta ay nagpadala na lamang siya. She trusts Jinyoung, because he is Jihoon's friend. Malamang sa malamang, doon siya dadalhin sa kwarto ni Jihoon.

Tumigil sila sa harapan ng isang puting pintuan. The door was different from others. It's not the design or something but it was the aura and the feel. It was different because it is Jihoon's. She looked up at the room number and she read Room 101.

Pagkapasok niya ay unang bumungad sa kaniya ay ang liwanag na nanggagaling sa bintana. It seemed like sinusundo na siya, or not her. Using her eyes, hinanap niya agad kung nasaan nakahiga si Jihoon. And there he was, shining in her eyes. The guy looked older and the folds at the corner of her eyes increased. Within a short timespan, para bang tumanda ng agad si Jihoon. Sa tagal nitong nakahiga at natutulog, para itong nawalan ng buhay. His lips and his skin were obviously pale. Para bang tinakasan na ito ng kaluluwa at hindi na humihinga pa. But luckily, he still is.

❝room 101❞ ➤ park jihoon {✔}Where stories live. Discover now