Ten

20.5K 563 10
                                    

Jen...

Dumating ang araw ng party na aattend-an nila ni Rome, pero hanggang ngayon hindi pa din pinapaliwanag sa kanya ni Rome ang dahil kung bakit nandoon ang pangalan nito sa list. At mula din ng araw na iyon hindi niya kinakausap ang asawa niya.

"Wear this"malamig niyang utos sa asawa niya ng dumating sila sa venue ng party.

Iniabot niya ang hearing device kay Rome maging ang parang botones na magiging tracker niya at the same time. Inabot din naman sa kanya ni Rome ang mascara na gagamitin nilang dalawa.

"My queen, I just join this kind of event just to help you. Alam kong gustong gusto mo ng makilala ang Mr. X na iyan. Kaya inalam ko lahat ng pwedeng puntahan ni Mr. X."bulong sa kanya ni Rome.

Tiningnan niya ito, seryoso lang itong nakatitig sa kanya habang nagsasalita.

"I don't want to risk you Jen, kaya ako na ang gagawa ng dapat mong gawin. Just watch me kung tama na ang ginagawa ko okay."dagdag pa nito.

"Rome hindi mo naman ito kailangang gawin. Kaya naman naming magkakaibigan ito. kung ikaw ayaw mo akong mapahamak ako din ayokong mapahamak ka. Isa pa hindi ako papayag na may gawin kang hindi maganda. Tama ng ako nalang ang gumawa ng masama sating dalawa."sagot niya.

"I'm your husband, Jen. Kaya kung ano ka ganon din ako. Minahal kita sa kung ano ka kaya iyon ang niyayakap ko bilang asawa mo. Kaya hayaan mo ako sa ginagawa ko okay. Again I'm doing this for you because I love you so much Jen"madamdamin sagot nito sa kanya.

Wala naman siyang masabi pa sa asawa niya, iba talaga ang tabas ng dila ng asawa niya. ilang beses na siyang naspeechless kapag ito na ang nagsalita sa kanya. natatameme na siya kapag nagsimula na itong magsalita ng mga ganitong banat.

"Gold wag masyadong kumurap, ang dami ng picture ni Rome dito."saway naman sa kanya ni Honey.

Nakasuot kasi siya ng contact lens na parang camera na kapag kumurap ka ng madaming beses makukuhanan ng litrato ang kaharap mo.

Lalo pa siyang napakurap ng halikan sya ni Rome sa labi niya.

"Kainis naman kayong dalawa ngayon niyo pa nakuhang maglambingan, kainggit"singit naman ni Jobie.

Magkasama kasi ang dalawa sa may hide out nila at ito ang nagmomonitor ng mga Gawain nila.

"Tara na"nahihiya niyang aya sa asawa.

Isinuot na nila ang mascara nilang dalawa, inalalayan siya ng asawa niya ng makababa na sila ng sasakyan.

Madami ng tao sa hotel kung saan gaganapin ang party na dadaluhan nila.

"Your invitation please"ani ng Receptionist sa kanila.

Inilabas lang ni Rome ang dala nitong invitation, buti nalang pala at naisipan ito ng asawa niya kung nagkataon nahirapan pala siyang makapasok sa loob ng party na ito. pero may naisip naman na siyang paraan para makapasok ang problema lang kung iyon ang susundin niya malalagay naman sa panganib sila ng anak niya.

"Relax my queen"bulong sa kanya ni Rome ng makapasok na sila.

Huminga naman siya ng malalim bago siya sumagot dito at tumango.

Makikita sa loob ang karangyaan, napapataas ang kilay niya sa nakikitang ayos at sa mga tao doon. Makikitang lahat ng dumalo sa pagtitipon na ito ay mayayaman lamang, kitang kita sa mga nagkikislapang alahas na suot ng mga ito maging sa mga damit na suot ng mga ito.

"Most of the invited guest here are millionaire's and billionaire's"bulong sa kanya ni Rome.

"And your one of those billionaire"nakataas ang kilay niya.

GENTLEMAN'S QUEEN # 2: JHENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon