11

662 34 36
                                    

SEULGI

Magkaharap kami ngayon ni irene habang kumakain. Napansin ko naman na parati siyang napapatingin saakin habang ako naman ay di makatingin sa kanya ng diretso. Kainis naman kasi eh! Tsaka san ba si joy at yeri? Akala ko kasama namin sila dito sa bahay eh ilang araw na kaming andito pero di ko pa sila nakitang natulog dito.

"Seulgi, iniiwasan mo ba ako?" Diretsong tanong ni irene at muntik na akong mabulunan. Napaka straight forward niya eh di naman siya straight.

Oo unnie iniiwasan kita. Bakit? Kasi mahal pa kita. Oo mahal parin kita. Kaya mas pinili kong umalis ka, binitawan kita kasi yun nalang yung choice ko. Mahal kita, kaya lumayo ako kasi alam kong dun ka masaya. Pano ko pa ipaglalaban yung isang taong alam kong di naman sakin magiging masaya? Paano ko kakapit sa isang taong sa iba na nakakapit? Pero alam mo unnie di ako nagsisi na iniwan kita. Bakit ?Kasi masaya kana. Nakasama mo na ang taong makakapagpasaya sayo ang taong bagay sayo ang taong tanggap at gusto ng mga magulang mo. Ang taong katanggap tanggap. Ang taong may bayag.

Teka 'bat nasali ang bayag?

"Uh seulgi? Okay ka lang?" Agad naman akong bumalik sa sarili ko ng tinawag niya ako.

"Uh ano nga ulit tanong mo unnie?" Tanong ko at awkward na tumawa sabay kamot sa ulo ko.

Teka kanina pa ako kumakamot sa ulo ko. May kuto ba ako?

"Sabi ko nagugutom ka pa ba?" Sabi niya at napataas naman ang isang kilay ko at sinabayan siya.

"Oo unnie gutom pa ako!" sabi ko at kumain ulit ng niluto niyang fried rice. Mag iistress eating nalang ako!

"Bawal na tama na! Tataba ka niyan!" Sabi niya naman at umiling iling pa. Ang cute niya talaga.

"Eh unnie, cute naman ako eh. Mahal parin nila ako kahit mataba na ako." Sabi ko at nagpacute sa kanya. Wala eh gusto ko siyang ngumiti. Gusto ko siyang patawanin. Patawanin na ak ang dahilan kahit ngayon lang.

"Kayangamahalkitaeh" mabilis at mahina niyang pagkakasabi kaya di ko naintindihan. Teka ano sabi niya? Mahal kita? Nagiging rapper na naman siya eh alam niyang di ako marunong mag rap hmp.

"P-pardon?" Sabi ko at nakita ko namang namula siya. May nagawa ba ako para ikapula ng mukha niya? Knikilig ba siya? 'Bat napatulala siya?

"UNNIE!!" Bigla kong sigaw ko at nagulat ko naman siya. Wala trip ko lang siyang gulatin hahaha.

"'BAT KA BA NANINIGAW!?"Pagalit niyang sabi. Patay nagalit ko ata si bebe hehe.

"Ay hehe sorry, unnie. Ano ba kasi sinabi mo at napatulala ka?" Tanong ko at nginitian siya. Mukhang wala parin siya sa sarili kaya sumigaw ulit ako.

"UNNIEEEEE 'BAT NAKATULALA KAAAA!?" Sigaw ko sa kanya at inalog alog siya.

"KASI ANG CUTE MO! BWISIT KA NABABALIW NA NAMAN AKO SAYO!" Sigaw niya pabalik kaya binitawan ko siya at napatulala ako habang siya naman ay napafacepalm.

Bigla naman akong napangiti habang nakatingin sa kanya. Sinabihan niya ako ng cute at nababaliw siya saakin.

PUTA KINIKILIG AKOOO! SEND HEEEEELP!

----------------------------------------

We drifted apart 💔

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Performance : SeulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon