8

560 28 6
                                    

IRENE

Ang ganda mo parin

Ang ganda mo parin

Ang ganda mo parin

Ang ganda mo parin

Jusko mababaliw na ata ako kakaisip tungkol kanina. Kainis kasi ng oso na yun eh. Nakakaloka. Pakiligin ba naman ako.

Teka pakiligin? No hindi! Hindi dapat ako kinikilig!

"Unnie, tubig oh" sabi ni seulgi sabay bigay ng tubig agad naman akong napatingin sa pawisan niyang mukha. Bwiset ang hot niya.

Tae irene tumigil ka!

"T-thank you." Sabi ko at awkward na ngumiti.

"Wala yun hehe" sabi niya at napakamot sa batok niya. Cute.

IRENE TUMIGIL KA!

"Unnie," tawag niya saakin kaya napatingin naman ako sa kanya.

"Yes?"

"P-pwede ka ba this w-week end?" Sabi niya at nakita ko naman siyang namula.

Teka inaaya niya ba ako na makipag date sa kanya? Tae bat yun agad iniisip ko?!

"B-bakit?" Oh gosh bat ako nauutal?

"Uhh..ehh may sasabihin sana ako." Sagot niya at napaiwas ng tingin.

"Ba't di mo nalang sabihin ngayon?" Tanong ko at kinunutan ko naman siya ng noo.

"Ehh ano kasi eh ano uhh nah---"

"Sige." Putol ko sa kanya.

"Huh?"

"Saturday. 3 pm sunduin mo ako sa bahay." Sabi ko at tumayo na.

"Uhh, unnie?" Napalingon naman ako with flip hair pa. Oha! Mamangha siya sa kagandahan ko. Magsisi siya na iniwan niya ako!

"Bakit?" Tanong ko at nginitian siya ng napakatamis.

"Nasa iisang bahay lang tayo diba?" Sabi niya at ramdam ko naman na uminit ang mukha ko.

Irene ang feeling mo rin ano? Mag papasundo kapa eh nasa iisang bahay lang pala kayo.

"Tanga ko talaga" mahina kong sabi.

"May sinabi ka unnie?" Tanong niya.

Kainis ka naman joohyun oh! Ano bang nangyayari sayo?

"Sabi ko ang ganda ko" shoot anong klaseng palusot yan, irene?

"Maganda ka naman talaga" sabi niya at ngumiti. Agad naman akong namula at narinig ko siyang napatawa.

Bwisit ka seulgi. Ba't mo to ginagawa?

"Kinikilig ka unnie?" Tanong niya at nakita ko namang napangiti siya ng nakakaloko.

Papatayin talaga kitang oso ka!!!

----------------.--.-----------

Walang purneber!!

-Azure Blue

Performance : SeulreneNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ