9

608 22 5
                                    

SEULGI

Stupid!

Stupid!

Stupid!

Anak ng oso naman oh! Ano bang pumasok sa utak ko at nagawa ko yun?

Teka may utak pa pala ako?

Pero Stupid ba't ko ba yun ginawa!? Wala tuloy akong maiharap na mukha kay unnie.

Gaya nalang ngayon magkaharap kami.

Nakatingin ako ngayon sa mga kamay namin ni irene unnie. Andito kasi kami para sa photoshoot para sa album namin. shoot kung di lang sana kami nagkahiwalay noon di siguro kami awkward ngayon baka nga kiligin pa ako dito eh.

"Oh seulgi, Irene, ayusin niyo ah? Be natural. Ngitinan niyo ang isa't isa na para kayong lovers" sabi ng photographer at kinindatan ako at agad ko naman siyang sinamaan ng tingin. May girlfriend na kumikindat kindat pa kung dukutin ko kaya mata niya?

Pero teka ano daw? Lovers?

Langya ka lisa bugbog sarado ka talaga saakin maya!

Binalik ko naman ang tingin ko kay irene unnoe at nakita ko namang namula si unnie kaya napangiti ako. "Unnie, ba't namumula ka?" Shoot ba't ko siya tinanong ng ganyan!? At bakit kinikilig ako?

Bawal to bawal!

"Ah...eh...ano...ang init eh. Hehe" sagot niya at tumawa ng mahina at halatang nahihiya.

Ang cute niyang tignan.

"OKAY! GOOD! SIGE NGITI PA!" Sabi ulit ng photographer na si lisa

Siguraduhin niya lang na bibigyan niya ako ng soft copies niyan kundi isusumbong ko siya kay jisoo.

---

"Unnie, wala daw tayong sched bukas" sabi ko kay irene at nginitian siya. Mukhang napagod siya ah?

"Ah nasabihan na ako ni joy. Pero salamat sa pag sabi." sagot niya at nginitian naman ako pabalik. Shet ang ganda niya.

"M-may pupuntahan ka ba b-bukas?" Tanong ko at napakamot sa batok ko. Aayain sana kitang makipag date.

"Yup. Ininvite kasi ako ni bogum. Ikaw ba may pupuntahan ka?" Sagot niya.

At bigla naman ako nakaramdam ng lungkot. Nga naman anong laban ko sa bogum na yun? May bayag siya ako wala.

"Ah di ko pa alam eh hehe" sagot ko at tatalikod na sana para umalis ng magsalita siya.

"Gusto mong sumama?" Tanong niya kaya napaharap ako sa kanya.

May part saakin na gusto kong sumama na hindi. Alam kong masasaktan lang ako pero gusto ko ding bantayan si irene. Wait? Bantayan? Ugh ano ba tong pinag iisip ko.

"Uh seulgi?" Sabi ni irene kaya nabalik ako sa reality. Sa reality kung saan di niya na ako mahal. Awtsu.

"Uh unnie, may date pala ako bukas" bigla kong sabi na ikinagulat naming dalawa.

Anak ng tokwa. Seulgi naman eh!!

"Ah ganun ba. Sige maghahanda muna ako ng makakain natin." Sabi niya at umalis na.

"Ah seulgi!" Tawag niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Nae?"

"Ingat ka bukas" sabi niya at umalis na.

Tangina seulgi ang tanga mo.

---------------

and I know I was happier with you

-Azure Blue

Performance : SeulreneWhere stories live. Discover now