3 • goodbyes and whys

1K 51 26
                                    

3 | GOODBYES AND WHYS

ELLIE woke up with a heavy head. Umiikot na ang lahat ng nakikita ni Ellie nang magising siya. It was probably because of too much crying and sneezing. Sa sobrang pag-iyak niya ay bahing na rin siya ng bahing. Good thing, there's a Jihoon inside her room, helping her.

Then it hit her.

Nasa iisang kwarto lang sila ni Jihoon!

Yes, sa sofa natulog si Jihoon but they're still in the same room. Lalo na at magkasama lang naman ang sofas at higaan sa dormitory nila. CR at ang kitchen lang naman ang nakahiwalay.

Ellie hurried to the CR to check her appearance. Messy hair, dead inside, morning stars, and. . . dried salivas. She quickly washed her face. Sinuklay niya na rin ang buhok niya gamit ang mga daliri niya since combs and brushes are nowhere to be found. Para bang nagtago sa kaniya ang mga ito dahil alam niyang kailangang kailangan sila ng dalaga. Nagsipilyo na rin siya dahil ayaw niya ring mapahiya sa bisita niya.

"Morning Elle." Ellie felt her heart jumped due to shock. Hinimas-himas niya pa ang kaniyang dibdib para makahinga ng maluwag. She looked at her reflection, and she saw Jihoon standing next to the door. With his messy hair as well. But. . .Why does it look good on him?

"Hmm. Good morning." Nagpatuloy siya sa pagt-toothbrush nang hindi tumitingin sa salamin since alam niyang nakatayo lang sa likuran niya si Jihoon. But why isn't he leaving? "Kakagising mo lang ba?"

"Nah." Ellie imagined dropping a bomb in front of her and letting it explode because of what she heard. Does this mean. . . "Kanina pa nga kita tinititigan." The guy in front of him chuckled as if it was nothing.

"W-what?"

"Yeah, your appearance was really amusing. Nagtataka nga ako bakit hindi napapasukan ng langaw 'yung bibig mo." Natawa ulit ang binata. So this means, nakanganga siya matulog?

"W-wala kang pake! That's my sleeping habit! Ang matulog ng nakanganga. Kaya h'wag kang mangialam!" Pinunasan ni Ellie ang kaniyang mukha upang patuyuin ito at saka masamang tinitigan si Jihoon

"So your sleeping habit includes drooling. . ." Ellie was never this embarrassed in her whole life, but her mood suddenly switched when Jihoon spoke, "Drooling for me? Nice. I like it."

Naiwan si Ellie na nakanganga habang pinapanood ang pag-labas ni Jihoon. She's not sleeping but nakanganga na naman siya. Well, maybe it's not just a sleeping habit.

Nang matapos siya ay hindi agad siya lumabas. She waited for a few more minutes, hoping that Jihoon would leave her room. She just stared at her reflection kaya't agad siyang napangiwi. Her morning appearance is not something people will really like. Kahit na inayos niya ng kaunti ang buhok niya ay halatang-halata pa rin na bago siyang gising. Luckily, she always wear hair ties on her wrist. Pinusod niya na lamang ito para mas malinis tingnan.

Nakarinig siya ng ingay mula sa labas, so she decided to take a peek. She didn't open the door completely, but it was enough to see what was going on outside. Nakita niyang sa sofa na nakahiga si Jihoon at nanonood ng TV. Ellie didn't know if she's supposed to feel annoyed or happy. Annoyed because masyado siyang feel at home? Or happy kasi hindi pa rin siya umaalis?

❝room 101❞ ➤ park jihoon {✔}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon