PERFORMANCE

900 36 24
                                    

So ayun may binago at dinagdag lang ako ng konti. Hehe
Pengeng bebe. Charot HAHAHA 😂

-Bear lang walang Ice na kyut 😂

----

÷ SEULGI ÷

Performance. Performance ang dahilan kung bakit ko siya nakilala, performance ang dahilan bakit nahulog ako sa kanya, performance ang dahilan kaya maging kami. Pero ang di ko inaasahan, performance din pala ang dahilan kung bakit kami nagkaaway, nagkalayo.

flashback...

"Baby, handa ka na ba?" Sigaw ng girlfriend ko galing sa baba. Taeng malagkit ang ganda talaga ng boses ng girlfriend ko.

"Malapit na baby!" sagot ko at mas binilisan ang pag aayos ko.

"Male-late na tayo, kaya bilisan mo!" Muli niyang sigaw tae talaga 'bat ang tagal ko kasing magising?.

"Andito na~" sabi ko at magmamadaling lumabas na ng kwarto at bumaba sa hagdan..

"Tagal mo!" sabi niya at umalis na kami para pumunta sa isang dance battle. Kinakabahan na ako taeng malagkit.

◆◆◆

"And now presenting, SR23!"

"KYAAAAAH"

"SEULRENE!"

"SEULGI!"

"IRENE!"

"POWER!"

"KYAAAAK"

"SR23!!'"

Habang nag pe-perform kami ni irene ay patuloy naman sa pag sisigawan ang mga fans namin.

"KANG SEULGI!"

"BAE JOOHYUN!"

"SR23!"

Patuloy lang sa pag sigaw ang mga fans namin hanggang matapos ang performance namin feeling ko mapapaos na sila sa kakasigaw.

"Hyunnie baby, ang galing mo." bulong ko sa kanya nang matapos na ang performance namin.

"Yah!" inis niyang sabi at binatukan ako kaya napatawa ako. Cute.

"Okay, baby baechu." sabi ko at hinalikan siya sa pisngi dahilan para magkagulo ang mga fans namin.

"Yah!" sabi niya ulit na parang nagbabanta. Lagot baka di ako makakain maya.

"What?" inosente kong tanong at ngumiti ng nakakaloko.

Sasapakin pa niya sana ako nang mag salita na ang Host.

"And our PCY Dance Battle champion is..."

Nagkatinginan kami ni irene sabay nang paghawak ng kamay namin.

"SR23!" sabi ng host at nagsigawan na ang mga fans namin.

Di na kami nasorpresa ni irene dahil pang labing-limang panalo na namin to. Pero aaminin ko ansarap sa feeling at ang saya saya ko ngayon. Lalo na at kasama ko ang naechu ng buhay ko. Hehe.

"Congrats, baechu." sabi ko kay irene at nagyakapan kaming dalawa.

"PUTA ANG LANDI NIYO!!" Sigaw naman ni wendy saamin kaya napatawa nalang kami.

◆◆◆

Naglalakad na kami ni irene palabas ng mall na magkahawak ang kamay. Tae kinikilig ako hehe.

Mukha na akong tanga kakangiti dito nang may tumawag kay Irene. Tae manliligaw na naman? Dami kong kaagaw ha? Por yor inpornation girlfriend niya ako GIRLFRIEND!

"Bae Joohyun!" Tawag ng lalaki kaya napalingon kami.

"Bae Joohyun, pwede ka ba namin makausap? Park Bogum from PBG Entertainment." Sabi ng lalaki at nagkatinginan kami ni irene.

Like What the heck PBG Entertainment? Isa sa mga sikat na Entertainment sa korea. Nako mga bess malaking sweldo to makakabili na ako ng pang one year supply ng pringles!

"Uhmm di lang ako nag iisa. Meet seulgi, my partner. You can call us Seulrene or SR23." Sabi ni irene at ngumiti.

Teka alam niyo ba? Oo di niyo alam tae kayo alam kong yan isasagot niyo!

Pero seryoso alam niyo ba kung bakit SR23 Pangalan namin? Hehe ganito kasi yan. Eggsplayn ko sa inyo. S stands for Seulgi at ang R naman ay galing sa pangalan ni Irene tapos ang 23 ay monthsary namin hehe. Sweet namin ano?

Wag kayong bitter wala lang kayong bebe.

"Sorry pero ikaw lang ang inimbitahan." Sabi ng lalaki kaya malungkot na napatingin sa akin si irene.

"Seul," sabi saakin ni irene at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Tae ang lambot ng kamay niya naglalaba ba talaga siya?

"Baechu, okay lang ako. Sayang ang opportunity oh." Sabi ko sabay titig sa mata niya. "Pangako susunod ako sayo. Sabay tayong sisikat." Dagdag ko at ngumiti.

Napahinga naman siya nang malalim at binitawan ang kamay ko...













At kasabay na dun ang pag bitaw niya sa puso ko at sa relasyon namin.

Performance : SeulreneWhere stories live. Discover now