Two

29.7K 808 10
                                    



Jen...

Nakataas ang mga paa niya habang nasa loob siya ng surveillance van nilang magkakaibigan. Kasalukuyan silang nasa isang subdivision, siya ang naiwan sa loob ng surveillance van nila samantalang ang dalawa niyang kaibigan ay nasa labas at abala sa pagkakabit ng mga gadget nila.

Nakahanap na kasi sila ng bagong biktima na pwede nilang pagnakawan.

"Jen, nakikita mo ba ako?"tanong sa kanya ni Honey.

Nang tingnan niya sa monitor nakita niyang nagsasayaw ang kaibigan niya.

"Ang sagwa mo naman, honey"sagot niyang natatawa.

"Atleast marunong akong magsayaw"nakairap naman na sagot ni Honey na huminto na sa pagsayaw.

"Mahiya ka nga kay Jobie"aniya na tumatawa pa din.

"Huh, manahimik nga kayo."sabad naman ni Jobie sa usapan nilang magkakaibigan.

Binalingan niya ang monitor kung nasaan naman ang kaibigan niyang si Jobie. Nakita niyang busy itong magkabit ng hidden camera nila sa loob ng bahay.

"Hoy bilisan niyo nalang dyan, baka mamaya niyang mapagkamalan kayong magnanakaw na dyan sa tagal niyo"biro niya sa mga ito.

Tumawa naman ang dalawa sa biro niya, nagpanggap ang mga kaibigan niya na katulong on call. Oh di ba bangga nila, katulong on call. Iyan ang isa sa mga disguise nila para legal silang nakakapasok sa loob ng bahay ng mga lolooban nila.

Lahat naman ng pinagnanakawan nila mga government official o kaya naman mga tiwaling mga mamamayan ng pilipinas.

Lahat naman ng nakukuha nila ibinibigay sa mga bahay ampunan na tinutulungan nila, maging sa mga home for the aged nagbibigay sila doon. Bukod kasi sa mga batang kasama nila sa bahay meron din silang sariling bahay ampunan na doon nila inilalagak ang mga naliligtas nilang mga bata sa kalye.

Busy siya sa pagpindot sa mga computer sa loob ng Van, nang biglang tumunog ang cellphone niya. Without looking sinagot niya ang tawag sa kanya, baka kasi sa bahay lang nila at tinatawagan lang siya ng mga bata.

"Hello"sagot niya.

"Is this miss Reyes"ani ng isang boses ng babae.

Napataas naman ang kilay niya ng marinig ang boses na iyon. Kaya napatingin siya sa cellphone niya, unregistered number ang tumatawag sa kanya.

"Yes speaking, who's this?"tanong niya.

"This is Sarah of Jewel Prime Inc. I'm just wanted to inform you that you have to report immediately to the CEO office at Jewel Prime Inc."pag-inform nito sa kanya.

Nanlaki naman ang mata niya, hindi dahil sa nabigla siya sa tawag kundi sa nabigla lang siya pwede naman na nabigla lang siya kahit kunwari lang di ba.

"Thank you ma'am, I'll be there tomorrow po"sagot niya.

"No miss Reyes, when I said immediately as in now."sagot pa sa kanya nito.

Nanlalaki ang mga mata na napatingin siya sa orasan niya, alastres nan g hapon, at pinagre-report siya ngayon sa opisina. Hindi naman excited ang magiging boss niya na makilala siya.

"Yes ma'am"sagot nalang niya bago nawala ang kausap sa kabilang linya.

Napapatulala na napatitig siya sa cellphone niya bago siya nagtitili sa kinauupuan niya.

"Damn, ang ingay mo Jen"sita sa kanya ni Honey.

"I got the job"masaya niyang sigaw sa mga kaibigan.

GENTLEMAN'S QUEEN # 2: JHENOnde as histórias ganham vida. Descobre agora