3

613 29 8
                                    

÷ SEULGI ÷

"WHAT!?" Sabay naming sigaw ni irene.

"Bakit may problema ba?" Tanong ni CEO Kim at nakangiti ng nakakaloko. Jusko alam ko na talaga kung saan nag mana si yeri.

"W-wala po" sabi ko at nakita ko namang napailing si irene. May problema ba saakin?

"No choice." Sabi niya kaya napalingon kami sa kanya. Kalmado lang siya at masasabi kong wala kang mababasa sa kanya. Di mo alam kung ano ang iniisip niya.

"Bakit? Diba partners naman kayo dati?" Tanong ni yeri

"That was 11 months ago" sabi ni irene at napairap pa. Ay langya sino ba siya para irapan pang si yeri? Tae siya kaibigan namin yan tapos gaganyanin niya lang dahil lang sa kung anong meron saamin noon?

"Okay lang naman kung matutuloy o hindi ang collaboration namin." Kalmado kong sabi. "Tutal anjan din naman si moonbyul" sabi ko at nginitiwn si irene.

"NO! I NEED IT FOR MY POPULARITY!" Sigaw ni wendy kaya napapikit ako sa lakas ng boses niya. Ibang klase din tong olaf na to ah

"Then pwede naman tayong dalawa nalang ang mag co-collab" sabi ko at tumango naman si CEO Kim.

"Itutuloy natin" sabi ni irene at tumayo. "Excuse me I need to go." Sabi niya at unalis na.

Wow walk out ang peg?

◆◆◆

"Okay lang ba talaga sayo ang offer na yun?" Tanong ni yeri. Di ko na mabilang kung pang ilang tanong niya na yun.

"Oo naman. Bakit?" at di ko na din mabilang kung pang ilang ulit ko ma siyang sinagot.

"Kahit na makasama mo ang EX mo?" Sabi niya at halatang nagdadalawang isip kung sasabihin niya o hindi.

"Sabi niya nga "that was 11 months ago"" sabi ko at ginaya ang tono ng boses niya kaya napatawa siya.

"Edi waw!" Sabi niya at napailing. "Oh siya magpahinga ka na at may meeting pa tayo bukas" sabi ni yeri kaya napangiti ako. Kahit na mala demonyo ugali niya pamin eh mabait naman siya paminsan eh. Di ko nga alam bakit di yun napapansin ni joy.

"Good night, yerimie" sabi ko at pumasok na siya sa kwarto niya. Paakyat na sana ako papunta sa kwarto ko nang mag vibrate ang phone ko. Unregistered number pero sinagot ko.

Wala trip ko lang bored ako eh.

"Hello?"

"Ako to si Irene. Save my number." Cold niyang sabi.

"O-okay?"

"Bye" sabi niya at binabaan ako.

Agad ko namang sinave ang number niya. Paano niya kaya nakuha ang number ko?

◆◆◆

6 DAYS LATER...

Andito ako ngayon sa recording station ng SM entertainment kasama sila irene at wendy para sa collaboration namin.

Kasalukuyan kaming nag aantay sa lobby habang hinihintay ang ibang staff na matapos sa pag aayos ng mga gamit. Nag lalaro lang ako ng mobile legends nang magsalita si wendy dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Unnie, may boyfriend ka na ba?" Tanong ni wendy.

Nakita ko namang napatingin saakin si irene dahilan para magkatitigan kami. Pero agad ko naman akong umiwas ng tingin at nag patuloy sa pag lalaro ng mobile legends. Baka matalo pa ako sayang naman.

"Wala" rinig kong sagot niya. Di ko maiwasang mapangiti. So, wala palang relasyon si irene at si bogum? So may pag asa pa ako? Haha

"Eh manliligaw?" Tanong ulit ni wendy at siniko ako dahilan para mahulog ang phone ko at mapa mura ako.

"Shit!" Sigaw ko at napatingin naman ng masama saakin si irene. Nakalimutan ko. Ayaw niya pala sa mga taong nagmumura pero siya mismo mahilig mag mura. Tsk tsk

"Wag kang mag mura." Sabi niya at agad naman ako nakaramdam ng kaba at takot. Tae under parin ako kahit walang kami kagg lang?

"Sorry" sabi ko at inirapan niya naman ako. Nako pasalamat siya at mahal ko siya kung hindi baka wala na siyang !ata ngayon. Pero syempre joke lang good gurl kaya ako.

"Oh ano may manliligaw ka?" Pangungulit ulit ni wendy kaya napatingin ako sa kanya.

"Meron" sagot niya at nakita ko namang napatingin siya sa akin. "Si bogum" dagdag niya at umiwas ng tingin.

"Sasagutin mo ba?" Tanong na naman ni wendy. Kahit kailan talaga tanong ng tanong tong hamster na to mukha na siyang reporter sa ginagawa niya eh. Di niya ba na fe-feel na masyado nang awkward? O ako lang yun?

"S-siguro?" Di niya siguradong sagot kaya napakunot ang noo ko

Bakit naman? Wala ba siyang nararamdaman para kay bogum?

"Bakit?" Tanong na naman ni wendy.

"Kasi---" di na natuloy ang sasabihin niya nang tawagin na kami ng staff. "Sasabihin ko nalang sa susunod kung bakit" sabi niya at puminta na kami sa staff.


Ano kaya ang dahilan niya?

---

Is it love? If there ain't nobody but you in my head?

Performance : SeulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon