5

641 26 4
                                    

SEULGI

"No!" Sigaw saakin ni irene dahilan para magulat kami ni bogum at agad naman akong napaupo dahil sa takot. "I mean wag, busy sila kaya wag mo na silang distorbohin." Kalmado niyang dagdag. O--kay?

"Kung sumama ka nalang kaya saamin? Coffee?" Tanong ni bogum at tumango tango naman si Irene. Nagdadalawang isip pa ako kung sasama ako o hindi nang may tumawag ulit saakin.

"SEULGOM!" napalingon naman kami at nakita ko naman si krystal. "Date tayo!" Sigaw niya dahilan para manlaki ang mata ko. WTH!?

"Oh? Mag de-date din kayo?" Tanong niya kila bogum. "Sabay na tayo. Starbucks?" Dagdag niya at nakangiti pa. Ano na naman kayang balak nito at nakangiti pa ha? Nakakakilabot.

Nakita ko namang tumango ang dalawa.

"Libre ko na" sabi ni bogum at mas lumawak naman ang ngiti ni krystal. Basta libre go na go eh.

"Good!" Sabi ni krystal at umalis na kami.

◆◆◆

At Starbucks... *insert 'Drinking coffee' by BTS*

"So, liniligawan mo si irene?" Tanong ni krystal kay bogum at tumango naman si bogum.

"At ikaw Irene? Sasagutin mo ba siya?" Mapanuksong tanong ni krystal at nginitian lang siya ni irene.

"Yieee~ may pag asa~" sabi ni krystal at lumapad naman ang ngiti ni bogum.

"Ikaw, seul. Ilan na ba ang manliligaw mo?" Tanong ni bogum.

"Ay nako di ko pinapaligawan ang baby ko." Sabi ni krystal at inakbayan ako. Gago to ah?

"Di ko alam na kayo na pala." Mahina at cold na sabi ni irene kaya napatingin kami sa kanya. Nag seselos ba siya?

Ay nako seulgi wag ka nang umasa.

"No! Nagkakamali ka" sabi naman ni krystal at parang nandidiri pa. Kung ingudngud ko kay mukha niya sa cake na kinakain ko?

"Eh anong ibig mong sabihin?" Tanong ni bogum at mukhang naguguluhan.

"Nilalayo ko lang siya sa manliligaw niya kasi alam kong may minamahal na siya." Sabi ni krystal. "Para hindi na siya mahirapan na mang busted." Dagdag niya at tumawa ng mahina.

--

"Uhm guys, kailangan na naming bumalik ni seulgi sa studio" sabi ni irene at tinignan ako.

"Sige, sasamahan na ki--" naputol ang sasabihin ni bogum nang magsalita si krystal.

"Dito nalang muna kami ni bogum. Sarap niya kasing kausap" sabi ni krystal at kumindat saamin. Okay?

"Seul? Pwede mag tanong?" Tanong ni irene habang naglalakad kami pabalik ng studio. Malapit lang naman ang starbucks sa studio kaya naglakad lang kami.

"Nag tatanong ka na nga eh. Hehe" sabi ko at tumawa ng mahina pero seryoso lang ang mukha niya kaya napatigil ako.

"Pwede?"

"Sige ano yun, unnie?"

"Bakit?" Sabi niya at tumigil siya sa paglalakad.

"Huh?"

"I mean bakit mo ako iniwan? Bakit ka nakipag break saakin?" Tanong niya. "Pwede mo bang sabihin kung bakit?" Sabi niya at tinitigan ako sa mata.

Nakipag break ako sayo kasi alam kong di ka na masaya sa akin kasi alam kong nahihirapam kana kasi alam kong di mo ja ako mahal at mahal mo pa siya.

"Not quite up to it. Another time. Sorry" sagot ko at yumuko.

"I understand. Mauna na ako" sabi niya at nauna nang mag lakad.

"Kung alam mo lang irene..." Mahina kong sabi nang makalayo na siya.

--------

No words were said but I feel you loud and clear.

Performance : SeulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon