Eighteen

20.1K 584 12
                                    

Eighteen

Jen...

Five years ago...

Puno man ng kaba, pilit niyang tinatagan ang sarili niya pilit siyang nagpakatapang sa harapan ng mga kasama niya.

"Jennifer Carlota Reyes slash Carlota Dela Merced slash Scarlet Larzaval or a.k.a Black Widow "basa ng lalaking nasa harapan niya ngayon sa folder na hawak nito.

"Drew Larzaval A.k.a Mr. X was already terminated by his Mafia lord. The Mr. X Carlito Reyes, formerly Special Action Force in the Philippine army."tatangu-tango na turan pa nito.

Malalim na napahinga siya sa mga pinagsasasabi nito. nakatitig lang siya sa litratong nasa lamesa. Litrato iyon ng kanyang ama at ni Drew.

"So, how would you like to address you? Jennifer? Carlota? Scarlet?Black Widow? What?"seryosong tanong sa kanya ng lalaki.

"Call me what ever you want"matapang sagot niya na nakatitig pa din sa litrato ng ama.

"Whore!"napapitlang pa siya ng kalampagin nito ang lamesa.

Pero hindi naman siya nakaramdam ng kaba o kahit takot sa pinakita nitong galit sa kanya.

She remain poker face towards him.

Hindi na siya nabigla ng bigla nalang siya nitong sampalin ng ubod ng lakas. Halos mabingaw siya sa pagkalakas lakas na sampal nito sa kanya. pakiramdam din niya hilong-hilo siya sa sobrang lakas ng sampal sa kanya.

Pero kahit magkaganon hindi niya pinakitang nasaktan siya. Alam niya na kapag pinakita niya ang kahinaan niya mas lalalo pa ang pagpapahirap sa kanya ng mga ito. she know better, dati niyang trabaho ito kaya alam niya.

"Call me what ever you want"pag-uulit pa niya sa naunang sinabi.

Sa buong interrogation sa kanya hindi siya nagsalita man lang o ano. Tanging tango o kaya naman ay iling lang ang sagot niya. ending nabugbog lang naman siya ng maraming beses.

Naawa naman sa kanya ang ilang mga pulis na nandoon kaya naman pinagpaliban ang interrogation sa kanya.

Ilang araw, linggo o baka nga buwan na siyang pinapahirapan at pilit na pinapaamin sa mga kasalanan na hindi naman niya ginawa. Maging ang pagtuturo niya sa kung saan daw ang hide out ng mafia na kinabibilangan niya.

Lahat iyon hindi niya inamin, alam niya madami pang tauhan ang tatay niya. kahit naman kasi sa maikling panahon na kasama niya si Drew nalaman niya ang mafia na kinabibilangan nito ay hindi basta-basta. Hindi nga lang sa Pilipinas ang mga ito kilala, mas kilala pa nga ang mafia ng ama sa ibang bansa.

Nasa selda na siya ngayon, nagpapahinga ng biglang simugid ang sakit sa bandang puson niya.

"Ahhh!"daing niya sa sobrang sakit.

Pilit niyang pinakalma ang sarili niya habang iniinda niya ang kirot sa kanyang puson. Pero lahat ng tapang niya biglang naglaho ng makita niya ang pag-agos ng dugo mula sa kanyang kaselanan.

Napasigaw siya sa sobrang takot at kaba.

Agad naman siyang nadaluhan ng mga warden doon at nadala siya sa clinic ng kulungan kung nasaan siya ngayon.

"Lucky you, your baby is fighting. You better careful or you will have a miscarriage the next time you bleed"ani ng doctor na sumuri sa kanya.

Naiyak siya sa nalaman niya, hindi niya inaasahan ang magandang balita na ito sa kanya. Na magkakaroon na naman sila ng munting angel ni Rome. Ang masakit lang nasa malayong lugar siya ngayon na hindi niya alam kung saang lupalop ng mundo siya dinala ng mga humuli sa kanya.

GENTLEMAN'S QUEEN # 2: JHENWhere stories live. Discover now