4

578 27 12
                                    

SEULGI

"Bye Seulrene" pag papaalam ni wendy at ngumiti ng nakakaloko. Balak ata akong asarin ng olaf na to.

Agad ko naman siya tinignan ng masama. Manhid ba siya? Di niya ba nararamdaman na masyado nang awkward? Aish! Tinawanan niya lang ako at umalis na, habang kami naman ni irene ay naghihintay sa lobby, naghihintay sa manager namin.

Naka upo lang kami sa iisang couch pero napakalaki ng space namin sa gitna.

Awkward


Naglaro nalang ako ng Mobile legends nang may tumawag saakin kaya agad kaming napatingin ni irene.

"Krystal?" Sabi ko nang makita ko si krystal. Ghad ang ganda niya parin hanggang ngayon.

"Seulgom, kamusta na?" Sabi niya at nakipag beso beso.

"Okay lang. Long time no see." Sabi ko at umupo naman siya sa gitna namin ni irene. "Lalo kang pumanget ah?" Biro ko kaya agad niya akong binatukan.

"Sus nagagandahan ka lang saakin eh! Baliw na baliw ka nga saakin dati eh!" Sabi niya at kinurot ang pisngi ko. Sakit ha?

"Heh! Tigil tigilan mo na mga ang pag aasume kaya ka nasasaktan eh!" Sabi ko at binatukan niya na naman ako. Nakakailan na siya ha?

"Ano nga palang ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"May recording kasi ako." Sagot ko.

"Bagong kanta mo na naman? Diba kaka comeback mo lang? Agad agad?" Tanong niya at napailing naman ako.

"No. May ka collaboration ako" sagot ko at napatingin kay irene. Agad namang nanlaki ang mata niya. Mukha siyang ewan haha.

"OMG! NAGKABALI---" di ko na pinatapos si krystal at tinakpan ang bibig niya. Taeng babae to isigaw ba naman.

"Kung ano man ang iniisip mo, nagkakamali ka" sabi ko't tinanggal ang kamay ko sa bibig niya at pinahid sa damit niya. Yak kadiri ng laway niya.

"Ooohhh" sabi niya. "Sige aalis na ako. Bye." Dagdag niya at kinindatan ako. Aba at ano na man ang kalokohang pumasok sa kukote niya? "Bye Irene" sabi niya at umalis na.

Tumayo nalang ako at pupuntahan na sana si yeri nang magsalita si irene dahilan para magsitayuan ang mga balahibo ko.

"San ka pupunta?" Kalmado niyang tanong pero yung mukha niya nakakatakot.

"Kay yeri" sagot ko at aalis na sana nang muli siyang magsalita. Aish tong banaitang to.

"Sit and talk to me"

"H-huh?"

"Bingi ka ba o di ka lang nakakaintindi ng english? Sabi ko umupo ka at kausapin mo ako" sabi niya ang harsh niya ah? Siya na may ganang mang utos tapos aawayin pa ako? Hmp. Uupo na sana ako nang may tumawag kay irene kaya napalingon kami.

Teka bat ba ang daming tumatawag saamin ngayon?


Si bogum pala.

Agad namang lumapit si irene sa kanya at niyakap siya. "Noona, you look tired. Gusto mo hatid na kita? Ako nang bahala kay papa." Sabi niya naman habang hinahawakan ni bogum ang kamay ni irene. Psh landede


"Uhhm irene, tutal may kasama ka na. Aalis muna ako. Pupuntahan ko lang si ye--" Agad namang naputol ang sasabihin ko ng sumigaw siya.

"NO!"

--------

Would you hold my hand?

Performance : SeulreneWhere stories live. Discover now