Seventeen

19.2K 578 9
                                    

Seventeen

Jen...

Mabilis ang bawat kilos nilang dalawa ni Rome, habang hindi na niya maimulat ang mata niya sa sobrang sakit at hirap na din siyang makahinga bunga ng usok na mula sa tear gas. Hindi lang pala dalawang tear gas ang ibinato sa kanila kundi namapakadami. Sinusigurong mawawalan ng mala yang lahat ng taong nandoon sa loob ng gusali.

"Jen, are you okay?"nag-aalalang tanong ni Rome sa kanya kahit na maging ito hirap na din magsalita.

Hindi naman niya magawang nakapagsalita. Patuloy lang sila sa paglalakad ni Rome, pababa na sana sila ng may makita silang mga tao sa hagdan na paakyat naman. May mga suot ang mga ito na gas mask, at nakatutok sa kanila ang mga baril ng mga ito.

Kaya naman kaysa bumaba sila nagderetso sila pataas ng gusaling iyon. sa ika-apat na palapag sila nagtungo ni Rome, may mangilan ngilan na tao ang nandoon pero hindi na sila nagawang paputukan ng baril ng mga ito. marahil siguro lito na din ang mga ito kung sino ba talaga ang kalaban nila.

Naghahanap na sila ni Rome ng matataguan ng matapatan nila ang isang grupo ng mga kalalakihan. Doon nakita niya ang kanyang ama na napapalibutan ng mga tauhan nito.

"Jennifer"tawag sa kanya nito.

Ang bilis ng pangyayari hinila siya agad ng ama niya mula kay Rome at nagmamadaling itinago siya nito sa kung saan. Nagkaroon muli ng palitan ng putok ng baril kung nasaan sila, nag-aalalang hinanap niya si Rome. Nakita naman niya ito pinuprotektahan din ng mga tauhan ng ama niya.

"Who is that man?"tanong sa kanya ng ama.

Mabalasik na tiningnan niya ito, ang lakas naman ng loob ng ama niya na magtanong pa sa kanya pagkatapos ng lahat ng nangyari.

"Ano naman ang pakialam mo"sikmat niya dito.

Napailing naman ang ama niya habang nakatitig sa kanyang mga mata.

"Habang tumatagal nagiging mas kamukha mo ang nanay mo"pag-iiba naman nito ng usapan.

Inirapan lang niya ito at inagaw dito ang isa nitong baril at nagsimula na din makipagpalitan ng putok sa mga kalaban nila.

Siya ang nagpapaputok ng baril sa harapan nila at ang ama naman niya ang bahala sa likurang bahagi nilang dalawa.

Hindi niya inaasahan na darating ang panahon na ito sa kanila ng ama, dati pangarap lang niyang makasama sa labanan ang ama niya, pero ngayon nangyayari na.

"Anak patawad sa nagawa ko"narinig niyang sigaw ng ama niya.

"Hindi ngayon ang tamang oras para sa paghingi mo ng tawad sakin"asik niya dito.

Unti-unting nalalagas ang mga tauhan ng ama niya na nakapalibot sa kanila. Maging kay Rome na ngayon ay hindi na malaman kung ano ang gagawin dahil wala naman itong hawak na baril.

"Rome!"tawag niya dito.

Nilingon naman siya nito at nginitian, nag okay sign pa nga ito sa kanya. nginitian naman niya ito, napalingon siya sa harapan nito may nakita siyang lalaking nakatutok ang baril dito kaya naman agad niya ito binaril. Nawala ang focus niya sa mismong harapan niya, ang buong atensyon niya ay nakay Rome lang.

Kaya naman laking gulat niya ng biglang himarang sa kanya ang ama niya.

"Patawad ako anak ko..."iyon ang huling sinabi nito bago ito bumagsak sa harapan niya.

Nagimbal naman siya sa nangyari, narinig niya ang pagtawag dito ng mga tauhan nito pero hindi niya iyon pinansin. Tangin sa ama lang niyang ngayon ay nakahandusay na sa paanan niya ang kanyang tingin.

GENTLEMAN'S QUEEN # 2: JHENWhere stories live. Discover now