Six

25K 742 9
                                    

Six

Jen...

Mula ng araw na halikan siya ni Rome nag-iba lahat sa kanila.

Pinipilit pa ni Rome na liligawan siya nito, na ilang beses na niyang tinatanggi.

"Hi Princess"masayang bati sa kanya ni Rome.

Pumasok siya ngayon sa opisina nito, ilang araw na din kasi siyang hindi makapag- concentrate sa mga gawain nilang magkakaibigan, kaya sinabi niyang pass muna sila kahit mga dalawang linggo lang tutal nakailang milyon naman na sila sa huling lakad nila.

Hindi na nga siya pumapasok sa opisina ni Rome pero panay ang tawag nito o kaya naman ay punta sa bahay nila. Nagsisisi na siya at sinabi niya dito ang totoong bahay nila ang kulit naman kasi nito.

"Good morning sir"bati nalang niya dito.

Pero mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya kasi naman nakasimangot na ito ngayon. Nandoon naman si Sarah at nagbibigay ito ng schedule ni Rome. Alam na din naman ng mga tauhan nito ang tungkol sa kanila ni Rome. Ang honest naman kasi masyado ni Rome, ina- Announce lang naman nito sa buong building na bawal siyang tingnan ng kahit na sinong empleyadong lalaki kundi tanggal na daw ang mga ito kung nahuli ni Rome na nakatingin sa kanya.

Ano pa nga ba ang iisipin ng mga tauhan ng binata kung ganoon ang sinabi nito sa buong building.

"Good morning Ma'am Jen"bati sa kanya ni Sarah.

Isa pa ang babaeng ito, nakangiti naman ito. sabi pa nga nito mula ng dumating siya mas lalo daw bumain ang boss nila kaya naman gusto daw nito siya para sa boss nila.

May saltik yata lahat ng tao dito sa building na ito, pinamumunuan ba naman kasi ng may saltik saan ka pa.

"Cancel all my meeting today, may lakad kami ng mga kaibigan ko"utos ni Rome sa secretary nito.

"Yes sir, I will reschedule it tomorrow"sagot naman ni Sarah dito.

Naupo na siya sa couch malapit sa table ni Rome, doon naman siya palagi nakapwesto mula pa noon.

"No, reschedule it next week; I will be out of town for a couple of days."ani Rome na nakatitig sa mga papels na nasa harapan nito.

"Okay sir"nagpaalam na din si Sarah kaya naman naiwan na silang dalawa.

Tumayo na siya ng mapansing wala pang kape na iniinom si Rome. Iyon nalang halos ang ginagawa niya mula ng magtapat ito sa kanya.

"Saan ka pupunta?"tanong niya sa binata ng mailapag na niya ang kape sa lamesa nito.

Nginitian siya nito, at uminom muna ito sa kape nito.

"Hmmm, ang sarap mo talagang magtimpla ng kape"puri nito sa kanya.

Inirapan naman niya ito.

"Anong masarap ka dyan, 3-in-1 lang iyan"pagtataray na naman niya dito.

"3-in-1 lang ito? pero masarap ikaw nagtimpla eh"paglalambing nito sa kanya.

Pakiramdam niya lahat ng dugo niya sa katawan napunta na sa pisngi niya, ang init ng pakiramdam niya sa pisngi niya.

"You're blushing"nakangiti na naman ito ng pinuna siya.

Iniwanan na niya ito at naupo na naman sa couch doon. Hindi niya makakausap ng matino ang lalaking ito kaya mas mainam ng iwasan ito.

"Tara na"aya sa kanya ni Rome.

Nang tingalain niya ito nakatayo na pala ito sa harapan niya.

"Saan ka pupunta?"takang tanong niya dito.

GENTLEMAN'S QUEEN # 2: JHENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon