Epilogue

35.9K 961 39
                                    

Epilogue

Rome...

Tagaktak ang pawis niya habang buhat buhat ang napakadaming box ng pagkain na dala nila para sa mga street children na linggo linggo nilang pinapakain. Hindi naman tumigil ang asawa niya sa pagtulong kaso sa magandang paraan na nila dinadaan ang lahat ng pagtulong nila.

Nila kasi katulong na siya ng asawa sa mga Gawain nito ngayon maging ang mga anak nila ay kasama nila sa pagtulong sa mga ngangailanga.

Nagtayo sila ng foundation para sa mga street children at tumatanggap sila ng tulong pinansyal at donasyon gaya ng damit, pagkain at gamit sa paaralan.

"Love ang bagal mo naman"reklamo ni Jen.

Malayo na kasi ang agwat nila ng asawa at mga anak. Siya bilang padre de pamilya nahuhuli kasi siya ang nagbuhat ng lahat ng mabibigat. Alangan namang pagbuhatin niya ang asawa niya, Malabo lalo pa ngayon at magsi-siyam na buwan itong buntis sa panglima nilang anak.

"Andyan na my queen."nakangiting sagot niya.

Hindi niya ininda ang init at pagod niya basta makita lang niyang nakangiti ang reyna niya nawawala lahat ng nararamdaman niya sa katawan.

Akay-akay naman ni Jen ang apat nilang anak, si Mia, Austin, Romina at Cloud. Kasama din nila sa Gawain ito ang iba niyang mga kaibigan maging sila Honey at Jobie kasama ang mga anak-anakan ng mga ito.

"Bagal mo na dad"nakangising sita sa kanya ni Austin ng makahabol na siya sa mga ito.

Napataas naman ang kilay niya sa tinuran ng anak niya.

"And what is the meaning of that Austin Isaac"may tono ng pagbabanta ang boses niya.

Tumatawa namang tumakbo ang anak niya palayo sa kanya. buti nalang at nailapag na niya ang mga kahon na dala niya kanina kaya naman malaya na siyang tumakbo at habulin ang anak niyang mukhang sinusukat ang kakayahan niya ngayon.

"Daddy is weak"pang-aalaska pa ng anak sa kanya.

Halos ilang minuto din ang ginugol nila ng anak niya sa pagtakbo, nakisali na din kasi ang iba pa niyang mga anak sa habulan nila. Kundi pa sila sinaway ni Jen hindi pa sana sila titigil na mag-aama.

"Ang tanda mo na nakikipaghabulan ka pa sa mga anak mo"sermon naman sa kanya ni Jen habang pinupunasan nito ang likod niya ng bimpo.

"My queen, its part of our family day. Ang makipaglaro sa mga bata"natutuwa niyang sagot na irap naman ang sagot sa kanya ng asawa.

Lalo naman siyang tuwa sa asawa kaya naman hinalikan niya ito sa labi ng panakaw.

"Ikaw ang hilig mong magnakaw ng halik"sermon na naman sa kanya ni Jen.

Tumatawa naman inakbayan niya ito.

"am I the badboy now my queen?"tanong pa niya dito.

Nakapout naman ito ng tanggalin nito ang kamay niyang naka-akbay dito. Nagsimula ang program nila, may kaunti kasi silang palaro sa mga bata bago nila bigyan ng pagkain ang mga ito at konting grocery na pwedeng iuwi ng mga ito sa bahay ang mga bata.

Mag-aalas singko na ng hapon ng matapos ang program nila. Kaya naman nag-aya ng umuwi ang mga anak nila. Napagod na din ang mga ito sa pakikipaglaro sa mga bata doon. Isa isa na din nagsiuwian ang mga kaibigan nila.

"What's wrong?"takang tanong sa kanya ni Jen.

Nasa tapat na kasi sila ng van nila pero hanggang ngayon hindi pa niya nabubuksan ang pintuan ng sasakyan nila.

Hinahanap kasi niya kung saan niya inilagay ang susi ng sasakyan nila.

"Daddy, I'm tired na po, can we get inside the car"reklamo ni Romina sa kanya.

"Wait princess"

Kahit saan bulsa niya hindi niya talaga makita ang susi, iniisip niya baka nalaglag niya angsusi sa kung saan.

"OMG daddy, you forget the key inside the car"nanlalaki ang mata na sabi ni Mia habang nakaturo sa loob ng sasakyan.

Dahil hindi heavy tinted ang sasakyan matatanaw ang loob nito. at nandoon nga ang susi sa loob ng sasakyan nila at nakasaksak pa sa key hole nito, pero nakalock ang pinto dahil dinoble check niya iyon kanina.

Napahampas naman sa noo ang asawa niya maging ang bunso nila na karga naman ni Mia.

"Matanda ka na talaga daddy"kantiyaw na naman ni Austin sa kanya.

Hindi naman siya nakapagsalita dahil nag-aalala na siya sa mag-iina niya kasi naman kanina pa nakatayo doon ang mga ito. lalo pa ang asawa niya, wala naman na ang mga kaibigan nila par asana ipasabay nalang niya ang mag-iina niya.

"Tsk"nakairap na nilapitan siya ng asawa niya.

"Naku Rome trenta ka palang mahigit pero nagiging makakalimutin ka na"bulong pa sa kanya ni Jen.

Naglalambing naman na niyakap niya ang asawa niya.

"My queen, my mind is just occupied by our event today. Sorry na, I better call a taxi mauna na kayo ng mga bata or better iwanan na natin dito ang sasakyan"sabi pa niya dito.

Inirapan na naman siya nito sabay hila ng hair pin nito sa buhok.

"Pasalamat ka dati akong magnanakaw"bulong sa kanya ni Jen.

"Cover me"utos pa nito sa kanya.

Ayaw lang ng asawa niya na makita ng mga anak nila ang gagawin nito. alam kasi nilang matanong masyado ang mga anak nila.

Nakangisi na sinunod naman niya ang asawa, walang kahirap hirap na nabuksan nito ang pinto ng sasakyan nila.

"Dala pala ni Mommy ang duplicate key"anunsyo pa niya sa mga bata ng mabuksan na ni Jen ang pintuan.

Napapalakpak pa ang mga bata sa sobrang tuwa ng saw akas nabuksan na ang pintuan ng sasakyan nila at nakakaalis na sila doon.

"Still the naughty bad girl I have here as my wife"bulong niya sa asawa.

"Yeah, my ever nice guy husband"baling naman sa kanya nito.

Sabay pa silang napatawa nito sa kalokohan nilang dalawa. 

.....................

GENTLEMAN'S QUEEN # 2: JHENTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang