1

791 29 81
                                    

÷ SEULGI ÷

11 MONTHS LATER...

"KANG! SAN KANA? LATE NA TAYO!" Sigaw ng manager slash bestfriend kong si yeri. Tae sa susunod CEO na yan ng agency ko wag kayo sa kiki ko. Haha

"Comming~" sabi ko at magmamadaling bumaba na mula sa kwarto ko. Tae late na naman ako.

"Tagal mo" sabi niya kaya napatigil ako. Tsk. Naaalala ko na naman si irene.

"Oh ano tutunganga ka pa? Late na tayo Urur." Sabi niya at lumabas na.

◆◆◆

"Kang, maya may meeting tayo with CEO Kim pagkatapos mo sa MNet" sabi ni yeri.

"Tungkol saan?"

"Malay ko? FYI, di kami close no!" Mataray niyang sagot at nag cellphone. 

"Uy diba si Irene yun?" Sabi ng isa sa mga staff kaya napalingon ako.

Nakita kong nag lalakad si irene kasama si bogum. Nakalimutan ko pala na sila ang emcee ngayon. Unfairness bagay sila ha.

Gusto ko lang na malaman niyo na di ako bitter sa kanilang dalawa. Oo mahal ko si irene pero di naman habangbuhay eh aasa ako na magkakabalikan kami. Sabi nga nila letting go is less painful than holdin on. Kaya mga beks move on move on din ha? Lalo na sa author na nagsusulat nito.

A/N: Gago! Nandamay pa!

Masakit man tignan na ang taong mahal mo ay masaya sa iba ay tatangapin mo nalang. 11 months na ang nakalipas nung naghiwalay kami ni irene.

Dinaanan lang ako ni irene na parang hangin kaya bumalik nalang ako sa dressing room. Baka maiyak pa ako. Sayang ang make up. Mabugbog pa ako ni pyutyur CEO Kiki maylabs ko hehe joke lang kay joy na yun kahit mukha yung kapre.

◆◆◆

"Seulgi, ikaw na ang susunod." Sabi ng isa sa mga staff.

"Sige susunod na lang ako." Sagot ko at tumango naman ang staff at umalis na. Kinakabahan ako di lang dahil mag peperform ako kundi dahil kay irene. Tae nanginginig na naman pwet ko!

"Ready kana, kang?" Tanong ni yeri at agad naman akong tumango at lumabas na sa dressing room.

◆◆◆

"So seulgi, kamusta ang bakasyon mo sa thailand?" Tanong ni bogum.

"Okay naman. Masaya at na enjoy ako" sagot ko at ngumiti.

"So, about sa bago mong Music Video ngayon ay wala pang 24 hours ay naka 23 million views kana. Anong masasabi mo sa mga fans mo?" Tanong ni irene dahilan para mapa titig ako sa kanya.

"10 months na" mahina kong sagot.

"10 months?" Pag cla- clarify ni bogum dahilan para bumalik ako sa katinuan.

"I mean 10 months na akong sumisikat at malaki ang pasasalamat ko sa mga fans, staff, kaibigan at kay CEO Kim. Dahil kung wala sila ay wala din ako sa harap niyo ngayon." Sabi ko at muling napatingin kay irene.

"So 10 months ago ay kilala kana ng karamihan dahil sa collaboration niyo ni irene. Anong masasabi mo kay irene." Tanong ni bogum at nakita ko namang napatingin si irene sa script niya.

"Gusto ko ring magpasalamat kay irene dahil kung hindi din dahil sa kanya ay di ako sisikat." Sabi ko habang nakatitig parin sa kanya.

"At ngayon oras na para masaksihan ang bagong kanta ni seulgi." Sabi ni irene kaya napatingin ako sa kanya. Ang ganda niya parin kahit anong angle. Hustisya naman oh!

Sad to think how people linger on memories of their past.
Remembering the times when happines was easily found.
We drifted apart.

Napatigin naman ako kay irene at bogum na masayang nagtatawanan. Naalala ko ma ganyan din kami noon

When the sun set the love we had has come and gone
now I feel alone.
I acted like it wasn't a very big deal
w

hen really it was breaking my heart.


Di niya lang pinagtuonan ng pansin ang kanta ko ang totoo para sa kanya to eh. Mahal ko pa kasi siya.

I'm just sad because I really like you
more than I've liked anyone in a long time.
Feeling of finding out you mean nothing
to the person who means everything to you.

Miss na miss ko na siya. Ang tawa niya ang mga mata niya ang mga kamay niyang palaging nakahawak sa kamay ko noon miss ko na ang lahat ng memories namin. Miss na miss ko na yung dating kami.

When I have you by my side suddenly this world seems so right.
I'll always love you, even if it hurts me a lot.
Here comes the feelings I thought I forgotten, here comes the pain that once left me broken.

Natapos na ang kanta at muli akong napatingin kay irene. Nakamgiti siya saakin at mukhang proud na proud. Di parin siya nagbago. Ang ngiti, tawa at ganda niya ay ganun padin. Sana lang pati feelings niya di nagbago pero wala na eh. Nag bago na ang feelings niya, iba na ang mahal niya. Di na ako.

"Seulgi!" Tawag ni joy saakin nang maka baba na ako ng stage.

"Oh joy, kamusta?" Tanong ko at nakipag beso beso sa kanya.

"Okay lang buhay at dyosa parin" sagot niya kaya napangiwi ako. bigla atang lumakas ang hangin. Sige mauna muna ako kakausapin ko pa si irene tungkol sa schedule niya eh" sabi niya.

"Wag ka munang mauna mahirap na baka mahirapan pa si irene maghanap ng manager." Sabi ko at tumawa. Okay korne ng joke ko. RIP sa di naka gets haha.

Hinanap ko na si yeri at nang makita ko siya ay agad ko siyang nilapitan.

"Yeri, anong sunod kong sche-- Jungkook!?" Gulat kong tanong nang mapansin kong si jungkook ang kausap ni yeri.

"Ne, noona. Alis muna ako." Sabi niya at nag wave saamin at umalis na.

"Whoa! Close kayo!?" Mangha kong tanong sa kanya.

"Ang panget mong mamangha para kang unggoy." Sabi niya. "Btw, ang next schedule natin ay meeting with CEO Kiki Kim." Paalala niya. "Tara." Sabi niya at lumabas na kami ng building.

"Yah! Seryoso close kayo ng ilong na yun!?" Pangugulit ko at sinamaan niya ako ng tingin. Heh alam ko namang loyal siya sa Joyie mahlabsosweet niya.

"Nah! Friends lang kami" sabi niya at tumango nalang ako kahit di ako naniniwala. Nakakapagod din kasing makipagtalo sa kanya. Di naman sa sinasabi kong two timer si yeri sa totoo nga eh wala pa yang jowa kakaintay kay joy. Ito namang si jungkook ewan ko kung anong connection nila at parang ang close close nila?

Naglalakad na kami papunta sa sasakyan nang makasalubong namin sila irene.

----
So ayun nga may binago at dinagdag ako pero ganun parin naman ang takbo ng story hehe.

-Bear lang walang Ice na kyut 😂

Performance : SeulreneWhere stories live. Discover now